"Fastfood nalang kasi eh! Ikaw talaga Chiles ang arte-arte mo pa!"
Napuno ng ingay ang classroom namin dahil sa mga reklamo ni Allistair. Pinaplano kasi nila kung saan sila kakain pagkatapos ng club meeting. Hindi ko nga alam kung paano ako nasama sa kanila eh.
Sa totoo lang nag cutting kami dahil sabi ni Allistair masyado raw magulo yung club na sinasalihan namin tapos ang weird daw ng moderator kaya ayun hindi nalang kami pumasok. Hindi naman siguro kami mamamatay kung hindi kami makasali ng isang club meeting eh.
Kaya nga lang dahil sa pagsama ko sa kanila, kinakailangan kong palinggan ang mga reklamo ni Allistair patungkol sa kung saan siya kakain.
"I'm telling you guys! Fastfood nalang kasi eh! Wala talaga akong pera ngayon!" reklamo ni Allistair at medyo padabog niya pang tinapon ang isang nilukot na papel kay Chiles.
"Allistair you know how I feel about eating in fastfood restaurants" sabi naman ni Chiles na mukhang napagod na sa pangangatwiran kay Allistair.
Oh yes alam namin na hindi ganun ka komportable si Chiles doon. Noon kasing napag-isipan naming kumain doon, may mga babaeng nakakilala sa kanya. Or should I say, nakakilala sa family niya at agad siyang nilapitan at nakipagkwentuhan kahit hindi naman namin kilala.
Ayun nailang siya at pagkatapos nun ay taliwas na talaga siya sa ideya na kumain kami sa isang fastfood restaurant.
So sad para sa kanya, wala kaming pera. Hindi katulad niya.
"Why can't we just eat at Bistro or those other formal restaurants?" sabi sa amin ni Chiles pero naparolyo nalang ako ng mata dahil sa sinabi niya.
"Bro. I'm sorry to say this but we're poor"
Napatawa nalang si Allistair sa sinabi ko habang tumatango. Itong si Chiles mas lumalim ang simangot at napahaplos na nga lang sa mukha niya. Nakakatuwa rin kasing makita na frustrated siya.
Alam naman siguro niyang siya pa rin ang matatalo kahit anong mangyari.
Napadako naman ang tingin ko kay Ernest na hanggang ngayon ay nasa cellphone pa rin niya nakatutok. Napasimangot na rin ako. Iba kasi ang timpla ni Ernest ngayon. Parang may bumabagabag sa kanya.
"Ernest!" pagtawag ko sa atensiyon niya. Tumingin naman siya sa akin na parang ninenerbyos kaya napataas ang kilay ko.
"Ano ba kasing inaatupag mo diyan ha?" tanong ko sa kanya sabay silip sa kung anong ginagawa niya. Nakita ko namang parang may ka text siya, hindi ko lang kaagad nakita sino yung tao kasi aad naman niyang itinago ang phone niya.
"Wala to bro, just keep planning. Susunod nalang ako sa gusto niya"
Hala iba na talaga ito. Hindi ito ang Ernest na nakilala ko. Ibinalik ulit ni Ernest ang kanyang atensiyon sa phone niya. Si Ernest kasi ay iyong tao na may mairerekomenda tapos hindi magpapatalo. Nabigla ako dahil sa sinabi niya, o baka naman masyadong nagiging over thinker nanaman ako.
I looked at Chiles from across me and he just simply shrugged his shoulders. Pati na rin si Allistair nagkibit-balikat lang din, hindi malaman kung bakit weird ang behaviour ni Ernest.
Napaghalataan naman siguro niya na tumahimik kami at ngayon ay nakatutok sa kanya dahil napatingin siya sa amin at nginitian kami.
"Stop thinking so much guys. Busy lang ako" sabi niya sa amin. Though it did not settle ones curiosity even for a bit.
"Company stuff?" tanong ni Chiles at tumango naman si Ernest.
"Oo, company stuff" sagot niya.
"I thought going well na ang company niyo Ernest" sabi ko dahil parang kahapon lang napagusapan nila kung paano tumaas ang stocks nila Ernest sa company nila.
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14
