The next few days came as a blur. Nagwakas na ang lahat ng namamagitan sa amin ni Neisha at dunating na rin ang balita sa ibang mga kapwa kong estudyante.
Hindi ko naman mapigilan iyon kaya hinayaan ko nalang. For the first few days after the break up ay awkward. Hindi para sa amin ni Neisha kundi para sa amin ng mga kabarkada niya.
They were obviously pissed at me for hurting their friend but I couldn't do anything about it anymore. I liked Neisha but it changed now.
Neisha has been absent since then kaya hindi ko pa rin mapigilang mag alala para sa kanya.
The one who is the most pissed though is kuya Caldrin. Sabi niya noon ay susuportahan niya ang mga desisiyon ko. Pero galit siya sa akin ngayon kasi hindi niya inakalang mabilis ko ring gagawin. He thought I would give it more time to get ready but I wanted to end it all.
Neisha doesn't deserve what I allow her to feel. It isn't even that sincere anymore so it has to stop.
Her friends told me to contact her but I can't. I'm not allowed to anymore. I would only hurt her more if I do so. I needed to give her time before I can become her friend again.
Someday, babalik din ang pagkakaibigan namin. Hindi ko hahayaan na masira iyon dahil lang sa nangyari.
I consider Neisha one of the people who helped me so I couldn't just drop her.
Unti-unting nababaon na rin ang issue na yun sa paglipas ng mga araw. It became two weeks after that.
She's still absent but I heard from kuya Caldrin that she is doing well so I wouldn't have to worry about her well-being.
The only thing that I am worrying right now is about Klara.
Paminsan-minsan ay umaabsent din siya at hindi nagbibigay ng rason. Aside from Ernest who is the only one who knows what's going on, no one seems to be able to ask her. Baka kasi takot.
I'm just worried dahil naaapektuhan na grades niya at pagiging honor student dahil dito.
Kaming mga magbarkada ay nandito ngayon sa canteen tumatambay. May seminar yung mga teachers kaya halos buong araw walang klase kasi kadalasan coordinators yung mga guro namin.
Ayun sumama na ako nina Allistair nung sinabi nila sa canteen nalang sila para raw at least may pagkain.
Nandoon din naman ang iba kong mga kaklase. I'm curious though, did we leave the classroom empty or what?
"Hello!" masayang bati ni Danica sabay upo kasama namin. Tumabi siya sa akin sabay malaking nakangisi. Nakakatakot siyang tingnan.
"Oh ba't ka naman nandito? Nandun mga kabarkada mo ah" pag-alma naman ni Ernest sabay turo kung nasaan sina Klara pero humagikhik lang siya.
"They can survive without me naman so dito muna ako" sabi niya. Ibinaling naman niya ang tingin niya sa akin so alam ko nang ako ang maiintriga rito.
"So, a little birdie told me na break na kayo nung girlfriend mo. Sino nga ba yun?"
Umirap naman ako sa kanya. "Kalat na sa buong school. Tapos classmate mo yung ex ko. Huwag kang aktong inosente" sabi ko.
"Sorry di kita ma comprehend" bara naman niya kaya uminit ulo ko. Tumawa naman itong si Chiles dahil sa mukha ko pero hinayaan ko nalang sila.
"Ano nang gagawin mo ngayon Damien?" tanong niya sa akin tapos tiningnan pa ako with a knowing look.
"Ano bang dapat kong gawin?"
"Pormahan mo na si Klara!" sigaw ni Allistair. Hindi ako ang nagulat kundi si Ernest. Nabuga pa nga niya iniinom niya tapos naubo pa. Sumama naman mood ko dahil dun.
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14