Nandito kami ngayon sa mall ni Neisha. Ipinangako ko kasi sa kanya na bibili kami ng bagong damit niya. At bilang boyfriend niya, siguro naging obligasyon ko na rin na gumastos para sa kanya.
Kasalakuyan namang nasa loob ng dressing room si Neisha, isinusuot niya yung mga gusto niyang damit.
Sa totoo nga lang gusto ko nang sumigaw. Nakakabagot kasi dito sa mall. Nakakapagod tas ang daming tao. Hindi ko talaga alam kung bakit gusto ng mga tao ang mag shopping dito eh may online shops naman eh. Mas prefer ko pa yun kaysa pumunta dito sa mga mataong lugar.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa pagod at naisipan na mag scroll sa posts dito sa facebook. Actually, it's been a while since I used it.
Hindi kasi ako mahilig mag facebook eh. Naiinis ako dahil sa notifications, lalo na kasi disturbo sila kung maglalaro ako ng games. Nadelete ko nga noon yung mga application na yun tapos hindi ko na napag-isipan pa kung malaking kawalan ba iyon.
Hindi naman talaga siya malaking kawalan. Sa totoo kang mabubuhay ako ng walang facebook eh. Pinilit lang talaga ako ng kapatid ko na gamitin ulit yun pati mag download ng messenger dahil para raw iyon sa kabutihan ko.
Paano naman nakakatulong ito?
Balik tayo sa facebook scrolling ko, nakita ko na yung post kung saan naging hot topic ako sa school. Sinabi sakin ni Danessa na dahil tinag at pinost pa talaga ni Neisha in public yung isang photo naming habang nagdedate kami kaya nagulat ang lahat.
Alam kasi nilang may boyfriend itong si Neisha noon at si Caldrin iyon. Sikat si Caldrin sa school kasi nga SHS SC president siya. Hindi rin natin maipagkakaila na gwapo siya kaya marami ang gustong makilala at nagbabasakali na mag confess sa kanya.
Now that I think about it, talagang masamang timing yung pagiging kami ni Neisha. I mean really, ang bilis nga ng mga pangyayari noon hindi na ako naka react kasi nga sa 'Neisha Head Space' ko pero after a while naliwanagan naman ako.
Conflicted nga ako. Neisha is the girl that I always wanted. Mabait siya, mahinhin, girly tapos ang social niya. Pero noong mas nakilala ko siya parang nawala lahat nung mga iniisip ko.
Was I too blinded?
The Neisha that is my girlfriend is very different. Mahinhin nga siya pag may ibang tao pero kapag kami lang dalawa ang hilig niyang mag-utos. Nagdadabog kaagad siya at nagagalit kapag hindi nakukuha ang gusto niya. At parang nang pre-pressure rin siya.
What should I do?
I waited for the time na maging kami. I might not like her now pero I can try? Maybe I should just wait and see how this will go.
"Baby what do you think?" lumabas siya ng dressing room na nakasuot ng isang pula na dress. Medyo di ko nagustuhan yung sinukat niya. Ang revealing kasi eh, parang hindi na pwede para ipakita sa iba. Lalo na yung sa likod at chest area.
Tumango nalang ako sa kanya kasi nga hindi ko alam kung anong isasagot. Gusto kong maging honest sa kanya pero baka mag eskandalo pa siya dito sa store at mapagalitan pa kami ng wala sa oras.
Obviously wrong move kasi nga nag frown kaagad siya. Halatang hindi niya nagustuhan yung lack of reaction ko kaya tumalikod siya sakin at padabog na bumalik sa loob ng dressing room.
Okay, here I go again. Time to pacify her anger.
Tatawagin ko na sana si Neisha pero malakas naman niyang binuksan ulit yung pinto ng dressing room kaya ang lakas ng tunog na bumalot sa tahimik na shop ma ito. Agad naman siyang padabog na naglakad palabas.
Napatingin naman ako sa sales lady na uma-attend sa mga kailangan niya kanina tapos nag sorry sa inasal ni Neisha.
Tumakbo naman ako para habulin siya at ayun papunta na siya sa exit. Agad ko namang hinawakan ang braso niya para mapatigil siya at inirapan naman niya ako.

BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Ficção AdolescenteIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14