015

38 9 6
                                    

Dismissal time. Yun yung pinakapaborito na oras ng mga estudyante. Ang oras kung saan natapos na ang mga nakakabagot na lectures at nakakapagod na mga activities.

Ang oras kung saan pwede na nilang ilabas ang mga cellphone nila at oras kung saan malaya silang makakapag kwentuhan, makapaglaro, kumain at iba.

Sa oras na yun kasama ko na sila Ernest, Chiles at Aldrin papunta sa gym dahil gusto naming mag workout para sa mga sports na sasalihan namin.

Sa oras din na iyon makakapag kwentuhan kami ni Neisha at pwede ko siyang yayain para kumain sa mga food stalls at librehin siya para lang pasalamatan niya ako sabihin niyang ako lang yung nagaalaga sa kanya. (ay waw)

Pero, sa halip nun...

Nandito ako sa Student Council room nag a-arrange ng mga files na hindi ko naman gagamitin!

Padabog kong linagay sa shelf yung natapos ko nang ma sequence in alphabetical order na files.

Time to time ay sumisilip din ako kung ano na ang ginagawa ni Klara na siyang nagpagawa nito sakin.

Kasalukuyan niyang inaayos ang mga files sa mga kahon at tahimik siyang gumagawa nun. Hindi ba siya nababagot sa sitwasiyon naming ito?

I take back what I said nung sinabi kong hindi naman siya ganun kasama.

Torture to para sakin! Alam naman siguro ng lahat na ang higit na ayaw kong gawin ay ang maglinis ng mga bagay.

Kung hindi nag ML si Ernest kanina....

Hindi ko na namalayang naikumot ko na pala yung mga kamao ko dahil sa inis. Oo, dapat sisihin ko si Ernest dahil dito. Siya yung nagsabing hindi dapat ako maging duwag pero siya naman yung walang masabi kay Klara.

Kainis.

"Kung natapos na yang internal monologue mo pakiayos naman ng mga files diyan sa top shelf sa kaliwa mo. Salamat" sabi ni Klara kaya nabalik ako sa realidad.

Internal monologue? Bakit naman niya naisip yun? Mukha ba akong taong gusto na makipagusap sa sarili?

"Oo"

Aba oo raw-ay teka lang. Paano niya ako sinasagot? Nababasa niya isip ko?

"Tanga. You're speaking it out loud Damien"

Tinakpan ko naman agad ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko na namalayan pinagsasabi ko na pala kung anong nasa isip ko. Ayun napagkamalan na niya akong baliw.

Matu-turnoff siya sakin....

Hindi! Mas magaling nga yun eh! Ba't ba ako ganun magisip? Hindi siya kawalan kahit na hindi na niya ako magugustuhan.

"Alam mo naman na mahirap na kung makikipag away ka sa sarili mo diba? At huwag kang magalala. Hindi ako matu-turnoff sayo Damien"

Bibig! Ba't ayaw mong tumahimik.

Napaubo nalang ako para makalimutan nalang namin yung nangyare. Nakakahiya na kung magsasalita ulit ako na wala sa oras. Baka totoohin niyang may ipadalang mental medic dito.

Nabalot muna kami ng katahimikan at hinayaan namin na mabusy kami sa kanya kanyang tinatrabaho ngunit knowing ako, hindi ko naiwasan na tanungin ko siya patungkol dito.

"Bakit nga pala ikaw yung naglilinis sa Student Council room? Sinama mo pa ako" tanong ko sa kanya pero pinagpapatuloy pa rin ang pag a-arrange.

"Pinakiusapan ako ni Nigel. May pinapagawa raw ang principal sa kanila kaya walang gagawa nito. Eh kailangan naman nilang maayos to. Sumang ayon nalang din ako"

Tsk. Si Nigel? Nigel Salazar. Ang Student Council president. Napansin ko nga na medyo close sila pero di naman masyado. Ang naririnig ko lang naman sa mga usapan nila noon ay work related. Baka, may gusto si Nigel sa kanya?

"Klara" panimula ko. Tumugon naman siya sa tawag ko. "Ano yun?"

"Kayo ni Nigel. May....something ba kayo?" naitanong ko na. Hindi ko kasi mapigilan ang curiosity ko. Kasi naman sumasama nga rin naman si Nigel minsan sa barkada nila kaya baka....

Nangilabot ako bigla nang magdilim ang paligid namin o baka para sakin lang. Tumayo si Klara at humarap sakin na ikinatakot ko. Ang lamig ng titig niya parang papatay.

"Huwag na huwag mong masabi ang ganun Damien or so help me hindi ka na makakalabas ng room na to"

Ayun puro goosebumps ang nagpakita sa mga braso ko at nagsitayuan ng mga balahibo ko. Ang paraan niya kasi ng pagkakasabi ay napakalamig. At sa tingin ko nga mas malalim pa ang boses niya kanina.

Nakakatulong talaga yang blangkong mukha niya sa sitwasiyon namin. Mas nagmumukha siyang killer.

Tinaas ko naman ang dalawang kamay ko para malaman niyang hindi ko na ididiin pa yung topic.

Teka ganun na ba kasama ang makasama si Nigel para ganyan ang maging reaksiyon niya?

Nabalik naman ang atensiyon ko sa kanya nung napabuntong hininga siya. "Sige na yan na lamang ang ayusin natin ngayong araw na to. Tatapusin nalang natin bukas" sabi niya.

Kumunot naman ang ulo ko sa sinabi niya. "Anong bukas? Wala na akong balak pang bumalik dito no" reklamo ko sa kanya.

"Wala kang magagawa kasi may utang ka pa sakin"

"Akala ko ba tapos na yun. Eh tinulungan naman kita ngayon eh"

"Gusto mong ipakita ko kay Maam Catango yung form na walang sign ng parents ni Ernest or kay Maam Pam?"

Inirapan ko naman siya. Kaya pala, hindi pala talaga totoo ang form na yun. Mabuti na nga lang hindi na binasa ni Maam yung form kundi lagot kami.

"Hayst. Oo na tutulungan kita bukas pero hanggang bukas na lang ha. Wala na akong balak na maglinis pa ulit dito" sabi ko nalang sa kanya at tsaka inayos ang sarili ko para makaalis na kami.

Hinintay ko muna na ayusin ni Klara yung gamit niya nung bigla namang malakas na kumalabog ang pinto ng Student Council room.

Napasapo ako sa puso ko dahil nakakagulat naman nun. Buti pa itong kasama ko tiningnan lang yung pinto at tsaka inayos ulit gamit niya. Hindi talaga to marunong maging tao.

"Ano kaya yun?" tanong ko.

"Hangin lang yun. Mahangin naman talaga sa hapon."

"Teka. Baka multo yun o ano"

"Huwag kang duwag hindi ko matatanggap na nagkagusto ako sa isang duwag" sinamaan ko agad siya ng tingin.

Pagkatapos niyang ayusin yumg gamit niya ay umuna siyang naglakad papunta sa pinto at ikinalabit ang doorknob. Nakita ko kung paano napahinto siya ng ilang minuto bago pinihit ulit yun ng iilan pang beses.

"Uy anong nangyari diyan? Ayos lang ba yan?"

Dahan dahan niya akong nilingon at gamit ang blangko niyang expression nagawa niyang pasamain ang araw ko pagkatapos niyang bigkasin ang iilang mga salita.

"Na lock tayo"

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon