"Sure ka talagang na lock tayo?!" pasigaw kong tanong sa kanya. Tumango lang naman siya kaya di ko sinasadyang napalakas ang pagpapatabi ko sa kanya upang ako ang sumubok na magbukas ng pinto.
Pihit ako ng pihit sa doorknob pero wala talaga. Nalock nga kami sa loob ng Student Council room.
Padabog kong naisuntok ang pintuan tapos inirapan ang dahilan kung bakit nandito ako sa umpisa pa lang. Magsasalita na sana ako kasi inunahan niya pa talaga ako.
"Alam kong sisisihin mo ako at alam kong sisigaw ka sa susunod na limang segundo pero wala na akong magagawa pa kaya sorry dahil dinala kita dito. Hindi ko intensiyon iyon at tulungan mo nalang ako na magisip ng paraan para makaalis dito" sabi niya na parang hindi na kailangan pang huminga.
Napatikom naman ang bibig ko dahil nga nasabi naman niya lahat ng isisisi ko dapat at kahit naiinis ako ay tumango nalang ako sa mga inutos niya.
Oo nga naman, wala namang magbabago kahit awayin ko siya ngayon. Hopefully may makakita samin bago pa gumabi.
~•~
Nope. Walang nakakita samin at malapit nang mag 7. Ginulo ko nalang ang buhok ko nang dahil sa inis habang sinusubukan naman ni Klara na maghanap ng pwedeng makatulong samin.
"Alam mo wala na talaga tayong magagawa pa eh. Sirain ko nalang kaya itong doorknob." sabi ko sa kanya habang nagsisimula nang maghanda dahil kung hindi ako makakaalis sa lugar nato, talagang gagawin ko yun.
"Huwag mong gawin iyan dahil makakalabas nga tayo dito. May babayaran naman tayo dahil damage to school property iyon" pangangatwiran naman niya pero mas nagagalit lang ako sa mga pinagsasabi niya.
"WALA NAMAN SILANG MAGAGAWA EH. PARA NAMAN SA KABUTIHAN NATIN TO! ANO UNAHIN NILA IYAN TAPOS MABUBULOK TAYO DITO?!"
"Huwag kang sumigaw-"
"WALA KANG PAKEALAM"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Di ko naman kasi alam na ganito pala ang mangyayari. Alam kong papatayin pa ako ng mama ko ng dahil dito.
Baka hindi na kami makalabas dito. Walang tao na tutulong samin tapos mabubulok kami dito. Hindi. Dahil dun mamatay ako. Ayaw ko pang mamatay. Marami pa akong gustong gawin sa buhay. Nais ko pang-
Napahiyaw ako nung may tumamang mabigat na bagay sa ulo ko. Galit kong tiningnan kung ano yung bagay na yun at si Klara pala, hinampas niya ako gamit nung logbook. Nandilim naman ang paningin ko dahil sa ginawa niya.
Naglakad ako papunta sa kanya at kinuha yung logbook at tsaka itinapon sa may pinto ng napakalakas. Gumawa iyon ng malaking tunog pero hindi naman siya natinag.
"Alam mo sadyang nakakapikon ka talaga eh no?!" sigaw ko sa mukha niya pero wala naman siyang ginawa pa ngunit tumingin siya ng diretso sa mga mata ko.
"Hinampas lang kita para mabalik ka sa hwisyo. Nagiging baliw ka na" sabi lang niya kaya napatawa naman ako ng sarkastiko.
"Ikaw nga yung bumabaliw sakin. Una, ginagago mo ko. Pagkatapos nun hindi mo ako nilulubayan. Tapos ayaw mong makinig, ang tigas ng ulo mo at ngayon natrap tayo dito ng dahil sayo! Nakakagalit ka! Alam mo yun?"
"Ganyan na ba talaga ka sama ang tingin mo sakin?"
"Malas lang ang dala mo sa buhay ko! Simula nung sinabi mo saking may gusto ka sakin, ayun hindi na maganda ang nangyayari sa buhay ko. Ewan ko ba kung sumpa ka o ano pero parating mali nalang ang nangyayari pag nandun ka"
Hindi naman siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.
"Hindi naman kasi dapat nangyari to. Hindi na sana kita papansinin para naman yun sa kabutihan mo. Ibabalik ko sayo lahat ng binigay mo. At hindi ka na papasok pa sa utak ko pero ayun. Parati kang dumadating kahit na ayaw ko. Bakit ba? Ha? Ano bang dapat kong gawin para tigilan mo na ako?"
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14