Mahigit isang linggo na ang nakaraan pagkatapos nung date namin ni Klara. It drew us even closer. Hindi na ako nahihiya na ipakita sa kanya yung affections ko pero hindi naman ganun na pinaglalantaran.
Kasalukuyan ako ngayong naghihintay sa may rooftop. Napag isipan kasi namin na magkita dito para naman may time kami na kaming dalawa lang.
Or is it just me being selfish kasi naman parati naman kaming magkasama. Pero iba kasi yung kapiling mo siya na walang ibang taong humuhusga.
I'm pretty sure some are aware or suspicious about our relationship. But since wala namang diretsahang nagtatanong, eh wala rin naman akong ibang pagsasabihan pa.
As what Klara said, let everything just happen.
Nakatanaw ako ngayon sa ibang mga buildings na nakapalibot sa school. Dinadama ko yung hangin, kahit na mainit, at komportable lang sa katahimikan.
Bigla ko namang narinig na may lumalapit sa akin at ngumiti ako dahil alam ko kung sino yun.
Naramdaman kong pinulupot niya yung mga kamay niya sa baywang ko at hinayaan ko lang siya dun sa back hug na binigay niya.
"Mien!" bati niya sa akin. Napalaki ang ngiti ko at hinarap na siya.
"Klara! Ang tagal mo!" reklamo ko sa kanya. Napabuntong hininga lamang siya at kumalas sa back hug upang tumabi sa akin.
"Ang tagal matapos mag lunch ni Aillah. Ayaw akong paalisin ni Anissa hanggang hindi siya tapos." sabi naman ni Klara sa akin na may kasama pang pout.
"I don't understand Aillah though. Bakit ang tagal niyang nguyain yung pagkain? Isang chew parang limang minuto eh. Plus may usap usapan pa sila ni Danica." dagdag pa niya sa mga reklamo niya.
Natawa naman ako dahil dun. I noticed na kahit hindi pa kami matagal ni Klara ay naipapakita na niya sa akin ang ibang emotions niya.
Masaya ako dahil dun kasi she trusted me enough to show these different sides of her. Sides that are amazingly charming and cute.
"Oh yeah. Mien, natapos mo na yung flip book mo?" tanong niya sa akin. I shook my head no.
"Nope. Hindi ko pa nga alam kung anong drawing ang gagawin ko eh. Sa costume design, nagawa mo na?"
Siya naman ngayon ang umiling. "Nope. I don't have an idea for that either."
She seems stressed out so I gingerly patted her head and she leaned unto me.
"Ang dami nating gagawin ngayon Mien." sabi niya sa akin at yumakap. "Magiging busy tayo sa mga gagawin, hindi na tayo makakapag-usap ng maayos dahil diyan."
I raised an eyebrow at her. "Sino naman may sabi?"
Napakunot naman ang noo niya. "Hindi ba ganun yun? Sa mga drama kasi, pag busy ay parati nalang daw hindi sila nagkakausap at nagkakaintindihan. Baka mangyari sa atin yun."
Napabuntong hininga naman ako at pinitik siya sa ulo niya na siyang dumaing siya sa sakit. "Stop thinking too much about it Klara. At tsaka hindi mangyayari yun. Tayo pa ba?"
Tumawa naman siya ng mahina sa sinabi ko at ngumit. "You're right. Walang makakapigil sa atin."
We hugged each other at that time habang tinatanaw ang mga buildings. Alam kong may mga tao diyan sa building na yan na maaaring makakita sa amin but I don't care. Ipagmamayabang ko tong girlfriend ko.
"Nah Klara pagod na pagod ako ngayon!" biglaan kong sambit tapos mas hinigpitan ko pa yung pagyakap ko sa kanya.
Nabigla naman si Klara dahil sa ginawa ko. I pressed her against my chest, it's more like suffocating now than actually hugging her.
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14