010

50 11 4
                                    

* Monday *

Di ko man gusto ay padabog akong pumasok sa school. Mas nainis pa nga ako nang hindi ako papasukin. Eh kasi naman hinarang pa talaga ako ng gaurd doon sa baba dahil hindi ko raw dala ID ko.

Nakaka-badtrip kasi may test ngayon si Maam Gaudia at hindi ko iyon pwedeng palampasin.

Di ko naman kasi kasalanan eh. Pinagtripan ako nila Ernest at tinago pala nila ID ko. Sabi nila isasauli naman nila pero nakalimutan nila.

Ewan ko kung anong pumasok sa mga isipan nila at talagang tinago pa nila ID ko na alam nilang parang necessity na yun.

Hindi ka makakapasok sa school kung wala yun. Hindi ma-sasign clearance mo kung wala yun. Hindi ka magkakaroon ng grades kung wala yun. In short di ka gagraduate kung wala yun.

Sa totoo lang ang aga kong pumasok ngayon pero ayun naghintay pa ako sa may gaurdhouse para kina Ernest.

Unang dumating si Chiles at napasapo nalang siya sa ulo niya nang maalala niya pinaggawgawa nila kahapon. Humingi naman siya ng tawad sakin ng ilang beses. Pero bad news sa kanila kasi nawala na ako sa mood. Galit na ko.

Sinamahan naman akong maghintay sa gaurdhouse ni Chiles kasi nga nahihiya siya sakin. Ang sumunod na dumating ay si Ernest at ayun susugurin ko na sana ngunit pinigilan ako nung gaurd at sinabi niyang irereport ako kapag tinuloy ko. Ako pa talaga ang irereport ha.

Tinanong ko naman agad kung nasaan na yung ID ko at parang mas naging masama pakiramdam ko nung sinabi niya na kay Allistair daw.

Ayun naghintay ulit kami. Akmang tatakas pa sana si Ernest eh pero pinigilan (ginuilt trip) siya ni Chiles para huwag gawin yun. Kaya ayun para kaming Alvin and the Chipmunks trio raw sabi nung gaurd.

Naiinis na talaga ako nun nung sa wakas ay dumating na si Allistair. Agad ko rin naman siyang tinanong kung nasaan ang ID ko pero ang sabi niya naiwan niya raw sa kanila at ayun di ko na napigilan at pinagsusuntok na ang tatlo. Husag kayong OA mahina lang ang mga suntok ko hindi pa nga makakasugat eh.

Ayun para tumigil ako ay nagsitakbo sila papasok ng school at di man lang ako nilingon. Kasalanan nila ito eh. Paano na ako nito?

Pinakiusapan ko naman ang gaurd ng ilang beses pero hindi talaga ako pinapasok kaya uuwi nalang sana ako nang harangin ako ni Klara. Saan naman siya galing?

"Halika na pumasok na tayo" sabi niya sabay dampot ng braso ko. Napatigil naman ako. "Teka lang Klara late ka? Diba dapat kanina pa lang nandito ka na sa school?" tanong ko sa kanya na nalilito.

Hindi naman siya sumagot sakin at patuloy ang paghila sakin papunta kung saan nakabantay ang gaurd. Ayun naman ay naalala ko na wala nga akong ID.

"Klara, hindi ko dala ang ID ko kaya hindi ako papasukin diyan" sabi ko sa kanya pero hindi naman niya inalintana yun.

"Just trust me Damien Velarde" sabi niya. Noong harap-harapan na ulit kami ng gaurd ay tumaas ang kilay nun at sesermonan ulit ako pero biglang nagsalita si Klara.

Nabaling naman ang atensiyon ng gaurd sa kanya at ayun nagpatuloy ang pag-uusap nila patungkol sa bagong protocol ng school(?).

Andun lang ako awkward na nakatayo sa gilid nila ng bigla naman ako tinulak ni Klara papasok ng gate.

Tatanungin ko sana siya kung bakit siya nanulak ngunit nakita kong palihim niya akong sinesenyasan na pumasok na habang patuloy pa rin na dinidistract ang gaurd.

Ayun dali dali rin naman akong tumakbo papasok ng building at malayo kung saan ako makikita ng gaurd.

Napangiti ako dahil grabe rin pala kung magplano itong si Klara. Hinintay ko siya upang mapagpasalamatan pero hindi naman niya ako kinibo.

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon