054

27 7 0
                                    

Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at pinuntahan ko talaga si Neisha pero I regret my decision. Puro mura ang natanggap ko pagkarating ko roon.

Neisha was screaming at me. Cursing at me. Even trying to hit me. Her face showed so much stress and frustration which she wants to direct at me.

Nandoon lang ako nasa harap niya. Hindi umiimik at hinahayaan lamang siya sa mga pinaggagawa niya.

In the first place I was doubting on coming over here. But the way how Neisha kept calling my phone when it was getting late and I wasnot coming, I knew I had to see her.

To clear things out, one last time.

Nakalapit na si Neisha sa akin at pinaghahampas ako sa dibdib. Hinayaan ko na lamang siya.

I don't know what happened during her absence pero ganito na siyang tingnan. Wala siya sa sarili at pagod na pagod.

"Damien naman! Bakit kayo na ni Klara?! Hindi pa naman ganun katagal ang pag break up natin pero bakit may iba ka na?! Ganun ba lamang ako kadaling palitan?!" pagsisigaw niya sa akin.

Neisha is crying now, too much. Like even with how swollen her eyes looked before, there are more tears which she want to shed.

"Ang sama niyo! Ang sama niya! Siya yung dahilan kung bakit tayo ganito! Sabi ko na nga ba! Siya ang may kasalanan nito!"

Her face then morphed into anger. Like she made things clear out and thia time I started to get worried.

"Bitch! Siya yung may kasalanan kung bakit hindi mo na ako mahal! Humanda siya sa akin! Papatayin ko siya!"

Puwersahan ko na siyang pinaharap sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay niya na patuloy na humahampas sa akin kanina.

Nabigla naman siya sa pagiging agresibo ko pero I don't care anymore. Venting out frustrations was one thing, threatening the one I love is another.

Hindi ko mapapalampas iyon.

"That's enough Neisha! Don't threaten Klara! Wala siyang kinalaman sa lahat ng ito! Ako yung nag desisiyon na iwanan ka!" sabi ko sa kanya pero patuloy lamang siyang umiyak at umiiling na hindi naniniwala.

"No! You changed! You changed the wah you look at me because of her! Inakit ka niya! Ahas siya! Walang hiyang babae!" pagsisigaw niya at mas diniinan ko pa yung paghawak sa mga kamay niya.

"Stop it! Huwag mo nang insultuhin ang girlfriend ko Neisha." sabi ko sa kanya at natigilan naman siya.

Nung una ay natulala siya dahil sa sinabi ko pero bigla siyang tumawa at umiyak.

"Girlfriend? That bitch? Ano ba! Damien! Binibilog niya lang utak mo! Ako yung mahal mo hindi siya!"

I let out a frustrated sigh. Why must this be so hard?

"Niesha look at me." sabi ko sa kanya at kahit na ganun siya ay napaharap ko pa rin siya.

"Walang inagaw si Klara sayo. At wala siyang ginawa na hindi maganda. I'm sorry Neisha. Pero I realized, nasa kanya naman talaga ang puso ko. I just needed time to know and now I finally have it." sabi ko sa kanya.

Neisha cried out one more time. "Hindi! Damien! You're mine! Ikaw lang nagmamahal sa akin!" iyak niya at unti-unting napaupo sa sahig. Nawawala na rin ang hawak ko sa kamay niya.

Nawalan na ng lakas si Neisha dahil sa mga sinabi ko at patuloy nalang na umiiyak ngayon.

"I'm really sorry Neisha. Pero hindi ko kayang pilitin ang sarili kong mag commit sa isang relationship na sa simula pa lang ay wala naman doon ang puso ko." sabi ko pa sa kanya.

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon