056

28 7 12
                                    

Masaya kaming nagkukuwentuhan nila Chiles ngayon dito sa room. Hindi ko alam pero parati nalang walang teacher eh, hindi sa nagrereklamo ako. Pero ang weird lang kasi. Huwag na nga.

Hindi ko muna kasama si Klara kasi hinayaan kong sumama sa mga ka barkada niya. Nagtatampo sina Alyssa eh. Parati ko raw inaagaw si Klara sa kanila.

Na guilty naman ako kasi totoo naman kaya hinayaan kong sumama siya dun.

Mababait naman ang mga kabarkada niya. Maliban nalang kay Anissa. De joke lang, pero kampante akong hindi mapapano si Klara kasama nila.

Teka syempre naman. Mas kilala pa nila at kasama yung girlfriend ko since then. Hindi ko na eh que-question and mga bagay na yun.

Kasalukuyan kong binabatukan itong si Allistair dahil puro puna sa mga ginagawa ko kahit wala namang mali nung biglang tumahimik ang room.

Napalingon ako sa kung saan sila nakatingin at nabigla ako.

Neisha was now, currently walking inside the room with her head held high.

Hindi niya kami tiningnan man lang o pinansin at diretsong umupo sa tabi ko. Oo nga pala no. Katabi ko nga pala si Neisha.

Pinagpawisan na ako dahil sa nerbyos. Sino ba ang hindi kung yung ex mo ay katabi mo tapos yung girl friend mo nasa likod mo nakaupo.

Mali ito. Pwede kayang makipagpalit ako ng pwesto?

Napadako ang tingin ko kay Klara na ngayon ay nakatingin din pala sa akin. I smiled at her nervously but she just ended up laughing at my face.

Klara, this is not the time to be laughing.

Sinenyasan ko siya na gusto kong umalis doon at tumabi sa kanya but she shook her head no. I grew confused at that.

Bakit naman hindi? Eh ayokong katabi si Neisha eh. Natatakot ako sa kung anong pwedeng gawin niya.

Sinenyasan ko ulit siya na gusto kong umalis nung biglang nagsalita si Neisha sa tabi ko.

"I know you don't like me anymore Damien but you don't have to be so mean about it." sabi niya sa akin na hindi tumitingin.

Napatikhim nalang ako. Wala akong masabi. Halata nga sigurong takot ako sa kanya ngayon.

Lumingon na si Neisha sa akin at inirapan ako. "If you want to change seats so badly. Tanungin mo nalang ng maayos ang iba. Hindi ako nangangagat."

"Hindi pa ngayon." napa-aray naman ako nung hinampas ako ni Chiles sa braso dahil pala naisambit ko iyon ng malakas.

Mas pinandilatan pa ako ni Neisha dahil dun kaya napalunok nalang ako.

Another thing kasi, mas hindi ko gusto yung mga galit na babae. Si Klara nga kung magalit parang end of the world ko na at wala pa siyang malaking dahilan na pagalitan ako.

Ngayon si Neisha ay galit pa nga sa akin. At sure akong katapusan ko na kung hindi ako aalis dito.

"Mien. Stop doing that." biglang sabi ni Klara sa akin at inalis yung kamay ko na hindi ko namalayang pinag-uuntog ko na pala sa upuan dahil sa kaba.

"Mien. Stop overreacting. Walang mangyayari." sabi ni Klara sa akin with her blank look. It does not look comforting at all but she's Klara so it has to be.

"Yeah Damien. Wala namang mangyayari sayo eh. Sundin mo nalang iyang pinagpalit mo sa akin." sarkastikong sabi naman ni Neisha.

Somehow dahil dun sa mga sinabi niya ay nawala ang kaba ko at hindi ko maiwasang mairap sa kanya. Ang sama ng tono kasi nung binanggit si Klara.

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon