042

27 7 0
                                    

Kanina ko pa inuuntog ang ulo ko sa study table ko dito sa bahay namin. Nakikipag-simpatya kasi ako sa sarili ko. Wala na nga akong kwentang kabigan, wala rin akong kwentang boyfriend. In short, wala akong kwentang tao.

Naisip ko ulit yung nangyaring kaguluhan. Buti na nga lang tikom ang bibig ng mga kaklase ko at hindi na report yung away. Chismoso lang sila pero hindi sumbungero. Salamat naman.

'You still like me!"

"I'm getting tired."

Inis ko nanamang ginulo ang walang ayos kong buhok at inuntog ulit noo ko sa desk. Sigurado akong pulang - pula nato kasi kanina ko pang ginagawa ito eh.

"Kuya maawa ka naman sa study table please"

Nainis ulit ako at inirapan si Danessa na nakahiga sa higaan ko at nagbabasa ng wattpad.

Binaba niya saglit ang phone niya para tumingin sa akin. "Marami nang pinagdaanan iyang study table mo. Kawawa naman kung sayo lang bibigay."

"Ako rin naman ah! Ang dami ko nang pinagdaanan!" reklamo ko kahit wala namang kinalaman pero hayaan ko nalang kasi sabog ako ngayon.

Umirap naman ang kapatid ko sa akin. "Di ko napansin lolo ka na pala. Sorry lo"

Bumuntong hininga nalang ako sabay pauntog na humiga sa table. Narinig ko namang tumili ang kapatid ko.

"Kuya! Dugo!" sigaw niya kaya napa-angat ang tingin ko at sa kanya agad tumingin.

"Anyare sayo? Nireregla ka?" tanong ko pero tinapon niya lang yung isang medyas ko sa akin pero hindi rin naman tumama.

"Kuya ikaw yung nadugo!"

Kumunot naman ang noo ko. Hindi naman yata pwedeng mangyari yun pero napatingin pa rin ako sa pants ko at halos masamid ako sa sarili kong laway. Dugo nga!

"Paano nangyari ito?! Lalaki naman ako ah!" sabi ko sabay umaktong parang tinatanggal yung dugo sa blue na pants ko pero hindi naman natatanggal yun. Mas nag panic ako nung dumami at parang patak nga yung hugis.

"Sira ka kuya! Yung noo mo yung dumudugo hindi diyan!"

Kinapa ko naman ang noo ko at naramdaman ko ngang basa iyon. Akala ko kasi pawis kaya hinayaan ko nalang yun pala nasugatan ko na pala sarili ko habang dinudukdok noo ko sa table.

"Mama!" sigaw ni Danessa sabay takbo palabas at papunta sa kusina kung nasaan si mama. Walang hiya, hindi man lang ako tinulungan.

Sinubukan ko namang pahiran lang yung dugo pero parang nasugatan talaga ako ng malalim kasi hindi humihinto yung pag-agos.

"Ano ba kasing pinaggagawa niyo mga bata!" narinig kong nagsalita si mama at pumasok na nga siya sa kwarto ko at masungit na tumingin sa akin.

"Jusko po! Damien! Ano bang ginawa mo?!" tili ni mama tapos kumuha ng towel sa rack ko at inuna pa talagang punasan yung table kaysa sa akin.

Sumunod namang pumasok ulit si Danessa na parang sinusumbong ako. "See ma! Dinumihan niya yung table!"

Mas mahalaga pa talaga table kaysa sa akin eh no?

Pagkatapos nun ay sa akin naman binaling ni mama ang atensiyon niya at nasaktan pa ako sa pagdiin niya.

"Damien pinalaki naman kita ng tama ba't ka nagpakatanga?" napasinghap naman ako. Ibang meaning na iyon para sa akin. Gusto kong manlumo.

Lumapit si Danessa sa amin tapos iniabot kay mama yung first aid kit. Kudos rin sa kanya, kasi ang naalala ko tinapon ko lang kahit saan yung kit na yan kasi akala ko hindi ko magagamit.

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon