It was awkward. The four of us with the kid but tension was rising up in the air.
Hindi ko rin maipaliwanag pero hanggang ngayon ay nakatingin pa rin ako kay Klara at Ernest. Halatang magkasama sila. Halata rin na ang dahilan kung bakit umalis ng maaga si Ernest kanina ay dahil dito kay Klara.
Hindi makatingin sa akin ng diretso si Ernest pero kabaliktaran naman itong si Klara. Talagang miski sa mga mata ko ay nakipagtitigan pa siya. Unti - unti 'ring namuo ang galit sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw kong makita silang magkasama.
"Uy bago ito ha! Never thought na kayo pala" sabi ni Neisha at napa smirk siya. "Kaya pala ah. Kaya pala lapit ng lapit ka sa boyfriend ko Klara, gusto mo lang naman palang ilakad ka kay Ernest eh" tumawa naman siya ng malakas.
Ako naman ay parang nahihilo sa mga sinabi niya. "Neisha stop it" saway ko sa kanya pero agad naman din niya akong yinakap.
"I was almost doubting you baby. I thought kaya busy ka nowadays ay dahil diyan kay Klara. Yung lang naman pala eh" she said and I want to so badly reject all that she said.
"Klara naman eh. Sa akin ka na lang dapat nagsabi na may gusto ka kay Ernest. Mas matutulungan pa kita At para hindi mo makuha yung atensiyon nitong boyfriend ko"
I saw how Klara's eyebrow twitched at that indicating she's not okay with this arrangement. Duke was silently shuffling on his feet at pilit niyang kinukuha ang atensiyon ni Klara pero hindi naman niya ito napansin.
Napaubo na lamang si Ernest para ma clear yung tension. "Neisha, hindi kami ganun ni Klara" sabi niya sa kanya and this time Duke jumped unto Ernest's chest which caused him to carry the kid.
"Kuya! Me and ate Klara found kuya Damien! Now we have another person to play with us!" masayang sabi ni Duke kay Ernest at awkward pa rin na ngumiti itong si Ernest sa kanya.
"Dukey, I think sa susunod nalang natin itutuloy yung pag playhouse mo ah" panimula ni Ernest pero agad namang may luhang namuo sa mga mata ng bata.
"Why kuya? You said we're going to play if I found another person!" dahan dahan nang tumulo ang luha ni Duke at naging abala naman si Ernest upang patahanin ito.
"No Ernest. It's okay." sabi ni Klara at ibinaling ang tingin kay Duke. "Were going to play today okay. Ate promised din eh" sabi ni Klara at kahit na puno ng luha at sipon itong bata ay ngumiti na rin ito dahil sa mga sinabi ni Klara.
I stared at them. Klara managed to make Duke stop crying and even if the way she comforted him is diefferent.
"Seriously, anong ikinagusto niyang batang yan sa emotionless freak na ate niya?" narinig kong sabi ni Neisha kaya napairap ako sa dako niya.
Umirap din pabalik si Neisha. "What? Why is my boyfriend glaring at me? Are you siding with the enemy?" tanong niya kaya napailing nalang ako.
"No one is your enemy here Neisha." sabi ko sa kanya. Ernest was still carrying Duke but there is something that can't be brush off of my mind.
I saw how Ernest and Klara are talking but minutes later his hand is on her arm and I sharply inhaled because of that.
So, kapatid ni Ernest itong si Duke at kasama niya si Klara na mamasyal dito sa mall. Pero bakit naman? Absent si Klara kanina, bakit si Ernest naman ang kasama niya? Bakit hindi nalang ibang tao? Bakit si Ernest pa talaga?
Napansin naman yata ni Ernest ang talim ng pagkakatitig ko sa kamay niya dahil nung nilingon niya ako ay agad niyang inalis pagkakahawak niya.
"Guys, nice seeing you here pero I think dapat aalis na kami" sabi ni Ernest at tumalikod na. Sumunod naman din si Klara at hindi man lang niya ako nilingon para man lang magpaalam o ano.
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14