051

25 5 5
                                        

"Anong nangyari sayo at lupaypay ka diyan?"

Hindi ko magawang tingnan ang mga kaibigan ko sa state ko ngayon. Umuwi nalang ako kahapon pagkatapos kong matanggap ang text ni Klara. Hindi ako makapag-isip na ng maayos.

Tinanong pa ako ni Danessa kung anong nangyari sa akin pero hindi ko naman siya pinansin. Bumagsak kaagad ako sa higaan ko na hindi man lang nagpalit ng damit. Nakatulog na ako kaagad dahil sa pagod at galit.

Ngayon naman ay nakahiga lang ang ulo ko sa desk ko habang ang mga kaibigan ko naman ay tumambay malapit pa talaga sa upuan ko.

Hindi ko na kailangang tingnan para malaman na panay sikuhan sila at chismis sa kung anong nangyari sa akin. Pero wala talaga akong gana para kumausap ng kahit sino.

"Ayos lang ba siya?" rinig kong tanong ni Jamie. Sumama pala si Jamie kay Chiles. Grabe magkasama yung mag nobyo sa tabi ko pa talaga.

"Ewan ko eh. Hindi naman siya sumasagot. Ano kaya kung puwersahin natin." sabi naman ni Allistair.

"Uy! Tanga ka ba? Wag ganun at baka tayo ang masapak niyan!" medyo nag effort naman si Chiles na pabulong yung sasabihin niya. Medyo lang kasi naririnig ko pa rin siya.

"Dapat may gawin tayo. Baka mapaano siya dahil dito." buti pa si Jamie nag-aalala para sa akin. Eh yung girlfriend ko hindi ko mahagilap kung nasaan.

"Ano ba kayo? Kung ano man iyan kakayanin yan ni Damien! Siya pa! Malakas yata yan." sana true.

"Teka, hinaan na muna natin mga boses natin at baka-"

"Oh Klara! Nandito ka na!"

Naputol naman yung sinasabi ni Chiles nung tawagin ni Alyssa ang girlfriend ko. May strong urge ako na umangat at tingnan kung nandun ba siya pero ayoko namang gawin, baka kasi pinagtitripan lang nila ako at mapahiya pa ako.

Minabuti kong patulugin nalang ang sarili ko para hindi na sila marinig pa.

"Damien, are you okay?" gusto kong umiyak nung marinig ko ang boses niya. "Anong nangyari sa kanya?"

Nadismaya naman ako. Tinatanong pa niya ang dahilan? Eh malaki ang kasalanan niya kung bakit ako ganito!

"Ewan. Ganyan na siya eh kanina pa." sagot naman ni Allistair. Naramdaman ko pang hinahaplos na ni Klara ang buhok ko pero hindi pa rin ako kumibo. Bahala siya diyan.

"I guess bro is just having a bad day." Nandito na rin si Ernest. Ano to? Magkasabay ba silang pumunta rito?

"Baka dahil sa issue niya sa ex niya?"

"Oh baka naman family problems?"

"Hula ko school work yan. Lagot siya kay Maam Arceo."

"I think hindi. Sulking mode siya eh. May nangyari siguro. Magkano ang ipupusta niyo?" biglaang singit ni Alyssa at napangiwi naman ako sa narinig ko.

"Huy! Respeto naman sa tao kita mo namang masama ang mood oh! 200 pesos yung sakin. Yan lang pera ko." walang hiya ka Chiles.

"Ako rin 200." sabi naman ni Jamie.

"Aba ang yayaman ninyo! Wala akong pera ngayon! 150? Go kayo?" sabi naman ni Alyssa.

"Sali ako!" Allistair.

"Sige go!"

Napuno naman ako dahil pinagpupustahan na nila ang kung anong dahilan ng bad mood ko sa mismong harapan at tabi ko kaya napa-angat ako at inirapan silang lahat.

"Mawalang-galang lang ha layas!" sigaw ko sa kanila at nabigla naman ang iba dahil sa pagsigaw ko.

"Damien naman!" nerbyosong tawa ni Allistair. "Joke lang naman yun-"

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon