Napahikab ako habang lumalabas sa gate ng bahay namin. Hindi ako sanay na maagang pumunta ng paaralan. Sa totoo lang, pwede akong magpalate eh kung hindi lang ako kinausap ni Klara.
I guess, she doesn't want me to suffer penalty again. Or baka ayaw niyang makita ulit ako sa guidance office.
Sa totoo lang, ayos lang sa akin kung magaguidance ako all the time eh. Nandoon naman si Klara nakabantay din. Inutusan siya ng head of students formation na tumulong sa mga officers kasi kulang sila.
Ayun sa mga late siya na assign.
At dahil baliw ako sa kanya, nagpapalate ako para masolo siya sa guidance.
Hindi naman sa nasosolo ko talaga siya kasi marami ring nakapila sa guidance dahil nalate. Aakalain mo ngang relief goods ang hinihintay namin eh.
Nung ikatatlong late ko na ay inirapan na ako ni Klara at sinabing sa susunod na malate raw ulit ako ay hindi na niya ako kakausapin nang isang linggo.
Syempre mas mahalaga siya sa akin nu kaya minabuti ko na ngayong maagang gumising para makapunta on time sa school.
I stretched my arms above my head. Para naman sumigla ako. Kahit nakakape na ako ay hindi pa rin ko magising ng tuluyan. Hay naku, nasanay na siguro ako na late magising kaya ganun.
Parang zombie akong naglalakad ngayon sa kalye. Napansin kong maraming tao ang naglalakad din kasama ko. Grabe naman, ang sipag naman nila. Sana all makarelate.
"Mien!"
Napalingon ako sa tumawag at nabigla nang makita na si Klara pala ang nandoon. Teka, ba't siya nandito?
I narrowed ny eyes at her while she simply skidded to a halt next to me. Ngumiti pa siya sa akin.
Ang ganda niya....
Okay wait. Back track ako.
"Klara? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya at tinitingnan ko pa kung nasaan ako. Baka kasi sa sobrang pagka out ko ay napunta na pala ako sa ibang lugar.
Safe to say ay nasa kalye pa rin ako papuntang school. Ang question ay bakit nandito si Klara eh ang layo ng kalye nito sa kung nasaan siya palaging dumadaan.
"Glad to see na hindi ka nagpapalate ngayon. Seryoso pa naman akong hindi ka papansinin kung inulit mo pa iyon." sabi niya sa akin at napailing ako.
"Klara, I'd rather look like a zombie going to school than not talking to you. You won't get rid of me that easily." sabi ko sa kanya.
Klara playfully rolled her eyes at me. "Noon nga, ikaw yung nagpapaalis sa akin."
"That was before. Gago yung Damien na yun. Ngayon ay hinding hindi ka pwedeng mawala sa tabi ko."
Dahil dun sa sinabi ko ay napangiti ng malaki si Klara. Which is I'm quite used to now kasi mas komportable na siyang magpakita ng emosyon sa akin.
"You're suddenly so sweet to me Mien. Tell me, birthday ko?" tanong niya pa. Natawa naman ako.
"Grabe naman, baka gusto ko lang eh appreciate ang girlfriend ko-" napahinto naman ako at napatingin sa kanya ng seryoso.
"It's not your birthday, is it?" tanong ko sa kanya. Natawa naman siya at piningot ang ilong ko.
"Hindi. Now let's go at tayong dalawa na ang malalate." sabi niya lang sa akin at pagkatapos ay hinila na niya ako.
Masaya kaming naguusap habang naglalakad papunta sa school. Nabuhayan nga ako ng dugo ng dahil sa kanya.
Klara is quite different now that we're together. She smiles a lot ang laughs easily. I'm so proud that I could bring out this side of her.
"By the way Klara, paano ka napunta dito? You usually ride your car." tanong ko sa kanya with a curious glance.
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Dla nastolatkówIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14