"Tigilan niyo na iyan!"
Natauhan ako dahil sa nangyari nung sumigaw si Ernest. Dumiretso siya sa papunta kayna Klara kung saan sinasabunutan na siya ni Neisha. Tumulong na rin siyang umawat.
For some reason my body froze.
Nasa tabi naman ni Klara sina Ariene at Alyssa na ginagawa ang lahat upang mailayo si Klara kay Neisha.
Si Danica naman at si Anissa ay sinasabunutan din pabalik si Neisha kasi nagagalit sila sa ginawa niya sa best friend nila. Panay sigaw at mura pa nga ni Anissa habang si Danica naman ay mas inuna pa ang palo at sampal kaysa sabunot.
Kita ko rin naman na ang totoong umaawat lang sa kanila ay si Chiles, Jamie at Allistair. Ang inaawat lang kasi ni Ernest ay si Anissa na konti nalang parang makakapatay na.
Hindi naman madaling maawat si Neisha kahit na sumama na si kuya Caldrin at hinihigit siya palayo. Nakawala naman agad siya sa hawak nila at napatakbo papunta kay Klara kung saan sinabunutan niya na ulit.
I finally started functioning at some point kasi ngayon tumutulong na rin akong umawat sa kanila. The fight lasted for a while longer dahil kahit na si Neisha lamang ang umaaway ay hindi namin maawat awat.
Hindi rin siya nakikinig sa amin at pawang nawala na sa sarili niya dahil galit na galit siya.
"How dare you! Ahas ka! Wala kang hiya!" pagsisigaw ni Neisha habang mas dinidiin ang pagkakahawak sa buhok ni Klara. Hindi naman napapa-awang si Klara pero sinusubukan niya lang makawala.
She stared at Neisha eye to eye without showing any glint of fear on her face. Mas tumalim pa nga mata niya at ngayon naka-glare na.
"You're spawn of hell! Simula pa lang noon alam kong ahas ka! Hindi ka dapat mabuhay!" pagsisigaw pa ni Neisha.
I found my strength again and forcefully separated the two from each other while holding unto Neisha's arms who is still trying to resist.
"Neisha tumigil ka na!" sigaw ko sa kanya at agad niya naman akong galit na inirapan.
"Ano?! Kakampihan mo yang kabit mo? Sige magsama kayong manloloko!" she screamed at my face and tried to get out of my grip again which she failed as I held unto her harder.
"Ano ba yang pinagsasabi mo? Bakit ka ba gumagawa ng eskandalo?!" tanong ko sa kanya and she looked at me like I was crazy.
"Ako pa?! Ako pa talaga ang nag eeskandalo?! Eh yan ngang si Klara kabit mo eh! Manloloko ka! I hate you both so much!" sigaw niya sa akin at gusto kong mauntog nalang sa pader dahil sa frustration.
"Do you have proof of that?" napalingon naman kami kay Klara nung nagsalita na siya. Tinutulungan na siya ngayon ni Ariene na ayusin ang sarili bago siya tumingin at magsalita sa amin ulit.
"Are you sure about what you are acusing? Kung hindi pwede kitang maireklamo" sabi pa niya na mala-authoridad ang pananalita.
Neisha started resisting my hold again kaya napabalik agad ako sa pagpigil sa kanya which she glared at me for.
"Ganyan! Magsasabi ka ng ganyan eh kalat na nga eh! Sa IG! Magkasama kayo at magka-akbay! Bakit kayo magkasama ha kung hindi niyo ako niloloko?!" sigaw niya sa amin.
"Ay pusang gala yun lang kabit na agad?" naiiritang sambit ni Danica pagkatapos niyang marinig ang pruweba umano ni Neisha.
"Girl! Nagkita lang sila sa shop tapos intriga mo agad?! Ano to drama? Leading lady ka?" galit na sabi ni Danica at inawat naman siya kaagad ni Nigel na hindi ko napansin na tumulong din pala.
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14