017

31 9 7
                                    

The incident at the student council room was indeed an eye opener for me. Now I understand what it means again to 'Never judge a book by its cover' which means 'Never hate on people you don't understand'.

Noong gabing yun ay wala nang ibang nangyari maliban sa pagpapatahan ko kay Klara. Takot na takot nga siya sa kulob pero hindi ko naman din magawang tanungin siya kung bakit ganun nalang ang takot niya.

Sure naman akong hindi niya sasabihin sakin kahit na sinabi niya pa sakin na gusto niya ako. At hindi ko naman din siya kukulitin dahil ayaw ko namang maramdaman niya na nanghihimasok ako sa mga personal na buhay niya.

Eh may kasalanan nga ako sa kanya eh.

Ilang oras kaming magkayakap nun bago may narinig kaming tao sa labas. Agad din naman kaming tumayo at nagsisigaw ng tulong hanggang pinagbuksan kami ng security gaurd.

Pinagsabihan pa nga kami dahil hindi kami naging responsable pero hindi naman kami kumontra pa. Alam naman naming may mali nga kami.

Sinamahan ko siyang maghintay sa sundo niya dahil umuulan parin yun at kumukulob pa. Ayaw ko pang mas lumalala yung kasalanan at imahe ko sa kanya kaya binantayan ko siya. Baka na rin matakot uli siya.

Sa buong paghihintay din namin hindi na siya nagsalita at hindi man lang niya ako nilingon. Pagkarating naman ng sundo niya ay agad niya akong iniwan at pumasok na sa kotse nila. Hindi man lang siya nagpaalam, pero wala akong karapatan na mainis eh may nagawa nga akong mali sa kanya eh.

Mostly sa mga araw ngayon ay bumabalik na sa normal ang lahat. Tinupad naman niya ang sinabi niyang hindi na niya ako reregaluhan at hindi na siya panay na sumusunod sakin.

Sa totoo lang mas naninibago ako na wala siya eh kasi parang nasanay na rin ako sa mga pabigla bigla niyang pagsipot sa kung nasaan ako.

Throughout these days, Klara-less ako. Tinupad ko naman din yung sinabi ko at hindi ko na siya nilalayuan.

Kahit na Ice Princess siya alam kong mas panatag na ang loob niya ngayon na bumabalik na sa normal ang interacations namin.

I admit I was really a jerk when I started avoiding her and I'm making up to her now.

Oras na ulit ngayon sa mga break time namin in between classes at as always balik nanaman sa kalokohan ang nga kaklase ko.

Ngayon na may prom practices na ay medyo nag overlap ang mga times ng practices namin kaya may ibang subject na hindi naman natatackle. Ang ibang oras naman ay dismissal time kung saan hanggang 5:30 na ang practices.

Ngayon yung mga rare times na may break time namin dahil walang teacher dahil absent. At kahit na may substitute at seatwork ay hindi namin kukunin galing sa office dahil tamad kaming gumawa. Peace.

Tumingin ako sa likod ko para silipin kung anong ginagawa ni Klara ngayon. Secretary of the month na pala siya ngayon kaya binabasa niya yung mga naipong excuse letters. Kailangan kasi ng pirma niya at ng subject area teachers bago ibigay kay Maam Pam, which is ang head of student formation namin sa school.

"Ehem" hindi ko kasi alam kung paano kukunin ang atensiyon niya kaya ganun nalang ginawa ko. Hey it works well in other stories.

Liningon niya lang ako ng isang beses bago bumalik sa pagpipirma niya. "Do you need anything Damien?" tanong niya.

Napangiti naman ako. "Wala naman. Gusto lang kitang kamustahin" sabi ko sa kanya.

"As you can see, I'm apparently busy. Hindi naman kasi inayos ni Ernest yung mga letters bago niya ipinasa sakin ang responsibilidad'

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon