Somehow seeing Klara waver from gripping unto her juice box tight and then suddenly having an aura of a gloomy puppy was quite cute to watch. Siguro nga di iyon makikita ng ibang tao pero dala siguro ng pagiging close ni Klara sakin noong iilan na mga araw ay natutunan ko nang basahin ang aura niya.
Kung wala naman siyang particular na dinaramdam ay parang kalmado lang ang lahat pati ang pagkilos niya.
Kapag naiinis naman siya ay biglang bumibilis ang mga pinaggagawa niya tapos mas gugustihin niyang may trabahuin para siguro mawala iyon.
Kung galit siya iitim talaga ang aura niya at mahihirapan ang ibang tao na makalapit sa kanya, lalo nang may tendency siyang lakasan ang pagkakahawak ng mga bagay o kahit tao na within reach niya.
Kung interesado naman siya sa isang gawain ay tititigan niya yun ng matagal na para bang pinagaaralan na niya.
She rarely shares her emotions with others. That is why I kind of see her as someone unique now.
After all those times na sinusundan niya ako ay nalaman ko na rin na hindi naman completely wala ang emotiona niya. Sadyang blank faced lang talaga siya, feeling ko parang defense mechanism eh. Mukha palang niya wala nang kokontra sa kanya ganun.
Ayun napangiti na nga talaga ako nung namula yung mga tainga ni Klara. Ano kaya iniisip niya ngayon?
"Damien! Snap out of it!" napatigil naman ako sa pagmamasid ko nang marinig ko ang naiiritang tinig ni Neisha. Sa totoo lang guilty talaga ako na minsan hindi ko siya nabibigyan ng atensiyon pero kasi nahihirapan na ako at medyo nasasakal din.
These days kasi kapag kasama ko siya hindi naman niya ako pinagsasalita at hinahayaan ko nalang siya magkwento ng mga storya niya na minsan nga hindi naman talaga kailangan eh.
Noong una ayos lang naman sakin kasi nga obligasiyon ko iyon bilang boyfriend niya ang makinig sa mga sasabihin niya pero gusto ko naman rin sanang pakinggan din ako. Hindi yung puro patungkol sa araw nalang niya ang pakikinggan ko. Sana naman kamustahin niya ako patungkol sa araw ko para naman maibalik ko yung nawala kong gana sa magdamag na pagpapakapagod.
"Oh yeah baby, samahan mo ko mamaya ha bibili ako ng bagong damit" sabi ni Neisha.
Napakunot ang noo ko. "Bibili ka nanaman? Eh diba namili na rin tayo kahapon?" She let out a frsutrated sigh at my lack of cooperation.
"Baby, I don't want to keep repeating my clothes when we go out okay. As long as may date tayo dapat bago rin ang mga suot ko"
Sana pala hindi nalang kami magdedate.
"Okay I'll accompany you. Pero you brought money naman diba?" tanong ko sa kanya at agad naman siyang yumakap sa braso ko. I wanted to snap because I know where this is going.
"Actually kasi baby, hindi ko dala yung wallet ko so bilhan mo nalang ako please baby" sabi niya sakin sabay pout.
Gusto kong mairita sa kanya kaso ayaw ko naman na magalit siya sakin. Why did it become like this? I thought my first relationship would have been fun and comforting. I feel strangled.
"Am I allowed to say no?"
"Technically no baby. You like me right?"
All her questions that always reminds me of how much I like her is starting to get suffocating. Sa totoo lang bakit niya pa kinakailangan na eh reassure ang sarili niya patungkol sa ganoon? Hindi ba siya naniniwala na gusto ko siya?
"Come on baby. Ngayon lang to please. Sige na" pag-baby talk niya sakin sabay kurot sa pisngi ko. Inilayo ko naman ang mukha ko sa kanya.
"That's what you said yesterday Neisha"

BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14