May nagbago ba sakin kaya maraming nakatingin sakin o sadyang sikat lang talaga ako noong una pa?
Tinaasan ko naman ng kilay ang mga kaklase ko dahil kahinahinala sila. Kanina kasi pagpasok na pagpasok ko sa classroom ay agad namang nagsitinginan ang mga kaklase ko sakin.
At first nagtaka ako tapos chineck ko pa yung likod ko kung ako ba talaga tinitingnan nila o ibang tao. Ang weird kasi eh.
Wala namang ibang tao nasa likod ko at sure naman akong inayos ko yung buhok at suot ko bago ako pumasok sa school.
"May problema ba?"
Pambabasag ko sa katahimikan at agad namang lumihis ang mga tingin nila sakin at tsaka bumalik sa mga kanya-kanya nilang pinaggagawa.
Like I said, weird.
Dumiretso naman ako sa upuan ko. Mismong pagkaupo ko pa lang ay bigla namang dumating yung mga kabarkada ko at nagsipalakpakan.
"Woo! Bro! Congrats grabe!" masayang bati sakin ni Ernest at siya pinaghahampas ako. Inirapan ko naman siya at pilit na tinataboy dahil nga masasakit yung mga hampas niya.
"Ano bang pinagsasabi niyo diyan?" tanong ko sa kanila at inakbayan naman ako ni Chiles na kanina pa palakpak ng palakpak.
"Damien naman, hindi mo naman sinabi na nagkagirlfriend kana pala. Ikaw ah inunahan mo pa si Ernest" sabi niya.
Inirapan naman ni Ernest si Chiles. Na offend yata. "Hey bro! I can get as many girls as I want you know. Wala lang yun sakin" pabida naman niya.
"Eh bakit hindi mo makuha kuha si Melissa ha?"
"I was just super busy. At hey! Ako nga yung tumulong kay Damien na magka girlfriend eh!"
"Mabuti naman naging girlfriend mo siya Damien kahit na si Ernest pa talaga ang tumulong sayo" sabi ni Chiles sakin sabay tapik sa balikat ko na parang nagcocomfort sakin.
Hinampas naman siya ni Ernest at ayun nagbangayan nanaman ang dalawa. Hindi na talaga maawat.
Bigla namang may nagabot sakin ng sandwich kaya napatingala ako. Nandun si Allistair nakangiting inaabot sakin yun kaya kinuha ko naman, masama namang tumanggi.
Tiningnan ko yung sandwich at may nakalagay pala dun na sticky note at ang nakasulat naman ay 'Congrats on your new girlfriend bro'
Hindi ko naman alam kung ano ang igaganti ko sa bigay niya kaya nag settle nalang ako sa pagbibigay sa kanya ng awkward smile.
"Bro naman. I'm so proud of you talaga! So wala namang natira sa binigay ko sayong 1000?"
Ah. Yun pala yung inaalala niya.
I gave him a guilty smile and slowly shook my head kasi nga naman, hindi ko naman kasi inubos yun, si Neisha yung umubos dahil sa mga gusto niya.
At first parang nalungkot si Ernest dahil walang natira sa pera niya pero bigla naman siyang ngumiti ng malaki.
"Ayos lang yun bro! Para sa lablayp mo!" sabi niya.
"Sure ka?" tanong naman ni Chiles kay Ernest pero umiling lang siya.
"Oo naman no! I could always ask mom and dad for money if I wanted too"
"Sana all" sambit naman ni Allistair sabay higa sa desk na nasa tabi ko. Pagod ba siya?
Si Chiles naman yung nagsimulang magtanong sakin.
"So tell us, anong nangyari sa first date niyo?" Chiles.
"Okay lang naman. Hindi naman magarbo" Me.
"Like ano bang ginawa niyo? Saan kayo gumala? Details!" Ernest.
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14