039

28 8 1
                                    

"Anak, ito! Gusto mo ba ito?!" tanong ni mama sa akin habang ipinapakita ang isang suit na kulay blue. Maganda naman ang suit kaso nga lang, hindi naman ako mahilig sa mga ganun.

Tumango nalang ako kay mama at walang ganang sinabing gusto ko ang suit. Nakakapagod kasi na sumama sa mga shopping trips ni mama, nakakawalang gana.

"Oh eto kaya? White nalang kasi bagay sayo yung kulay" sabi niya sa akin tapos pinigilan ko pa ang sarili kong maparolyo ng mata. Hindi ko naman pwedeng ganunin si mama dahil walang respeto na ako nun.

Agad naman niyang nakita na parang hindi ko gusto yung puti kaya yung maroon na suit naman dinedescribe niya sa akin at ako naman walang ganang nakinig sa kanya.

"Kahit ano nalang ma" sabi ko sa kanya at ngumiti ng pilit pero agad din naman nanlumo nung binatukan niya ako. Napahawak agad ako sa batok ko habang iniinda ang sakit.

"Ikaw ah! Ikaw na nga itong bibilhan, ikaw pa tong ayaw mag cooperate" pangangaral niya sa akin at gusto kong umirap pero pinigilan ko ulit sarili ko.

"Eh ma ayaw ko naman kasi ng mga ganyan. Wag nalang tayo bumili" sabi ko sa kanya pero siya na yung umirap sa akin.

"Ano gusto mo? Mag Hawaiian shirt ka at puting shorts sa prom niyo? Yun ba gusto mo? Magmukhang tito?"

Napabuntong hininga nalang ako ulit dahil sa nga sinabi niya. Bakit ba na-imbento ang prom na ito? Nakakapagod lang kasi. Hahanap ka ng susuotin mo na formal tapos hindi mo nanaman magagamit iyon pagkatapos. Mag-aaral ka pang sumayaws, hays nakakapagod talagang isipin.

Umupo nalang ako sa isang silya na nakita ko roon sa shop habang si mama naman ang abalang pumipili ng mga tingin niyang bagay sa akin na suits.

"Mama, wala talagang maitutulong yang si kuya kaya wag ka nang umasa" rinig kong sabi ni Danessa na ngayon ay kasama ni mama na tumitingin din ng mga formal wear. Sa ladies section ng mga dresses nga lang siya tumitingin.

Danessa gave me a teasing look and promptly held up a see through night gown for me to see.

"Ito nalang kaya. Bagay ito sayo kuya" natatawang sabi niya kaya inirapan ko siya. Anong tingin niya sa akin? Babae?

Agad din naman siyang sinaway ni mama at pinapunta malapit sa kanya para makatulong daw na mamili ng susuotin ko. I stuck my tongue out at her in a form of teasing while she rolled her eyes at me. Brat.

"Ma naman! Bakit naman kasi tayo pa ang namimili eh siya rin naman susuot?" pagdadabog ni Danessa habang kinuha ang isang brown na suit at ipinakita sa akin. Ipinabalik din naman ni mama kasi daw ang weird tingnan mag brown suit ako sa prom.

"Pwede bang hindi nalang ako pupunta sa prom?" walang kwentang sabi ko kasi alam ko naman na against si mama kaagad dun.

"Hindi pwede anak! Dapat pumunta ka! Kayo talaga, minsan na nga lang ako gagastos para sa mga ito kayo pa ang aayaw" sabi ni mama at isang pink naman na suit ang galak niyang iprinesenta sa akin. Agad naman nanlaki ang mga mata ko at umiling ng mabilis.

"Eh mama nandito naman ako! Hintayin nalang natin na mag prom ako!" giit ni Danessa.

"Huwag kang ano anak. Malayo pa nga bago ka mag 9th grade. Sulitin mo muna 7th grade life mo" sabi naman ni mama at parang mamaya nalang titigil na rin siyang kakapili ng mga damit kasi hindi naman ako nagpapakita ng interes.

Bigla namang may bumukas ng pinto sa shop namin at nanlaki ang mga mata kong makita sina Ariene at Aillah na pumapasok sa shop. Hindi pa iyon, kasunod sa kanila ay pumasok din sina Danica at Klara. Nantuyo naman ang lalamunan ko at napaupo ng maayos.

Agad akong sa iba tumingin at nagtama ang mga mata namin ni Danessa. Napansin naman niya na mukha sigurong para akong natatae kay tumingin siya sa paligid at nakita niya siguro sina Klara.

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon