"Damien! You're not paying attention to me again!" inis na sabi ni Neisha sakin dahil napansin niyang lutang na lutang ako. Agad ko naman din siyang pinakalma bago pa magalit pa siya sakin ng husto.
Kasalukuyan kami ngayong nandito sa isang cafe upang magstudy sana. Kaso nga lang yung study date namin naging kwentuhan kasi mas interesado si Neisha na magkwento sakin patungkol sa mga nagawa niya kaysa sa mag study kami.
At bilang isang mabait na boyfriend ay hinayaan ko nalang siyang mag kwento. Kaso nga lang hindi ako mapalagay kasi next week na yung term test namin tapos kung hindi kami mag a-advance study hindi kami makaka-answer kahit sa review man lang.
Isa pang ikinakabahala ko ay dahil sa lutang na lutang ako. At oo kasali si Klara sa mga dahilan kung bakit hindi ako makapag focus.
It's hard to focus knowing that you are in bad terms with someone kaya nga parati ko nalang iniisip kung ano ang mga pwedeng gawin para mapatawad niya ako.
Though may problem din dahil hindi isang week nang wala si Klara. Since nung huli naming pag-uusap ay inaabangan ko siya araw araw para makausap ulit siya ng maayos.
Kahit na wala akong plano kung paano humingi ng dispensa ay minabuti ko nang makuha yung pansin niya bago pa kami magkalimutan at habang buhay akong binabagabag ng konsensiya.
Although nagiging isang mahirap na gawain iyon dahil exactly seven days din na wala si Klara sa school at hindi ko naman magawang tanungin sila Danica kung asan siya dahil alam kong mapapatay nila ako bago pa man ako makapagsalita.
Even so I still need to prove to Klara that I'm sincerely sorry for what happened. Not considering her feelings was already bad enough, now that I lied to her it made everything worse.
Me and my choices.
Sa tingin ko dapat ay makuha ko muna contact information niya para masabi ko sa kanya na gusto ko siyang kausapin at para naman makamusta ko na rin siya kasi ang tagal niyang wala.
Ako yata ang dahilan kung bakit wala siya sa school....
Hindi, hindi. Think positive lang Damien. Mapapatawad ka rin niya. Huwag ka lang gumive up sa kanya.
The question, paano ko naman makukuha contact info ni Klara? Ekis naman agad kung sa mga kaibigan ako magtanong. Magiging kahina-hinala naman ako kung kay Chiles ako magtatanong tapos alam kong hindi naman papayag yun eh.
Nabalik naman ako sa realidad nung hinawakan ni Neisha yung kamay ko tapos patuloy pa rin siyang nag kukwento sakin.
Na guilty naman ako. Heto na nga kasama ko na yung babaeng gustong gusto ko at naging girlfriend ko na siya pero hindi ko naman siya binibigyan ng atensiyon. At sa pag iisip kong iyon ay may namuong ideya naman ang utak ko.
"Neisha, may gusto akong tanungin" singit ko sa sinasabi niya at bigla naman siyang umirap sakin. Ay wait wrong move ito.
"Baby! Diba I told you not to cut me off when I'm speaking to you! I could have been talking about super important things" pagmamaktol niya.
Tumango naman ako sa mga sinabi niya. "Yes, yes Neisha but hear me out"
"JM Salvador's surprising dating scandal is very important at baka naman magiging downfall ito ng school natin dahil sa ibang student sa rival school pa siya nakipagdate"
"Yes, yes it's very important Neisha but I seriously have a question"
Inekis naman niya yung mga kamay niya at tiningnan ako nang naiinis. "What is it baby? It should be very important"
"Uhmm..." napakagat naman ako sa labi ko. "I wanted to know kung may alam ka ba kung anong nangyari kay Klara Cornel over the past few days?" tanong ko.
Mas nagalit naman siya yata dahil parang mananakit na siya. "Why are you asking about her?" tanong naman niya pabalik sakin and here I am rethinking about my life choices again.
Don't get me wrong I do like Neisha, but she can be too much with her temper.
"Damien! Do you want to cheat on me?! Are you cheating on me?! Do you not like me anymore?!" sigaw niya at nag panic naman ako dahil tumitingin na yung ibang mga customer samin dahil na curious sila sa nangyayari.
"Damien how dare you! I thought ako lang! Ba't mo ginawa sakin to?!" sigaw niya pa at pinaghahampas hampas niya pa ako sa braso ko kaya pinigilan ko naman siya.
Mas nag panic ako dahil nagsimula na ang mga bulong bulungan sa paligid ba nakadirekta sa nangyayari sa table namin.
"Tingnan mo sila. Nakakaawa naman yung babae niloloko raw siya nung boyfriend niya"
"Grabe naman kung makaiyak yang babaeng yan. Scandalosa masyado"
"Psh. Pasikat"
"Ang sayang nung boy. Sakin ka nalang kuya"
"Ang hot nung chicks tapos niloko. Aba ibang usapan naman yan"
I grimaced at the ability of people to gossip about other people's lives.
I pulled my self together and made Neisha face towards me. Time to clear things up again.
"Neisha, I'm not cheating on you okay. I'm just asking about Klara because I'm concerned of her since she's our classmate"
Tumigil naman si Neisha sa kakaiyak niya at finally hinarap na niya ako. "Really Damien? You still like me?" tanong niya.
Tumango naman ako. Sabay pahid dun sa mga luha niya. Hindi ko alam kung anong mairereaksiyon ko nung bigla nalang siyang ngumiti at bumalik yung sigla niya na parang walang nangyari.
"I will answer your question baby. Ang sinabi lang ni maam noon ay absent daw for a week si Klara kasi may confidential family affairs daw sila. Yun lang naman sinabi ni maam eh"
"Ah ganun pala... "
"Bakit di mo alam? Hindi ka ba nakinig kay maam? Ikaw ah masyado mo na akong iniisip"
Tumawa naman siya kaya nakisali nalang din ako sa pagtawa niya. May itatanong pa sana ako kaso takot ako na baka magalit siya ulit at may e-eskandalo nanaman.
"Neisha. I'm not cheating on you or anything okay but I want to know if may phone number ka ba kay Klara" sabi ko sa kanya.
Napatikhim ako nung kumunot nanaman ang noo niya at parang magagalit siya kaya inunahan ko na siya.
"I like you Neisha okay. I just needed the contact info because we have written works to make and other things" paglilinaw ko at agad namang nawala yung frown niya at ngumiti na ulit siya.
Kumuha naman siya ng papel galing sa notebook niya pati yung cellphone niya at nagsulat na siya. Ibinigay niya naman sakin pagkatapos yun.
Nagulat ako dahil binigyan niya ako ng number ni Klara.
"Here you go baby. Do well on your school work okay. Gosh my baby is just so hardworking. I'm liking you even more" sabi niya sabay kurot sa mga pisngi ko.
Tinanguan ko nalang siya at nginitian pero isa lang talaga ang nasa isipan ko ngayon.
Mission accomplished.
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14