058

25 5 17
                                    

"Tito?"

Oh crap.

Napatikhim na lamang ako nung nanlisik ang mga mata nang tinawag ni Klara na tito sa akin. Walang hiya namang pangyayari, naabutan niya pa talaga kaming ganito ang hitsura.

Not to mention hahalikan ko pa si Klara. Wala na. Talagang nasa black list na ako ng pamilya niya pag nagkataon.

Napaisip nalang tuloy ako pabalik dun sa mga soap operas na pinapanood ng kapatid ko. Patungkol sa mga pamilyang ayaw magkatuluyan ang mga anak nila dahil ang isa ay mahirap. Naku nakikita ko na ang sarili ko sa ganyang posisiyon.

Nakaupo kaming dalawa ng tito ni Klara sa harap ng isang mesa. Aabutan niya ako ng pera at sasabihing:

"Layuan mo ang pamangkin ko. Ito ang pera, tanggapin mo na at magpakalayo-layo ka na. Huwag mo nang guluhin pa ang plano namin para sa kanya."

Nangilabot akong napaisip sa isang death glare niya. Napatingin ako kay Klara na ngayon ay nakatingin naman sa tito niya. Talagang magkadugo nga sila kasi ni isa sa kanila ay ayaw na huminto sa kung anumang staring contest na ginagawa nila.

I found this time looking at what kind of man her tito is. He looks young, like maybe in his 20s. He looks like a fresh out of college guy and still needs to start thinking of the jobs he'll do.

Like I am not exaggerating but he looks really young. Like baka nga same age pa namin pero medyo matanda lang ng konti. If that made sense.

Klara, kung ano man ang mangyari, kahit na hindi tayo pwede sabi ng tadhana, alalahanin mo sana na mahal kita, at sa susunod na buhay ko ay papakasalan kita.

Iiyak na ako. Kailan kaya sila dalawa matatapos sa staring contest nila? Ang intense naman. Sure akong mananalo si Klara dito dahil magaling siyang mantutok ng ibang tao.

Based on experience.

Tahimik lang akong nakaupo sa higaan. Hindi ko napansin na napalayo pala agad ng upo sa akin si Klara nung dumating ang tito niya. Oh kaya di ko lang namalayan na gumalaw siya. Ewan, basta ang alam ko may posibilidad na mamatay ako ngayong araw na ito. Naku naman kakaligtas ko lang galing sa ibang aksidente eh, ito nanaman.

Ilang segundo pa siguro ang nakalipas nung biglang kumurap ang tito ni Klara. Nakita ko namang napangiti ng malaki si Klara dahil dun.

"Ayos! I won against you again tito!" sigaw niya bigla at tumawa. Ako naman ay hindi alam kung anong iisipin. Totoo ngang nag staring contest sila, hindi pala iyon biro.

Napakamot naman sa batok niya ang tito ni Klara. Saglit ay tumawa na rin ito nung makitang tumatawa si Klara.

"Okay, okay. You won again Hime. How many times was it this time?" sabi niya kay Klara na ngayon naman ay parang bata kung umasta.

"36 to 39 tito! I win all the time now!" masiglang sabi naman ni Klara. Hindi ko maiwasang mapangiti. It's nice seeing Klara so carefree. I guess dito ko lang makikita ito kung nasaan ang pamilya niya.

"Alright, you'll always win Hime. Anyways..." sabi ng tito niya pero napaayos ako ng upo nung dumako ulit ang tingin niya sa akin. Bigla siyang umirap at kaya may chills na dumaloy sa spine ko.

"Sino naman ito?" halata yung medyo pagkairita ng tito niya sa pagtanong nun. Tumingin saglit si Klara sa akin bago sumagot.

"Tito, this is Damien, my boyfriend. Mien, this is my tito Carlos. He has been staying with us for a while now, so kung pupunta ka dito, madalas mo siyang makikita."

Klara, parang ayaw kong dumalaw dito minsan eh, pasensiya ka na.

Hindi mawala yung irap ng tito ni Klara sa akin kaya hindi rin ako mapakali. Ang protective niya naman kay Klara, at least naman may nag aalaga sa girlfriend ko. Pero nakakatakot siya talaga.

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon