043

29 8 6
                                    

The room was gloomy dahil hindi ko na in-on yung ilaw at hindi ko hinawi yung kurtina. Parang ayaw ko na kasing bumangon pa ulit kasi ang lungkot ng buhay. Walang ikagagana o ikasasaya ng loob ko.

Pagkagaling ko agad sa school ay dumiretso na agad ako sa higaan ko. Spread our pa nga yung mga paa at kamay ko na nagmistula akong starfish rito.

Kanina kasi sa school ay hinanap ko agad si Klara upang makapag sorry at kamustahin kung ano na ang lagay niya ng dahil sa nangyari pero wala siya eh.

Absent nanaman daw siya. Parati nalang siyang uma-absent these weeks kaya hindi ko siya makausap ng maayos.

Ang pawang may alam sa kalagayan niya ay si Ernest. Nagtaka nga ako kung bakit sa lahat ng taong pwede ay si Ernest pa talaga.

Nagtaka rin sina Ariene kung bakit si Ernest lang ang may alam pero kahit na tatanungin namin sa kanya ay hindi namam niya kami binibigyan ng tamang sagot.

It's starting to irk me these days.

Noong nalaman ko noon na umabsent si Klara para lang samahan ang kapatid ni Ernest na si Duke ay hindi na ako mapakali.

Bakit niya pa kailangang umabsent para lang doon?

Iniisip ko na nga ngayon kung umaabsent ba siya para kay Ernest at may pinapakiusap ito sa kanya.

Why Ernest though?

Kulang nalang ipagsusuntok ko na yung sarili kong ulo dahil sa kakaisip neto. Nakakairita kasi on my part eh.

I groaned into my pillow just to let off frustration. Grabe, duwag nga ako, pero kung para lang malaman ko kung ano ang nangyayari sa kanya, magpapakapal talaga ako ng mukha at palalakasin ang loob ko para lang sa kaniya.

Tumunog nanaman ang phone ko kaya iniabot ko na iyon. Neisha has been calling me all day.

Hindi rin kasi siya pumasok sa school kasi sinabihan ko naman siya. I know she still isn't okay and it's better that she would rest at home.

This day, halos kada oras niya akong tinatawagan.

Syempre sinasagot ko naman mga tawag niya, hindi man noong time na nasa klase kami, pero I always make time for her.

Neisha, to think, is a very dear person for me. Noong hindi pa kami ay siya yung ginagawa kong inspirasyon para pagbutihin ang mga school works ko.

That day we met she was the brightest star for me.

She gave every emotion and is super nice and comforting, that is why I learned to look at her more just because she lights up my world.

Tamad ako noon. Kaya siya ang ginawa kong inspirasyon.

Nagtagumpay man ako sa academics, hindi ko masasabing nagtagumpay ako sa kanya.

Before everything, I learned about her and kuya Caldrin.

They were the ideal couple at dahil parehas silang honor students at high status pa. They were also very sweet with each other at supportive pa.

Did it stop me from liking her? Nope.

It's just a simple crush eh, hindi ko naman binabalak na agawin siya sa kahit sino.

Konting kilig lang dito at isip ng hindi makatotohanan kaya ayun, nanatili na siya pa rin yung gusto ko.

I even want to confess my feelings for her even though na alam kong hindi niya kayang eh reciprocate yung feelings ko.

Gusto ko lang malaman niya.

Pero alam ko naman na duwag ako kaya hindi ko masabi. Kahit na supportive pa si Ernest sa akin, hindi ko pa rin magawa.

It came as a surprise to me noong sinabi ni Ernest na pumayag si Neisha na makipagdate sa akin kahit na hindi talaga ako nagaya at may boyfriend siya.

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon