Kabadong kabado ako. Hays itutuloy ko pa ba ito o hindi? Nakakabakla naman kasi tong ipinagawa nila Ernest sa akin.
Nasa may grade school building ako ngayon hawak ang isang box ng chocolates naghihintay kay Neisha. Nagkaroon kasi kami ng game ng mga boys eh kaya dahil natalo ako, kinailangan kong gawin yung ipinapagawa nila. Which is ang mag confess daw ng pagmamahal ko kay Neisha.
Ewan ko ba kung magagalit ako kasi ito ang pinagawa nila o sasaya dahil sa wakas ay maipagtatapat ko na rin na gusto ko siya.
Haysh ewan! Parang natatae na ako dito o ano. Napabuntong hininga ulit ako. Ganito pala ang pakiramdam ng mga taong may ipagtatapat na feelings eh.
Naputol ang mga iniisip ko ng dumating na si Neisha. Ang ganda niya talaga. Para siyang anghel dahil sa kanyang kagandahan. At hindi lang yun ang bait niya pa kasama ng perfect physique niya.
Neisha Jane Lopena. Sana naman tanggapin mo ang puso ko....
"Damien ano nanaman ba ito at kinailangan mo akong kausapin?" tanong niya sabay ngiti nung nakakabighani niyang ngiti. Wala na hulog na hulog na talaga ako sa kanya.
"Ahh ehh kasi-" hindi ko matapos yung sasabihin ko dahil napunta sa iba yung atensiyon niya. Sana ol nabibigyan ng atensiyon, dejoke lang.
Napunta ang atensiyon niya sa hawak ko kaya madali ko itong tinago sa likod ko.
"Uyy ano yan? Para sa akin ba iyan?" tanong niya sabay sinubukan na tingnan kung anong tinatago ko. Ang cute niya kapag ganito siya. Yung palagi siyang curious dahil nagniningning ang mga mata niya.
Wala namang silbi kung itatago ko pa ito kaya dali-dali ko nalang inilagay sa kamay niya. "Iyan. Oo para sayo yan" sabi ko sabay kamot sa batok ko. Naman nakakahiya naman ito.
Umaliwalas naman ang mukha niya sa galak. Ang ganda talaga mga pre!! "Salamat ha Damien. Ba't mo naman naisipan bigyan ako ng ganito? Wala namang event ha" sabi niya.
Napatingin ako sa mga mata niya na parang may mga bituin (okay alam kong over na tong kaka describe ko kay Neisha pero gusto ko talaga siya okay. Bahala na kayo sa cringe niyo) at napalunok ako.
"Neish... may gusto sana akong ipagtapat sayo" simula ko.
Nabalin naman ulit ang atensiyon niya sakin at wala na sa mga tsokolate. "Ipagtapat? May nagawa ka bang mali?" tanong niya sakin.
Linakasan ko muna ang loob ko bago ko siya harapin ng maayos. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata.
"Oo. Kung masama man itong nararamdaman ko para sa iyo, nagkamali nga ako. Pero hinding-hindi ko ito pagsisisihan. Dahil hindi ko naman mapipigilan ang nararamdaman ko"
Napalitan ng kalituhan ang ekspresiyon ng kanyang mukha. "Ibig mo bang sabihin... "
"Oo!" pagtatapat ko. "Gustong-gusto kita Neisha. Sana naman pag isipan mo ito ng mabuti at bigyan mo ako ng pagkakataon na gustuhin pa kita ng hindi ko na itinatago" sabi ko sa kanya.
Pagkatapos kong maipagtapat iyon sa kanya ay nanghina nanaman ako dahil sa kagandahan niya. Sana naman ay um-OO ka. Hayaan mo sana akong ipakita kung gaano kita kagusto.
"Damien... " pagsisimula niya kaya napalunok ako at biglang nanlamig ang mga kamay ko. Ano kayang isasagot niya...
"Damien... Mr. Velarde... Gumising ka na" sabi niya.
Kumunot naman ang noo ko. Anong gumising ako? Anong ibig niyang sabihin? Gumising na ako sa katotohanan ganun ba?
"Mr. Velarde gumising ka na ngayon din!" sigaw pa niya. Bakit niya ako tinatawag sa apelyido ko?
"If you won't wake up I'll have to put absent on your attendance Mr. Velarde now wake up now!"
Ang boses niya ay biglang nagbago parang boses ni Maam Arceo...
"MR. VELARDE GUMISING KA NA!"
"WAAAHHH" sigaw ko at napabalikwas sa upuan ko. Narinig ko rin ang tawanan ng mga kaklase ko.
"Who told you to laugh? Sinong may sabing pwede kayong tumawa?" sabi ni Maam.
Napatingin ako sa paligid ko at bigla akong nanlumo. Panaginip lang pala lahat ng yun. Hindi talaga ako nag confess kay Neisha.
Napatingin naman ako kay Neisha at nakita kong nakatingin na pala ito sa akin at concerned siya.
"Ayos ka lang?" tanong niya. Nginitian ko lang siya at tsaka sinang-ayunan. Grabe naman yung panaginip ko, parang totoo. Sayang sana totoo nalang yun para wala na akong alalahanin kapag about sa feelings ko.
"Mr. Damien Ash Velarde. Natutulog ka sa klase ko, why is that?" tanong ni Maam Arceo. Okay, may kasalanan pa pala ako. Out of all subjects sa Math pa talaga ako natulog eh no. Kaasar naman to.
"I'm sorry Maam, hindi ko po-"
"I don't take any excuses from you" sabat niya bigla. Eh bakit ka pa nagtanong Maam? -_-
"All of you here in this class will be marked zero. Diba sinabi ko naman sa inyo sa start pa lang ng lesson ko ay kayong lahat ang madadamay kapag may hindi nakikinig sa inyo. Kaya kayong lahat ay failed sa activity ngayon." sabi ni Maam.
Okay parang tatambangan ako ng mga kaklase ko mamayang dismissal ah. Patay na.
"This class is dismissed no need to say goodbye." sabi ni Maam tsaka kuha ng mga gamit niya sabay walk out sa classroom.
At syempre dahil may mga hindi nakikinig talaga kahit nasermonan na kami ay may nag goodbye pa rin kay Maam habang papalabas na siya.
Pagkalabas na pagkalabas ni Maam ay napabuntong hininga ako. Grabe naman na guro iyon. Ang pagka strikto niya ay dinaig pa mama ko ah.
Nakatikim rin ako ng batok sa ulo. "Ayan! Tulog pa talaga ha. Math na nga ito eh ginawan mo pa tayo ng problema" sabi ni Neisha sabay irap sa akin.
Nginusuan ko nalang siya kaya pinitik pa niya labi ko. "Ngumuso ka pa diyan makakatikim ka talaga sa akin" sabi niya sabay aakto na babatok siya ulit kaya napa atras ako.
Kakaatras ko lang ay nakatikim naman ako ng hampas sa batok ko. "Bro! Why did you think that sleeping on Math was the greatest idea huh?" tanong ni Ernest. Kanina pa to siyang hampas ng hampas ah.
Doon ko rin na realize na pinag uusapan pala ako ng ibang mga kaklase namin at galit pala sila sa akin.
Napatingin ako sa kanila sabay peace sign. "Sorry na guys di ko lang talaga ma control pagtulog ko" sabi ko. May nambato naman sakin ng nilukot na papel pero di ko nalang pinansin iyon.
"Sorry talaga guys." sabi ko ulit. Napahinto ang tingin ko sa babaeng nakaupo sa likod ko.
Si Klara ang lamig ng titig sa akin. Nginisihan ko lang siya pero wala naman siyang ibinalik sa akin kundi iyang expressionless na stare niya.
Bumalik ang tingin ko sa harapan at tsaka napabuntong hininga. Di ko pa rin maalis yung panaginip ko kanina. Naman eh ba't ba kasi natulog pa ako.
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Roman pour AdolescentsIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14
