038

29 9 2
                                        

"So do you like mango or vanilla cake?"

Napalingon naman agad ako kay Klara nung nagsalita siya. Napunta kasi kami sa isang cafe dito at dahil nagugutom daw siya. Ang una ko ngang inakala sa isang fast food kami pupunta pero sa cafe pala ang gusto niya.

Napakunot naman ang noo kong tinitingnan ang mga cakes na display. Halos malaglag panga ko kasi maliit lang na cake ang mahal na. Nako talaga hindi ako makakabayad nito.

"Ahh, huwag na" sabi ko sa kanya at ninenerbyos na nginitian. She didn't give a reaction, like always but I know she gets what I mean.

Tinaasan niya ako nang kilay at mas itinuro pa yung mga cake selections kaya napabuntong hininga ako. "Klara, I can't pay for that" pagod kong sabi sa kanya.

Umiling lang naman. "I'll pay for you. Now pick" Sa bandang huli ay pinapili niya talaga ako at napilitan akong kunin yung chocolate cake na bigay niya. Sa totoo lang hindi ako masyadong nagsisisi kasi pagkaabot nun sa tray na dala niya ay mukhang napakasarap nun.

Tahimik nalang kaming umupo sa isang table malapit sa may windows. Clear glass kasi ang pader ng cafe kaya makikita mo ang view sa labas. Maayos lang naman kasi ang ganda ng street dahil maraming lanterns at flower boxes na nakalagay.

Umorder kami ng isang chocolate at lemon cake tapos dalawang mango shakes. Agad din naman kaming nagsimulang kumain pero nagtaka lang ako kung bakit parang ayaw ni Klara ng kinakain ko lalo na kapag nakikita niya iyon.

"Ayaw mo ba ng chocolate cake?" tanong ko sa kanya. Natigilan naman siya sa tanong ko pero tumango rin.

"I actually can't stand the smell and taste of chocolates" sabi niya sa akin. Bakit naman kaya, ang sarap nga ng chocolates at talagang paborito ito ng marami.

"Don't think too much. Hindi lang talaga ako hiyang kumain niyan" sabi niya ulit at tumango nalang din ako. Totoo naman, hindi naman magkaparehas ang taste ng ibang tao. Baka weird ang lasa ng chocolates para sa taste buds niya.

Nabalot ulit kami ng katahimikan kaya hindi ko maiwasan na ma feel awkward. Kasi naman, siya nga itong nagyaya ng date raw pero hindi naman nag initiate ng usapan. Anong klaseng date to?

Medyo napailing ako dahil sa sarili kong iniisip. Hala naman kasi Damien, hindi ito pwedeng maging date kasi may girlfriend ka na. Pero sige dahil sinabi naman niya, iisipin ko nalang na 'friendly' date ito at wala nang iba pa.

Nabulabog din ang mga iniisip ko kasi nag ring ang phone ko. Si Neisha pala tumatawag, nag dadalawang isip akong sagutin yung tawag kasi nandito si Klara. Napatingin pa ako sa kanya at kita ko namang nakatingin din siya sa phone ko.

Dahil sa nag panic ako ay napa-decline nalang ako sa tawag. Nakakailang lang kasi. Nakita ko namang bahagyang napataas naman ang mga kilay niya, hindi siguro ine-expect na hindi ko sasagutin.

"Alam mo naman sigurong maayos lang na sagutin mo yun. Girlfriend mo yun eh"

Napasinghap nalang ako. Oo nga tama siya. Hindi ko dapat ginawa iyon sa tawag ni Neisha. Just because I'm on a date with another girl doesn't mean I should just drop her.

Wait teka nagmumukha akong babaero nito hindi ito pwede. Friendly date lang kasi.

"Wala na akong magagawa pa" ang sabi ko nalang sa kanya at kumain ulit nung cake. Uminom naman siya nang shake niya habang tinititigan ako. Hindi pa pala siya graduate sa ka-ka titig sa akin.

"I see na binili mo yung book na binabasa ko dati" pagsisimula niya at kaya napatingin ako sa libro na nasa table.

"Yeah, I didn't even remember ito yung binabasa mo" napa hum lang siya.

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon