049

25 7 1
                                    

Halos mag iisang linggo na kami ni Klara pero hindi naman nagtatanong ang iba patungkol sa relasyon namin. Noon nga medyo may mga naintriga kasi sa holding hands namin at sadyang close kami nun pero wala namang nagtanong pa kaya wala na rin kaming ginawa.

Klara and I appear to be normal. Like magkaklase lang kami. Ganun.

Hindi ko naman pwedeng sisihin ang kahit sino dahil dito kasi sadyang busy naman talaga ang lahat patungkol sa prom.

Eh gustong gusto ng lahat ang event kaya masyadong pinaghandaan ng mga teachers at students ito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kumbinsido kung bakit gustong-gusto nilang magkaroon ng prom, eh gastos lang naman ito at baka nga hindi pa maganda ang venue at pagkain.

Pwera na memories, maaari pa naman naming magawa iyon sa ibang gawain, huwag lang dito.

Hinagilap ng aking mata si Klara at nakita ko siyang tumutulong kayna Christine sa pagbubuhat ng mga gamit.

Ang cute nga niya eh. Bitbit niya ang isang malaking box, palabas at paloob sa room kahit na mas malaki iyon sa kanya. Ewan ko ba kung sino ang nag utos sa kanya na gawin iyon.

Hindi ko alam kung magagalit ba ako dahil pinagawa sa kanya ang ganoong kabigat na gawain o pasalamatan dahil sa ang cute niyang tingnan.

"Matunaw bestfriend ko dahil diyan sa ginagawa mo."

Napalingon naman ako kay Ariene na biglang nagsalita. Nginitian niya lamang ako bago tumabi sa akin at nagpatuloy sa pagpipinta niya.

Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kanya kaya hindi nalang ako sumagot. Pinagpatuloy ko na rin ang pagpipinta ko.

It was not a surprise that Ariene is amongst us painting for the decorations because she's an artist, ever since she was a kid. What's more impressive is because she taught herself drawing, painting, and designing on a professional level.

Nasurpresa nga kaming lahat, lalo na nung ipinasa niya yung painting niya na portrait ng isang artista. Ipinakita pa nga niya sa amin ang sketchbook niya at mga practices niya para mas mapaganda ang pagdra-drawing niya.

Practice lang yun ah, pero grabe na ang level ng art niya.

Kung iko-kompara ang ginagawa ko ngayon na painting ng isang rose, mahihiya at magtatago nlang siguro ako.

"Napansin kong mas nagiging close na kayo ni Klara." sabi ni Ariene sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil dun.

Nung hindi ako sumagot sa kanya ay tumingin siya sa akin ulit na may malaking ngisi.

"Mien."

"What?"

"Yung nickname na binigay ni Klara sayo. Mien."

Napabuntong hininga nalang ako. Sa lahat kasi ng mga kaibigan namin na makakaalam, hindi ko inakalang itong si Ariene ang mangunguna. She's usually so dense, well I guess she's dense when it comes to her own life.

I just tsked at what she said. Well, wala namang mangyayari kung malalaman niya. Sinabi na rin ni Klara na okay lang sa kanya kaya hayaan ko nalang.

"Anong balak mong gawin diyan sa information mo?" tanong ko sa kanya. Tumigil pa talaga siya sa pagpipintura para lang umakto na parang nagiisip ng malalim sa kanyang gagawin.

Weird.

"Eh bebenta ko nalang kaya sa school paper ang news." sagot naman niya. Nabigla naman ako dun, bakit ganyan pa talaga inisip niya.

"Para saan naman?"

"Para malaman ng buong school na kayo ni Ice Princess Klara."

"Eh bakit mo naman gagawin iyon?"

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon