Cleaning? Never had been in my dictionary. Yet here I am doing it for the sake of my grades.
Apparently kasi yung zero namin sa Math ay hindi lang pala ganun lang yun. Peligro na pala yun sa akin.
Hindi ko naman talaga inasahan na yung last activity pala namin ay malaki ang magiging epekto sa grades ko. Well, nasa huli talaga ang pagsisisi.
Pinuntahan ko agad si Maam Arceo noong naipakita na sa amin ng mga partial grades namin. At least naman pinapakita para malaman namin kung saan kami babagsak.
Ayun nga sa math ako babagsak at ang sabi naman sakin ni Maam Arceo ay dapat pagtrabahuan ko raw ng mabuti ang ikasasagip ng grades ko.
Ang solusyon dun ay literal na pagtratrabaho. Pinaglinis niya ako sa whole school kasama sa ibang janitor. Para naman daw may maitulong ako sa lipunan at makakita ako ng 'joy in taking care of nature'.
Sa totoo lang parang nang-aasar lang yun eh. Feeling ko ang ibig niya talagang sabihin ay bagay ako maging janitor -_-
Napabuntong-hininga nalang ako at ipinagpatuloy ang pagmomop dito sa isa sa mga hallways sa napakalaki naming paaralan.
Mom I thank you for letting me study in a prestigious school pero... nakakapagod naman to eh no.
~•~
Ibinalik ko na yung mop na ginamit ko sa isang container sa may rooftop. Oo, nasa rooftop lahat ng cleaning materials.
Open siya for everyone at pawang yero lang ang nandun para di mabasa ang mga gamit sa ulan. Ewan ko rin ba kung bakit walang storage room ang school nato.
Pagkatapos kong maiayos ang mga gamit ay umabot na talaga sakin ang pagod. Pumunta ako sa may railings upang doon magpahinga.
Pagabi na pala kaya ang ganda ng kalangitan ngayon. Nagpahinga lang ako doon habang nakatingin sa magandang view at iniisip ang mga kasalukuyan kong problema.
Di naman marami pero namomroblema pa rin ako sa grades ko. Kapag malalaman ni mom ang mga kalokohan ko baka wala na akong kawala nito.
Isa lang yun sa mga naiisip kong problema ko. Problema ko rin pala kung paano ako aamin kay Neisha. Alam ko na hindi sa simpleng crush lang ang nararamdaman ko.
Matagal ko nang gusto si Neisha. Hindi ko lang talaga alam kung anong gagawin. Matutuliro ako minsan kapag nandyan siya. Napapasaya niya ako sa mga ngiti niya kaya alam kong iba na to. May gusto na talaga ako para sa kanya.
Isa ko pang problema ay si Klara.
Balak ko talaga sanang kausapin si Klara pero hindi ko siya matyempohan. Minsan nandiyan ang mga kaibigan niya o hindi naman ako nilulubayan ng mga kaibigan ko.
Kung lalapitan ko siya ay mauunahan namn ako sa mga teachers or minsan nga nag aaway pa talaga si Anissa at Ernest sa harapan namin kaya hindi ko siya mapuntahan sa kung asan siya. Hinihila kasi siya palayo nila Ariene.
Hays. Ano bang gagawin ko? Kung nagtataka kayo kung bakit pinoproblema ko si Klara eh hindi ko rin kasi kayang maging panatag sa sarili ko.
May gusto raw siya sakin. Minsan lang may magtapat sakin ng ganito. Hindi ako sanay at nagtataka ako.
Bakit ako?
Sa dinami-rami ng mga lalaki sa school namin. Siya na sikat at parang perpektong-perpekto na tao. Bakit sakin pa nagkagusto? Nantri-trip ba siya? Hindi magandang biro.
"Matagal ka pa diyan?" biglang sulpot ng isang boses sa tabi ko. Napatingin naman ako at ika naman. Yung taong iniisip ko pa talaga ang gumulo sa pag-iisip ko.
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14