031

35 10 2
                                    

"Damien~"

Nabalot naman ang umaga ko ng mga maiingay na daing ni Ernest. Kay aga aga nga ang sarap na niyang sapakin. Napabuntong hininga nalang ako pagkatapos ay inayos ang ang pagwawalis ko sa bakuran nina Chiles. Hindi ko rin alam kung bakit ako nasama dito pero ito nga ang kahinatnan ko.

"Damien~ Bro!" sigaw naman ulit ni Ernest at sa pagkakataong ito ay inirapan ko na siya ng todo. Alam naman niyang pati ako nababadtrip dahil sa mga ginagawa namin, dadagdag pa siya sa sakit ng ulo ko.

"Bro please~ Ikaw na magdilig ng halaman sige na!" sabi niya sakin tapos padabog pa niyang dinidiligan ang mga iyon. Alam ko namang may pagka-spoiled siya pero hindi ko inasahan ganito ka spoiled. Eh magdilig lang hindi pa niya magawa. Sure akong magiging under siya sa asawa niya kung magkakaroon man siya.

"Kung hindi lang kita kaibigan noon pa pinakidnap na kita para kuhanan ng ransom" galit na sabi ko kay Ernest sabay naman kinuha yung hose na dala dala niya. Fine. Medyo hindi rin ako marunong humindi sa ibang tao.

Tinapik niya naman ako sa balikat sabay ngisi. "Love you bro. Ikaw nalang talaga ang para sakin" sabi niya naman at gusto kong masuko. Ngumuso pa talaga siya sakin at hindi na nandiri.

Tatabligan ko na nga sana siya ng tubig at dahil sa panay ilag siya kasi alam niya ang mga binabalak ko, hindi inaasahan na dumating na pala ang may ari ng bakurang ito.

"Oh parang ang saya niyo naman-" hindi na natuloy ni Chiles ang sasabihin niya nung nabasa ko nga siya. Kawawa nga siya eh. Medyo na guilty ako kasi hawak niya ang phone niya at mga sandwich.

Huwag kayong malito, naguilty ako dahil nabasa ko yung mga sandwich at hindi dahil sa phone niya.

Agad namang tumawa ng malakas itong si Ernest dahil sa basang sisiw na hitsura ni Chiles. At dahil nga si Chiles naman tong lalaking ito, hindi na siguro ako masyadong mamomroblema kasi ang haba ng pasensiya niya.

Chiles doesn't know how to get angry.

Siguro nga hindi nalang niya papansinin ang nagawa ko dahil dun. And yes he just brushed it off cooly. Hindi niya na ako sinaway pa at diretso pa'ring ipinamimigay samin ang mga hinanda niyang sandwich.

Syempre kahit na nabasa na iyon ay kinuha ko parin. Masamang tanggihan ang grasya. Nagpapasalamat nga ako dahil nabiyayaan akong maging kaibigan ang isang napakamapasensiyosong tao na kagaya ni Chiles. It's really a great blessing.

Ito naman si Ernest ay medyo epal talaga. "Bro! Kakainin mo pa rin yan kahit basa na? Ewe. It's like extra soggy sandwich"

Kung maka-ewe naman to. "So? Pagkain pa rin ito at masamang tanggihan ang mga ito" sabi ko nalang sa kanya sabay kain dun sa kinuha kong basang sandwich. I admit umiba nga ang lasa ng sandwich pero hindi ko naman sasabihin iyon. Takot pa rin ako sa karma.

"Let him be Ernest. Kasalanan niya rin naman ito kaya nabasa eh. Don't worry, I still have more inside the kitchen" Agad ko namang niluwa yung nginunguya ko kasi hindi ko na kasi masikmura. He should have told me sooner, I would have just said sorry then go and grab another tray for us.

Umiling lang naman si Chiles sa mga pinaggagawa ko tapos nilingon ang paligid namin.

"I see ang ganda naman ng ginawa ninyo. Ang linis na ng bakuran" puri ni Chiles samin and I earned a sense of pride of because of that. Nag akto pa akong umuubo para makuha atensiyon nila at malaman na ako ang may gawa nito.

"Certainly bro! Ang galing talaga ng nagawa namin. I'm so proud of what we did to your yard" Nawala naman agad good mood kasi sa mga walang kwentang pinagsasabi ni Ernest.

Agad ko siyang nilapitan pagkatapos ay inakbayan sa may leeg ng napakahigpit. "Sa tingin ko bawal mga sinungaling dito. Anong sabi mo ha? Ikaw tumulong dito?"

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon