036

29 8 0
                                    

"Kainis. I hate them! I hate them so much!"

Nabulabog naman ang tahimik kong atmosphere dito sa classroom nang biglang galit na pumasok si Anissa at may kasama pang kalabog ng pinto.

I winced at the sound it made. Ang sakit sa tainga. Napakunot naman ang noo kong nakatingin kay Anissa na hindi pa ako napapansin.

"Ano problema mo?" tanong ko at parang flash pa siyang napalingon sa akin. Hindi yata inasahan na nandidito ako kasi nagulat siya pero pinalitan naman niya agad iyon ng irap.

"Nandito ka pala. Ang pangit mo pa rin hanggang ngayon"

Aba nilait pa ako. Ang hindi niya alam nagagwapuhan yung best friend niya sa akin at sa aming dalawa ay ako yung may jowa. Nagawa pa talaga akong laitin ha.

"Pwera panlalait mo. Ba't ka pumasok dito na parang mag hihimagsik. May nangyari ba?" mas lumalim pa yung pag irap niya sa akin kaya napa defensive mode naman ako agad. Baka mapatay ako nito kasi galit siya.

Pagkatapos niya akong ilang minutong inirapan ay iniwala naman niya ang tingin niya at umiling pa.

"Tanong mo dun sa bespren mong walang kwenta" sabi niya sa akin.

"Si Chiles?"

"No"

"Si Allistair"

"What the? No!"

"Best friend ko ang sinabi mo eh. So kung wala sa kanila....ahh si Aldrin"

"Gago ka ba? Si Ernes tinutukoy ko!" syempre nagbibiro lang naman ako kanina. Alam ko namang si Ernest talaga tinutukoy niya. Ang saya lang kasi pagtripan ang mga pikon.

"Ano naman bang ginawa sayo ni Ernest ah? Parati nalang kayo nag aaway hindi kayo nagsasawa?" tanong ko sa kanya tas inismaran lang niya ako. Bastos to ah.

"Walang kwenta kami kung hindi kami mag aaway" sagot naman niya sa akin kay tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala pa nga kayong label, daig niyo pa mag asawa kung magbangayan" inirapan niya ulit ako.

"Gusto mong mahagisan ng plato?"

"Oh sure yung mamahalin ah"

"Hibang ka na"

Tinawanan ko nalang ang nagtitimpi niyang mukha. Ewan ko ba kung bakit nagtitimpi pa rin ang timpla niya eh kanina pa naman siya parang nag aalboroto na bulkan eh. Naks iba talaga nagagawa nitong si Ernest sa mga girls niya, all hot and bothered eh. Sa galit nga lang.

Nakita ko namang uminom siya ng tubig galing sa tumbler ni Ernest kaya hindi ko maiwasang magtanong.

"Akala ko ba galit ka? Ginagamit mo pa rin yang tumbler niya" saad ko tapos halos mapatalon ako nung pagkatapos niyang ininom ay inihagis naman niya kung saan yung tumbler. Feeling ko nabasag na yun eh.

"Ano ka bang klaseng babae!" sigaw ko tapos tinakbuhan kung saan niya hinagis iyon. Nanlumo naman ako kasi sa harap pa mismo at sa may bag ko pa natapon. Nabasag nga iyon at medyo nabasa pa ang ibaba ng bag ko.

"Mapapatay talaga kita ng dahil dito" galit na sabi ko sa kanya. Hindi niya naman ako nilingon at poker faced pang umupo sa silya ni Ernest.

"It's just a water bottle. Marami pang iba diyan"

"Hindi yung water bottle ang ikinagagalit ko. Itong bag ko! Binasa mo pa talaga nanahimik na nga yung tao eh"

"Oh shut up Damien"

Galit ko siyang inirapan pagkatapos ay ipinatong ang bag ko sa silya. Wala na akong magagawa pa. Papatuyuin ko nalang para malagyan ko ng notebooks mamaya.

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon