012

33 10 1
                                    

"Faith pabili ng pancit at canton at kape pakilagay nalang sa listahan mo"

"Di ka nanaman magbabayad? Eh ang rami na nga nitong nalista ko eh"

"Sorry na wala akong pera"

"Gaga ka bili ka pa ng bili"

Rinig kong tumawa ang lahat dahil sa away nila Faith at Eya pero hindi ko talaga magawang tumawa rin kasama nila. Kung sa pagtingin pa ng iba sakin ako yung tinatawag na lutang ngayon.

Marami kasing pumapasok sa isipan ko eh. Una kung paano ko maitatama ang mga nangyayari ngayon. At kung ano ba ang backup plan ko if ever di tumalab ang solusiyon na iyon.

Mahirap kasi magisip pag maraming pressure. Pressured na nga ako sa school, pati ba naman sa ibang bagay may pressure rin.

"Brooooooo!"

Ayun isa pang pressure. Napatingala ako sa bumasag sa mga iniisip ko at ayun nandun nga si Ernest na mahal na mahal ka. Weyt sorry si Natoy pala yun.

"Yo bro! Anong nangyayare sayo? Lutang ka! This is so not you!!!" sigaw niya sa tainga ko kaya napaurong ako. Ba't ang daming trip ng best friend kong ito.

"Wala. Marami akong iniisip" sagot ko tapos dededmahin na sana siya kaso inakbayan niya ko sabay pwersahan na pinahiga niya ko sa dibdib niya.

"Bro naman. I'm your bro. Your best friend since zygote palang tayo. Alam kong may problema ka. You can tell me anything kasi" sabi niya sakin.

Ako naman itong panay na gustong kumawala sa monster hug niya. Nakakapatay nato dahil sobrang higpit naman ng pagkayakap niya.

"Ernest ayos nga lang ako at BITAWAN MO NGA KO!" sigaw ko sa kanya at ayun nakalaya rin. Tumawa nga lang naman yung loko tapos ibinalik ang akbay niya pero simpleng akbay nalang yun.

"Eh kasi naman hindi ako sanay bro. Dapat nga gumagawa ka na nang kalokohan sabay magiingay ka pa. Di ako sanay na hindi ka napapagalitan ng teacher eh"

Ay grabe naman tong pagkakilala niya sakin.

Inalis ko ang akbay niya tapos inirapan siya. "Di mo naman kasi maiintindihan kahit na sasabihin ko sayo eh" sabi ko.

"Eh bro naman. Kaya kong intindihin kahit ano yan. Girls ba yan? No problem expert ako"

"Expert mo mukha mo"

"Ayaw mo maniwala? NEISHA!! MAY SASABIHIN SI-"

Agad ko namang tinakpan ang bunganga niya sabay ngiti sa kung nasaan si Neisha na parang na surpresa sa pagsigaw ni Ernest ng pangalan niya.

"Di Neisha huwag mo nang pansinin to" sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang nagpupumiglas na kasama ko.

Nung nakawala na siya sa pagkahawak ko ay agad namang parang nililinis ang bibig niya.

"Bro naman! Ang sama talaga ng lasa niyang kamay ko. You need to learn sanitation" reklamo niya habang patuloy na pinupunasan bibig niya kaya hinampas ko naman ulo niya.

"Shut up bro. Bakit ka kasi biglang tatraydor sakin eh" sabi ko nalang sa kanya kaya napabuntong hininga siya.

"Eh kasi naman. Kung si Neisha inaalala mo huwag kang magalala ako ang bahala sayo sa bagay na yan. Pwede ko naman kayong iset-up eh. Magtiwala ka lang sakin" sabi niya.

"Ernest-"

"No, no, you listen to me bro. Hindi sa ipinagmamalaki ko na mayaman ako pero pwede talaga kitang ilibre sa isang hotel or mamahalin na restaurant at doon kayo magdedate"

"Hindi naman kasi-"

"At isa pa. Hindi ka ganito bro! I miss that maingay na Damien na parating tumatawa at nagpaplano ng mga kalolokohan. You're my sidekick"

"Sidekick daw. Ako bida dito ha"

"I don't care. Basta point ko lang huwag kang masyadong magpakatanga sa isang babae. May iba pa naman kasi eh so learn to focus on other people as well"

"Focus on other people...." bulong ko sabay tingin sa kung saan nakaupo si Klara na kasama sina Ariene at Anissa.

Nagbabasa ulit siya ng libro ngayon at parang immersed siya masyado kasi di naman siya nakikinig sa mga pinagsasabi ng mga kasama niya.

Bigla siyang napatingin sakin kaya nabalik ako sa hwisyo at napaiwas ng tingin.

"Bro ayos ka lang?" tanong ni Ernest nang mapansin niyang tense ako. Binigyan ko nalng siya ng isang awkward na ngiti tapos sumilip ulit kay Klara.

Nakatingin pa rin siya sakin at akmang tatayo siya para puntahan ako kaya diretso kong tinulak si Ernest palayo at dali daling lumabas ng classroom.

"Bro! Asan ka pupunta?" rinig kong sigaw ni Ernest sakin. "Sa CR! Aalis na ko" sagot ko nalang sa kanya habang kumakaripas ng takbo.

Di ko kasi gustong makausap Si Klara ngayon eh. Hindi lang dahil sa nahiniya ako pero ayaw ko lang talaga siya kausapin.

Sa tingin ko nga parang ito nalang ang gagawin ko. Iiwasan ko siya para walang gulo.

Hindi siya aasa at para makalimutan niya ako. Mas okay na to kaysa naman sa masaktan siya ng dahil hindi ko kayang maibalik ang nararamdaman niya.

Pagdating ko sa CR ay agad naman akong pumunta sa lababo at binasa ang mukha ko.

Naatingin ako sa hitsura ko sa salamin at gumawa ako ng isang plano sa sarili ko.

"Oo Damien. Mas mabuti na to. Iwasan mo nalang siya para walang gulo" sabi ko sa sarili ko bago naghilamos nanaman.

Kinailangan kong ayusin ang sarili ko bago ako bumalik sa classroom. Hindi ko siya dapat isipin at hindi ko siya dapat kausapin. Madali lang naman siguro yun.

Pagbalik ko sa classroom ay diretso akong umupo sa silya ko. Agad din naamang nag ring ang bell kaya nag si upo na ang lahat ng mga kaklase ko.

"Damien" dinig kong tawag ni Klara sakin sa likod ko pero hindi ko siya pinansin. Tama, mas mabuti to.

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon