School is tiring. Constant lessons are tiring. Being in a relationship? It's more tiring. That's why I found myself on our school bench thinking about everything that happened so far.
Let's see.
Last, last, last week si Klara yung humalik sakin.
Same week na yun nag confess din siya sakin.
Last, last week naman ay nililigawan niya ako.
Last week monday, na trap kami sa student council room and after that back to normal na ang lahat.
Last week thursday naman nag date kami ni Neisha and she's now my girlfriend kahit hindi ako nag confess sa kanya kasi naman siya yung nag confess sakin tapos....inaccept ko ba yun? Siguro di ko na maalala.
This week back naman kami sa prom practices at parati ko nang nakakasama si Neisha.
Naibalita ko naman agad ni Ernest ang mga nangyari at nag congratulate lang naman siya sakin. Sabi niya hindi ko raw dapat isipin ng malalim yung nangyari dahil baka naman daw may pinagdadaanan lang yun si Neisha nun.
Ano naman kaya?
Menstruation. I studied, nangyayari raw yun sa ibang babae kapag meron nila. Yun siguro?
I was still quite bothered about what happened with her actually. How Neisha suddenly changed emotions which somehow induced me a lot of stress.
Mood swings?
I think.
I mean any person could have mood swings and have temper tantrums all of a sudden. Surely my girlfriend is just one of the people that is like that.
Is this what a relationship feel like? It just has been five days since we started being in a relationship. I didn't think it would be that hard.
"Ayos ka lang?"
Out of the chaos in my thoughts, Klara suddenly appeared out of nowhere. O got confused, gaano siya katagal diyan sa harap ko?
"Yeah. Bakit ka naman nandito?" tanong ko sa kanya. Umupo naman siya sa tabi ko at sinamahan ako sa panonood sa mga ulap, which I have been unknowingly watching.
Nabalot naman kami sa isang komportableng katahimikan. I don't really know how it changed pero after nung nakilala ko siya ng kaunti ay medyo nauunawaan ko na siya.
May mga tinatago siya. Like what others also do so hindi ko na kailangan pang isipin yun.
But somehow, mas kumportable ako na nandiyan siya sa tabi ko na walang sinasabi. Tahimik lang at pareha kaming masaya dahil mapayapa.
"Damien, napansin kong masyadong nagiging close na kayo ni Neisha. Tell me did you somehow manage to confess to her?"
Nabasag naman ang comfortable atmosphere namin dahil dun. Natuyuan ako ng laway kasi hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.
Kinakabahan kasi akong aminin sa kanya na may girlfriend na ako kasi naman, mas nauna siyang nagsabi sa nararamdaman niya para sakin. At biglaan lang din kasi na nagka girlfriend ako. Hindi ko alam kung paano niya tatanggapin ang balita.
"There's nothing going on Klara"
Waw. Straight lie. Amazing.
"Were just friends. Me and Neisha." Damien! Ang galing mo na talaga kapag ganito ang pinaguusapan eh. Ang galing mong magsinungaling.
"I'm relieved"
Nabigla naman ako sa mga sinabi ni Klara.
"I don't know how I could give you up just yet. I liked you for a long time. It would be hard for me to move on" dagdag pa niya.
Gusto kong sapakin sarili ko, itapon ang sarili ko galing sa isang napakataas na building at ipakain ang sarili ko sa shark.
Kung iiyak ulit ito ikaw na talaga ang mananagot dito Damien.
"Damien" rinig kong tawag niya kaya napatingin naman ako sa kanya.
"Ano yun?"
Tinitigan niya ako sa mga mata at hindi ko maiwasan na mabighani ulit dahil sa pagkislap ng mga mata niya. Para kasi talagang may mga bituin sa loob nun eh.
"Just promise me don't ever lie to me okay" sabi niya.
I'm sorry Klara but I already did.
Hindi ko naman siya masagot kayo lumayo nalang ako sa mga titig niya. I couldn't. Magiging walang hiya lang ako pag magsisinungaling ako sa kanya gamit ang pangako ma yun.
"Damien-"
"DAMIEN!"
Napatingin naman kami ni Klara sa sumigaw at ayun nakita kong tumatakbo si Neisha papunta sakin. Nagkasalubong naman ang mga kilay niya nung makita niya si Klara at galit niya akong sinabihan.
"Kanina pa kita hinahanap? Nandito ka lang pala. Ba't mo siya kasama?!"
"Ah eh kasi-"
"Halika na nga!" sigaw niya at hinablot naman ang kamay ko. Hindi nakawala sa mga mata ko ang pag irap niya kay Klara bago niya ako hilahin paalis doon.
Hindi naman ako nakapagpaalam kay Klara pero I hope she won't think too much about this.
~•~
"Hindi ba talaga pwede na tayo nalang yung partner?" pangungulit ni Neisha sakin.
"Neisha I told you, ito yung formation na ginawa ni sir so wala akong magagawa"
"Eh wala naman akong partner eh! Ayaw kong mag practice na hindi ikaw yung kasama!"
"As you said. Practice lang naman ito eh, hindi naman ito yung final so pwede pang-"
"Ayaw mo talaga akong maging partner?! Hindi mo na ako gusto?"
"Hindi ko sinabi yun-"
"HINDI KO NA AKO GUSTO! GANUN YUN EH! AYAW MO NA SAKIN! ANG SAMA MO DAMIEN! I HATE YOU!"
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa inis kasi bumabalik nanaman yung ganitong ugali niya.
Ngayon talaga alam ko nang kung hindi nasusunod yung gusto niya ay nagagalit siya. At ang mas malala pa nun ay sa kung sino-sino pa siya nagagalit.
Nakita kong napadako ang tingin niya sa isang underclassman namin na nakatingin sa away namin. At galit na inirapan naman siya kaagad ni Neisha.
"ANONG TINITINGIN TINGIN MO DIYAN? MASAYA KA BANG HINDI NA NIYA AKO GUSTO? HA?!"
Natakot naman yung pinagalitan niya at tumakbo palayo.
"Neisha! Ba't mo ginawa yun?!"
"Ayan ka nanaman eh! Ang iba nanaman iniisip mo! Ako lang dapat isipin mo! Wala ka na ba talagang nararamdaman para sakin?!"
"Neisha! I like you okay. I like you very much" sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya at yinakap ako ng mahigpit.
"Sabi ko na nga ba gusto mo talaga ako. Gusto rin kita Damien"
Gusto ko nalang mainis at sumigaw sa kahit sino pero magiging kaparehas ko naman itong si Neisha. Hindi ko alam kung paano ko siya kokontrolin kung magkakaganito pa ulit siya.
Hindi naman ganito yung ugali ng taong nagustuhan ko eh. Paano ba dumating sa ganito ito? How do I make her understand?
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14