008

55 11 0
                                    

Hindi ako mapakali kasi hindi ko naman talaga alam gagawin ko eh. Tumalim na ang pagtutok sa akin ni Klara. Pati nga mga kabarkada niya nalilito na rin.

Si Neisha naman nandito pa rin sa tabi ko pero nag le-lettering na siya sa notebook ko. May sinasabi pa nga siya sakin eh pero hindi ko na ako naririnig. Mas nakakatakot at nakakalito ang isa pang nasa harap ko.

Napansin ko naman si Danica na kumakaway sa tabi ni Klara kaya pabulong ko siyang tinanong ng ano.

'Ano ginawa mo dito?' pabulong niyang sambit sabay turo ni Klara.

Umiling naman ako na parang nagsasabing 'Aba malay ko'

Inirapan niya ako kaya inirapan ko ulit siya. Ito namang si Klara hindi pa rin natapos sa kakatitig niya. Grabe nalusaw na siguro ako kung may pisikal na epekto ito.

"Tingnan mo ang ganda nitong naigawa ko" sabi naman bigla ni Neisha sabay lagay ng gawa niya sa harap ko kaya natabunan si Klara.

Ngumiti rin lang naman ako at tumango sa sinabi niya. Totoo naman kasing maganda eh. May sasabihin pa sana si Neisha ng bigla namang may marinig na hampas kaming narinig.

Napalunok ako. Tumayo si Klara sabay tingin sakin. "Sumunod ka" sabi niya sabay lakad paalis ng classroom.

Napatahimik naman buong room dahil dun. Nagalit ba si Klara? Parang hindi sila makapaniwala kasi sa totoo lang walang bahala naman iyon parati eh. Ako rin hindi alam kung anong gagawin.

"Ano nanaman bang nangyari dun? PMS ba siya parati oh ano?" sabi ni Neisha sabay pagrolyo ng mata at bumalik ang tingin sakin.

"Damien, tuturuan kita nito hali-"

"Pasensiya na Neisha pero may aasikasuhin muna ako ah. Sige" paalam ko sa kanya sabay tayo. Hinayaan ko na lamang suyang magtaka kasi baka mas magalit si Klara pag di ko siya sinunod.

Paalis na sana ako ng madaanan ko sina Danica. Bigla namang tinuro ako ni Danica kaya napahinto ako.

"Ikaw ah. Ayusin mo kung ano mang ginawa mo kay Klara"

"Eh sa wala naman talaga akong ginawa eh" sabi ko sa kanya.

"Sus ikaw pa. Alam ng lahat kung gaano katigas ng ulo mo eh." sabi ni Danica. Sumali rin si Ariene sa usapan. "Mag sorry ka nalang. Di mo alam kung ikaw ba talaga ang nay mali" sabi niya sabay ngiti.

Napangiti rin ako. Mabait itong si Ariene. Di katulad ng katabi niya. "Ano pa ginawa mo? Sundan mo na" sabi ni Danica kaya inirapan ko nalang. Kung makapag utos.

~•~

So ayun. Naligaw ako. Di ko na kasi nasundan si Klara kasi ang bilis pala mawala nun. Pero naman, marami rin kasi akong kinausap kaya ayun.

"Asan na kasi yun?" tanong ko sa sarili at naglakad nalang sa hallway kahit di ko na alam saan pumunta.

Handa na nga akong itigil ang ginagawa ko ng makita ko si Klara sa may school garden. Nakaupo siya sa isang bench doon at parang natutulog.

Pinagloloko ba ako nito?

Sabing kakausapin ako kay susundan ko siya pero heto siya natutulog. Lumapit ako sa kanya pero hindi ko alam kung kakalabitin ko ba siya. Baka naman kasi magalit at sumumpong ulit eto lagot na.

"Umupo ka" biglang sabi niya. Nagulat naman ako. "Eto naman oh, wag ka ngang manggulat akala ko tulog ka" sabi ko sa kanya.

Hindi naman siya umurong. Nakapikit pa rin siya kaya ayun umupo nalang ako sa tabi niya.

"Ano ba kasi gusto mo?" sabi ko sa kanya. "Wala lang. Maingay sa room eh" sagot naman niya.

"Kailangan ba talagang ako ang kasama mo kung bored ka? Pwede namang mga kaibigan mo ah"

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon