"Baby look take a picture of me here!"
Kinunan ko ulit ng litrato si Neisha habang nag v-sign siya doon malapit sa isang mascot sa mall. Kanina pa nga kami libot ng libot dito eh. Medyo nakakapagod na nga kasi parang ayaw huminto ni Neisha at mas gusto niyang madami ang pictures na makuha namin sa iba't ibang anggulo.
After taking that last photo, I cracked my knuckles just to maybe ease the slight numbness. Not that it helped.
"Here over here naman baby!" sigaw ni Neisha tapos gusto kong mapasabunot sa buhok ko dahil sa sinabi niya. Ngayon naman sa harapan na siya ng Goldilocks na shop at gusto kong tanungin kung bakit pati ba naman dito kukuha kami ng picture.
Pero since ako naman si Damien, wala na akong ibang nagawa pa kundi picturan ulit siya roon. Tumili naman siya pagkatapos at kinuha ang phone niya galing sa akin.
Naging busy naman siya sa pagtitingin sa mga pictures kaya nag unat-unat na muna ako. Wala na akong pakealam kung masabihan akong nakakahiya dito. Napakasakit na ng balikat ko dahil sa mga anggulo na gusto niyang kunin ko. Kulang na nga lang humiga na ako sa sahig eh.
Nakuha naman ang atensiyon ko sa isang bench doon sa may gilid. Napabuntong hininga ako dahil sa ginhawa. Buti na nga lang parang mamatay na kasi ang pakiramdam ko dahil sa pagod eh.
"Baby! Dito naman sige na!" hindi ko sinasadyang mairapan si Neisha kaya napahinto siya. Ako rin naman, nawala kaagad ang irap ko at tiningnan ko siya ng nag-aalala noong nagsimula na siyang magmukha na parang iiyak.
"You glared at me! Baby how could you!" pagtatantrum niya at bumuhos din ang mga luha niya.
"Neisha it's not like that. Pagod lang kasi ako" I tried to comfort her but it all fell unto deaf ears.
"Pagod? Pagod ka na ba sa akin?! Yun ba ang ibig sabihin mo? Ayaw mo na sa akin?!" agad ko naman siyang yinakap upang mapatahan. Hindo ko kayang patahanin siya lalo na kung may gagawin pa siyang eskandalo.
"Neisha It's not that okay. Pero oo pagod ako. Umupo muna tayo, kanina pa tayo lakad ng lakad eh" sabi ko sa kanya sabay punas ng mga luha niya.
Agad ko namang itinuro ang bench na nakita ko kanina at huminto na rin siya sa pag-iyak. Tumango nalang siya kaya medyo mabilis ko siyang hinatak papunta sa bench at umupo. Grabe ang ganda ng ginhawang naramdaman ko noong nakapagpahinga ang mga paa ko.
Neisha is sitting quietly beside me. Although she may have stopped heavily crying, she's still silently sniffling. Agad ko namang kinuha yung panyo sa bulsa ko at pinagpunas sa mga natitirang luha niya.
"Sige na tahan na. Ako na ang may mali okay sige na" pagpapatahan ko sa kanya sabay dala sa kanya palapit sa akin at hinahaplos ko na yung buhok niya.
"Uy ang sweet naman ng dalawang yun"
"Oo nga sis ang gwapo pa naman ng guy!"
"Tingin ko may kasalanan yung lalaki eh kasi umiiyak yung girl"
"Oh baka naman nag propose ayyieee!"
Umiling nalang ako dahil sa nga naririnig ko. Ang mga tao talaga ang hilig hilig gumawa ng kwento.
"They think you proposed to me baby" sabi ni Neisha sa akin at tumawa pa ng mahina. Talagang tumahan na pala siya ngunit nung e aalis ko na sana pagkakahawak ko sa kanya ay kumapit naman siya sa braso ko.
"Stay here baby. We look cute naman eh" Sa totoo lang gusto kong kumawala. This is qualified as public display of affection kasi at baka may mag picture tapos mag post pa sa mga pinaggagawa namin eh alam ko naman na maraming tao ang basher sa mga ganito.
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14