040

26 7 0
                                        

"Damien naman! Parati mo nalang sinasabi na may gagawin ka! Tell me pinagsawaan mo na ako?! Papalitan mo ba ako?! Patarpulin ko ang panloloko mo?! Ano?!?!"

I heaved a sigh nang nagsisigaw na si Neisha ngayon. The hallway was packed with people from the younger students and even senior high school students pero hindi iyon makakapigil sa gustong isigaw sa akin ni Neisha.

Honestly it is my fault. I decided that I didn't want to keep our relationship going dahil nakakasakal at alam kong I fell out of feelings for her pero hindi ko rin alam kung paano sasabihin sa kanya.

Neisha is a brave woman kaya kahit ano pa yan ay haharapin niya talaga. Pati ito, wala siyang kinakatakutan o kinahihiyaan. Not even curious and nosy looks the others are giving us.

"Baby! Why do you keep ignoring me?!" sigaw niya ulit sa akin and this time I held her arms, not forcefully. Just enough to grab her attention unto me.

"Neisha let's talk about this somewhere else" sabi ko nalang sa kaya at akmang hihilahin siya palayo ngunit nag pumiglas siya and stood her ground, literally.

"Nope! Dito lang tayo! Bakit? Takot ka bang malaman ng lahat ang panloloko mo sa akin?" I wanted to slam myself against the wall pero hindi ko naman pwedeng gawin iyon.

"Hindi kita niloloko Neisha" sabi ko sa kanya pero mas inirapan pa niya ako habang tumutulo ang mga luha niya.

"Liar! All you do is lie! Everyone of you men do is lie to us! Sabi niyo gusto niyo kami pero iniiwasan niyo kami tapos hindi hinahayaan gawin ang gusto namin!" sigaw niya.

"Neisha. Please come down-"

"I won't calm down! You! You cheating asshole!"

Having had enough dahil sa mga maling paratang niya at sa mga nanghuhusgang tingin nang ibang tao ay umalis nalang ako.

"Tatalikuran mo nanaman ako?! Ganyan ka nalang parati Damien! I hate you so much!" sigaw pa niya kaya napalingon ako ulit sa kanya nung umupo na siya sa sahig at umiyak ng malakas.

I immediately went towards her to try to get her to stand up but she's stubborn and kept bawling her eyes out.

"Neisha! Snap out of it! Hindi kita niloloko at wala akong ginawang mali sa iyo!" pasigaw kong sabi sa kanya kasi nga hindi siya nakikinig sa akin.

She only shook her head hard saying no every once in a while and muttering how much she hates me and how much she knows I did not like her.

Which was not true at all. I liked her. I really do. What I felt before was purely adoration towards her, it may have changed some time on the course of our almost two months relationship but I will always respect her.

Nakita ko naman na pumupunta si Caldrin sa amin kaya napaayos ako ng pagkakaupo sa sahig.

"What's happening?" tanong niya sa akin at agad naman akong sumagot sa kanya.

"She thinks I'm cheating on her and she won't stop crying"

Patuloy pa rin ang pag iyak ni Neisha at nakaka-alarma na sa lagay na ito kasi parang nahihirapan na siya sa paghinga dahil sa pag iyak niya. Caldrin worriedly started soothing her back as a sign of comfort.

Neisha started to regain her senses pero agad din naman iyong nawala nung nakita si Caldrin. Her gaze turned cold as she glared at him.

"Putek nandito ka Caldrin! Isa ka pa! Manloloko ka!" sigaw niya kay kuya at pinaghahampas ito. Agad akong napalayo dahil parang dama ko ang sakit ng mga hampas niya. Kuya Caldrin endured it for her.

"Ikaw! Magsama kayo nung Samantha mo! Walang hiya ka!" sigaw niya paulit ulit kay Caldrin and I may felt bad because of what happened to them.

Totoo yung sinabi ni kuya noon. It's hard staying with someone who constantly doubts your intentions. Kung hindi kayang maramdaman ni Neisha ang totoong pagmamahal ni kuya Caldrin ay parang wala na iyong silbi pa.

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon