Tuluyan na ngang nawala yung issue namin ni Neisha sa mga bulung-bulungan ng mga tao. It was a hot topic at first dahil ako, na hindi raw ganun kalaki ang estado ay siya pa mismo ang nakipag-break sa anak ng isang senator. People like to pry so much on these topics to gossip though. Nakakairita.
I remembered the first week we broke up. Students I barely know of practically lined up outside our classroom just to catch me for a 'quick' talk.
It wasn't a 'quick talk' what so ever. Said people decided to do an interrogation process on people they don't know about.
Napapatikom nalang ako ng bibig at pagpigil ng wala sa oras. People like those are despicable. Ano ba ang mapapala nila kung makikichismis lang sila?
Though everything about us is over, Neisha's well being is doing bad.
Kuya Caldrin, after getting over what happened, kept me up with the news about her. Hindi naman ako nag reklamo kasi may kinalaman naman akong malaki sa mga nangyayari sa buhay ni Neisha, but I still felt drained.
Wala na nga kami pero mas pinoproblema ko pa siya.
Baka nga dadating dito si Senator Lopena at baka ambangan ako. This is why I should have never joined unto political stuff.
Nandito ako ngayon sa boys cr nagbabasa ng mga china-chat ng mga tao sa online rambulan. Ayokong pumasok sa Social studies eh. Baka mapatay ulit nila ako kasi makakatulog ako. At least dito makakagamit ako ng phone kahit illegal.
Caldrin Mendoza
Caldrin: Asan ka?
Damien: Oh, kuya.
Caldrin: Hinanap kita sa room mo. Wala ka dun.
Damien: Sorry kuya tumakas ako.
Caldrin: Pasaway. Sabihin mo sa akin asan ka ngayon.
Damien: boys cr.
Caldrin: sige puntahan kita.
Napakunot naman noo ko. Ano nanaman ba ang kailangan ni kuya?
Narinig ko namang kumalampag ang pinto ng CR kaya napalingon ako dun."Damien?" tanong ni kuya Caldrin.
"Teka." sabi ko sabay labas ng cubicle. Pagkalabas ko nga ay nandoon siya nakapamulsa at parang amused na tinitingnan ako.
"Dito ba talaga kayo madalas magtago kung mag cutting?" tanong niya. I just shrugged my shoulders at that.
"Depende. Pero oo, isa na rin ito sa mga pinagtataguan namin." sabi ko sa kanya.
Ngumisi naman siya ng malaki dahil dun sa sinabi ko. "Nice info. Sasabihan ko na mga kapwa ko SC para mag check din dito para sa mga cutters." natatawang sabi niya kaya nanlaki naman mga mata ko. Walang hiya, dinamay ko pa ang mga kapwa kong cutters.
"Uy! Kuya huwag naman maawa ka sa amin!" daing ko kaya ayun humalagalpak na sa kakatawa dahil siguro sa hitsura ko.
"Joke lang di ko gagawin yun. Sa totoo lang kung hindi ako SC ay siguro sumama na ako sa inyo para mag cut."
Napahinga naman ako ng maluwag dahil dun. Mabuti na yun at hindi ko nagawan ng mali ang mga nanahimik kong kapwa cutters.
Naalala ko naman na hinahanap pala niya ako kaya naguguluhan ko siyang tiningnan. "Ano kailangan mo sa akin kuya?"
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14