009

44 11 3
                                    

"Everyone pass your activities by the end of this day. Please give it to your class president so that she may collect them. That's all for today's activity." sabi ni Mr. Dominggo sabay nag paalam kami sa kanya.

Saktong paglabas naman ni sir ay ayun nagsimula na ang mga kalokohan.

"Guys pabili ako ng sachet ng kape. May plastic cup kayong dala?" sabi ng isang kaklase ko. At ayun nagsimula na nga ang negosyo sa loob ng room.

"Thank you talaga ha Faith e kung hindi dahil sayo sure akong tulog na ako sa Aral Pan time." Sabi ni Ariene sabay inom ng kape niya.

"Oh no probs guys. May iba pa ako ditong tinitinda. May pancit canton, cuo noodles, Tiger na biscuit at iba pa ako magsabi lang kayo. I'll provide" sagot naman ni Faith habang pinagpapatuloy ang negosyo niya.

Di ko alam pero ganito talaga ang room namin in between classes. Nagiging palengke. Ba't kaya di pa kami napapatawag nito eh katabi lang naman namin faculty eh.

"Damien gusto mong inumin to?" napatingin naman ako kay Allistair na may inabot sakin na kape. Umiling naman ako.

"Sure ka? Baka makatulog ka nanaman eh. Mahirap na, si Maam Gaudia ang susunod natin na teacher. Mas matindi pa yun kaysa kay Maam Arceo" sabi pa niya.

"Oo nga bro. Baka mapahiya ka niya if ever" singit ni Ernest sa usapan namin pero ayos lang talaga ako eh. Kaya ko pang mag survive.

"You're quiet today Damien. Why?" sabi naman ni Chiles na bagong dating. At aba mas magaling siya ha, kumain pa ng lunch niya.

Tiningnan ko naman siya nang nagtataka. "Bakit ka kumakain ng lunch mo ngayon? Eh kanina pa ang lunch ha." tanong ko sa kanya tapos tumawa naman siya.

"Nagpasama kasi si Jamie saken para mag photocopy eh. Di ko naman mahindian" sagot niya sabay tingin kung saan nakaupo girlfriend niya.

Napabuntong hininga nalang ako. Edi sila na best couple. "Bro naman! Chiles! Hindi ka dapat under ng girlfriend mo! Be the alpha one bro!" sabi ni Ernest sabay hampas kay Chiles.

Napairap naman si Chiles kay Ernest kaya ayun pabalik-balik ang panghahampas nila sa isa't isa. Well ayos lang naman as long as-

"ARAY NAMAN ERNEST BA'T NASALI AKO?" sigaw ni Aldrin na isang kaklase namin. Oo nga ba't siya nadamay eh nakaupo lang naman siya ng tahimik sa tabi nila Ernest.

"Bro! Sorry di ko sinasadya" paumanhin ni Ernest pero ayun inulan na siya ng napakaraming hampas. "BRO! I SAID I'M SORRY!"

"BRO KA DIYAN! EH NANDADAMAY KAYO NG NANANAHIMIK EH!" sigaw ni Aldrin kaya naman napatawa kaming natirang nanonood sa kanila.

Ang saya naman na pagmasdan mga kaibigan ko. Sila lang talaga ang nag papawala ng mga iniisip ko. Sana hindi sila mag-

"ERNEST! BA'T AKO NADAMAY!" sigaw ko nang di inasahang hampasin din ako sa mukha ni Ernest. Nasapo ko mukha ko ng dahil sa sakit.

"Ay eto nanaman, sorry bro eh hindi ko na nakontrol kung saan ako humahampas eh" sabi niya sabay peace sign saken. Ay hindi pwedeng ganun lang.

"Suntukan nalang kaya tayo halika dito!" sabi ko sa kanya sabay tayo. Ayun kumaripas ng takbo kaya hinabol ko naman. Malas siya ngayon maiinit ulo ko.

"BRO! SIGE NA PATAWARIN MO NAKO. HAMPAS LANG NAMAN YUN EH"

"HAMPAS NGA NA MASAKIT AT NAMUMULA MUKHA KO. TAMA SINABI NI ALDRIN DAPAT KANG MAMATAY"

"BRO THIS IS NOT YOU! MELISSA TULUNGAN MO KO!"

Di ko naman siya agad naabutan kasi nagtago pa talaga siya sa mismong crush niya. Si Melissa naman ayun nalito kung anong nangyayare.

"Melissa tingnan mo inaaway niya ko. Ipagtanggol mo ko" sabi niya sabay chansing na yakap kay Melissa. Brave.

"Ikaw! Wag kang magtago harapin mo ko!" sabi ko sabay akmang hahablutin siya pero di ko magawa kasi nga inilalagay niya si Melissa sa pagitan namin.

Naparolyo naman ng mata si Melissa sabay kalas sa yakap ni Ernest. "Pwede ba kung maglalaro kayo pwede huwag dito." sabi niya na parang nangangaral pero nakangiti naman siya.

Umiling naman si Ernest sabay hawak sa braso ni Melissa. Grabe maka chansing naman nitong kaibigan ko.

"Melissa naman dito nalang ako kasama mo. Papatayin talaga ako niyan eh pag maabutan niya ako" pakiusap ni Ernest kaya napatawa naman itong si Melissa sa kalokohan niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Sige na nga. Ernest dito ka nalang tulungan mo kong kumuha ng tubig para sa kape ko" sabi niya kay Ernest bago lumingon sakin. "Ikaw naman bumalik ka nalang sa upuan mo. Kikidnapin ko na muna tong kaibigan mo" dagdag niya sabay lakad nila paalis.

Napa-yes naman si Ernest sabay ngiti ng nakakaasar sakin at sumunod na kay Melissa na parang aso. Iba talaga nagagawa ng mga taong may gusto sa ibang tao.

Speaking of gusto napabalik naman ako sa iniisip ko. Eh kasi naman pagkatapos namin mag-usap ni Klara ay bigla namang hindi na niya ako kinikibo.

Nakapagtataka lang eh kasi noon parati ko siyang nakikita at nakatitig sakin pero ngayon miski sa upuan niya hindi ko siya mahagilap.

Iniiwasan ba ako nun? May nagawa ba akong kasalanan?

Hindi naman siguro. Eh kahit isipin ko pa ng isipin eh hindi ko naman talaga malalaman kung ano ang pakiramdam niya. Di yun marunong magpakita nun eh.

Pero talaga nakapagtataka.

"Klara, I'm sorry pero mahirap na magkagusto ako sayo. Ibang-iba tayo at sinabi ko naman na may gusto na nga akong iba." sagot ko sa kanya.

Hindi naman lumubay sakin ang matalim niyang tingin pero sadyang concerned na talaga ako para sa kanya eh.

Kung gusto niya talaga ako wala akong magagawa. Ayos lang siguro if ma-accept niya yung mga sinabi ko at patuloy lang kaming maging magkaibigan kasi yun lang naman talaga ang maibibigay ko para sa kanya.

Umiling naman siya bigla. "Just you wait Damien. I'll do everything until you'll like me" sabi niya sabay naglakad palayo sakin.

Now I know hindi totoo lahat ng sinabi niya sakin. She'll make sure na magugustuhan ko siya? Eh di naman nga niya magawang magpakita sa akin eh.

So it's true. Klara Cornel is a liar. I shouldn't have thought of her too much. Sumasama lang naman pakiramdam ko eh.

Napabuntong hininga ulit ako at bumalik na sa upuan ko ng may nakita ako na nakalagay sa desk ko.

Kahon siya tapos medyo mabigat. Nalito naman ako. Ano to? Para saan to? Tumingin ako sa iba pero wala namang kahina-hinala eh.

Binuksan ko ang kahon at nanlaki ang mga mata ko. Chocolates to ha. Sino namang maglalagay ng mga chocolates sa desk ko? Pinagtitripan ba ako nila Chiles?

Akmang tatanungin ko na sana sila Chiles nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"Nagustuhan mo ba?" that same expressionless voice that keeps making me confused.

Napatingin naman ako sa likod ko at dun eksaktong nakaupo na si Klara sa upuan niya with her same blank look.

"I'll give you that everyday if you want" sabi niya sakin.

Okay, what the heck is going on?

Tones: PINK "The Bravest" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon