~ Klara's POV ~
Hindi ko maipagkakaila na para na akong sasabog dahil sa mga kalokohan na nakikita ko. Parang umuusok na ang uli ko sa init at hindi ko maayos yung paghinga ko. Buti na nga lang hindi nahahalata ng iba kung paano gusto ko nang sigawan ang dalawang walang kwentang tao sa buong mundo.
Oo, kanina pa ako nakatitig sa mga walang silbi. Kasulukuyan ngayong kumakain sina Neisha at Damien tapos magkatabi sila. Para ngang linta yang si Neisha dahil kahit kumakain na nga lang nakadikit pa.
Ikamamatay niya ba kung magkakahiwalay sila? Kung oo, pwes pipilitin kong ipaglayo ang dalawang yan para mamatay dahil sa kawalan ng atensiyon yang babaeng yan.
Napahigpit ang kapit ko. Isa pa yang si Damien, nakakainis! Ba't pa ba ako nagkagusto sa taong yan? Hindi na nga ako tinuring na kaibigan man lang, nagsinungaling pa sakin. May gana pa talagang makipaglandian sa mismong harap ko?
Nakita kong sinubo pa talaga ni Neisha ang pagkain kay Damien. Anong ginagawa nila Nigel ngayon?! Diba bawal ang ganitong mga kilos dito sa school.
This is against the policy and shows disrespect to the morality of a person's integrity. Ang dapat sa kanila ay pinaparusahan sa paggawa ng ganitong mga kalapastangan.
(note: di man niya naipapakita sa pisikal pero galit na galit po siya)
Ipinasubo nanaman ulit ni Neisha yung pagkain tapos tumawa pa siya ng nakakarindi. Hindi ko talaga maiwasan na mainis sa kahit anong gawin ng babaeng iyon. I should have done what Anissa have told me.
I should have planted bombs on Neisha's lawn. It wouldn't be a problem using our family's private military officers. I could just say the word and they'll be on their way to the job.
Or I could also plan Damien's funeral to dahil isasama ko siya dahil isa rin siyang walang kwenta...
Pero...
Hindi ko na siya makakausap pa.
Nawala yung lakas na pagkakakapit ko sa isang bagay na hindi ko na maintindihan sabay lumungkot nanaman ang pakiramdam ko.
Oo nga pala, hindi ko na maaaring kausapin pa si Damien kasi sinabi kong layuan niya ako. Bumalik ulit ang tingin ko sa kanila.
Sa totoo lang hindi ko matanggi na namimiss ko siya pero parang talo na talaga ako sa bagay na ito eh. I guess he's happy now since the one he likes finally accepted his confession.
Why couldn't I do the same with my feelings?
Why is it so hard for others to accept mine?
And then I remembered...
~ Middle School ~
"Jonathan, I heard Klara likes you, what would you do?" rinig kong tanong ng isang babae. Napatago naman ako para hindi nila makita na naririnig ako sa usapan nila.
Sumilip nama ako ng kaunti at nakita si Jonathan pala, yung crush ko, kasama ang iba naming kaklaseng babae.
"Tsk. Those romours? Don't believe them okay" sabi naman niya. Agad namang nagsitawanan ang mga babae dahil sa pagdeny niya.
Hindi ko naman din maiwasan na mahigpit na mapakapit sa mga dala kong libro.
"So hindi iyon totoo?"
"Gosh why would someone like her like me anyways"
That's not true. I liked you for the longest time during my entire middle school. Why is it not hard to believe?
"And anyways even if there is a time that she would confess. I won't certainly date someone like her you know" I felt my whole body tense up because of that.
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14