"Okay. Let's go on a date."
Napasigaw naman ako ngayon sa dito sa kwarto ko dahil sa pabalik-balik na linyang iyon. Hindi kasi maalis sa utak ko na niyaya ko na talaga si Klara para makipag-date tapos pumayag siya.
Grabe hindi kasi ako makapaniwala. Ang swerte ko lang talaga.
Medyo baliktad nga ang isip ko eh, normal naman kasi na papayag siya sa date namin eh girlfriend ko naman siya.
Pero hindi pa rin maalis sa isip ko na pumayag siya. Mas masaya pala ang ganito. Panay tawa at ngisi ako ngayon na parang kabute. Bahala na basta excited ako sa mangyayari sa sabado.
Kumunot naman ang noo ni Danessa na ngayon ay nakatambay sa kwarto ko. Panay basa siya ng kanyang boys magazine, na hindi dapat pwede sa kanya dahil bata pa siya, tapos umiirap kapag sumisigaw nanaman ako.
"Para kang tanga kuya. Tumigil ka nga." sabi niya sa akin sabay pakli ng kanyang magazine.
Tumingin naman ako sa kanya na malaki pa rin ang ngisi, na siyang pinandirian niya.
"Danessa. Ang napakaganda kong kapatid. Ang swerte ko talagang naging kapatid kita. Paano ba? Ano kaya ang ginawa ko upang pagpalain ng mga bathala na ikaw ang maging kapatid ko?"
Grabe ang ngiwi niya. Siguro ay ma-offend sana ako kung hindi lang ako good mood ngayon. Tinawanan ko naman ulit siya bago humiga na sa kama at pagpatuloy ang mga imagines.
"Uy. Ano ba kasi dahilan kung bakit ganyan ka kuya?" tanong niya sa akin.
"Danessa. Sobrang blessed ng kuya mo. Alam mo yun." ang tangin naisagot ko lang sa kanya na panay tutok pa rin sa kisameng puti. Walang espesiyal pero kinikilig ako kaya maganda na ito sa paningin ko ngayon.
"Ewan. Bahala ka na. Nakakakilabot ka."
Narinig ko ang pagkasara ng pinto kaya nahulaan ko nalang na umalis na si Danessa sa kwarto ko. At parang teenage girl ay tumili nanaman ako.
"Aba! Nababakla ka na nga yata kuya!"
Napabalikwas naman ako at yun din ang rason kung bakit nahulog ako sa kama. Agad kong tiningnan ang kapatid ko na hindi pala lumabas. Nakaupo pala sa sahig at tinitingnan ako na napakajudgemental.
Ayun sumimangot na ako sa kanya at napaupo.
"Akala ko umalis ka na?!"
"Sinara ko lang yung pinto, baka isipin ni papa may babae ka dito, daig mo pa ang babae sa pagtili."
Napabuntong hininga nalang ako. Normal lang na ganito si Danessa kasi nga parang si Klara siya pero mas emotion-oriented.
At dahil naalala ko nanaman si Klara ay di ko na maiwasang mapangiti ulit. Napansin naman iyon ni Danessa kaya umiling nalang siya at mas handa nang ituon ang atensiyon sa akin.
"Tell me kuya." panimula niya habang malalim akong tiningnan. Wala naman akong pake dahil panay ulit ang tingin ko sa isang potted plant sa kwarto. Hindi ko alam may ganyan pala ako, pero ang interesting tingnan.
"May bagong girlfriend ka?"
Namula naman ang tainga ko dahil sa tanong niya. Si Klara ang pumasok sa isip ko. Si Klara na may maliit na ngiti habang sinasabing kami na.
"Hindi no. Wala." iba naman ang nasabi ko. Pero lutang ako para ayusin ang sagot ko eh. Bahala na.
"Sure ka?" pagtaas niya ng kilay sa akin. Nginitian ko lang ang kapatid ko.
"Ikaw talaga Danessa." sabi ko sabay tayo at lapit sa kanya. Parang natakot naman siya sa pabigla kong paglapit pero hindi na siya nakalayo nung hinawakan ko na ang magkabilang pisngi niya.
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14