"Teka nga lang bakit ba kami naglilinis nitong mansiyon niyong bahay ha Chiles?"
Finally may nakaisip na rin na tanungin yun. Kanina pa ako kating kati na mag reklamo eh. Bakit ba kasi inimbita pa kami dito ni Chiles kung paglilinisin niya lang kami ng bahay at bakuran nila? Akala ko pa naman hangout to, bakit naging clean up drive?
Tumawa lang si Chiles sa tanong pagkatapos ay tinapos na yung pinupunasan niyang lamesa. At least naman tumutulong siya samin di kagaya nung tatlo.
Napadako ang tingin ko kay Anissa, Klara at Ernest na ngayon naman ay nakatayo lang tapos panay gamit sa mga cellphone nila. Hindi na nga nakakatulong, estorbo pa sa ibang naglilinis.
Ibinalik ko ang atensiyon kay Chiles na ngayon naman ay nagsisimula nang magsabit ng mga bandaretas. Huh? Anong meron?
"Eh kasi guys birthday ngayon ni Macey kaya gusto kong tulungan niyo akong ihanda itong bahay" sabi niya samin tapos nag distribute ng mga isasabit na decorations.
"Sino naman si Macey?" tanong ni Aillah. Ngumisi lang si Chiles tapos tumalikod samin. Hindi niya sinagot yung tanong. Nakapagtataka.
Hindi namin namalayan na nagtipon na pala kami malayo-layo sa likod ni Chiles. Napakunot ang noo ko dahil nalilito ako. Sobrang absorbed naman nitong si Chiles sa mga pinapagawa niya samin. Ano kaya talaga meron?
"Psst" biglang bumulong itong si Danica samin. "Sa tingin ninyo, espesiyal kaya itong Macey na to kay Chiles?" tanong niya.
Tumango naman si Ernest. "Well, since he went through all these trouble to prepare for Macey's birthday then she should be special"
"Who do you think she is?" Anissa
"Baka cousin niya. Huwag kayong magpadalos-dalos ng iniisip ha" pagpapaalala ni Aillah ngunit hindi naman nakinig yung iba.
"I think. He's cheating on Jamie with this Macey. Tingnan mo naman ngiti niya. Hindi yan simpleng ngiti na para sa kapamilya lang. I think he's cheating on his current girlfriend!"
"Danica, stop being delusional" sabi ni Klara tapos binatukan naman siya ng mahina ni Ariene. Eh kasi naman kahit ano na itong pinagsasabi ni Danica tapos ginawa pang cheater si Chiles.
"Pero guys, baka nga..."
Pinanlakihan naman namin ng mata itong si Allistair. Halata na ngang kalokohan yung pinagsasabi, may gana pa siyang maniwala doon.
"Think about it guys! Ganyan ba ang kilos ng isang lalaking gagawin lang para sa pinsan niya?"
Tiningnan ko ulit si Chiles na ngayon ay masayang sumisipol habang hinahanda yung lamesa. Oo nga no, kahina-hinala talaga ang mga kilos niya.
"Baka kapatid lang niya" Alyssa.
"Nasa states ang nakababatang kapatid ni Chiles" Ernest.
"Baka uuwi?" Aillah.
"Imposible. Bihirang umuwi iyon kasi kapagod daw bumiyahe" Ako.
"Edi wala na talagang iba pa. Baka nga may ibang babae siya" Anissa.
"Hindi nga posible iyon!" napasigaw kami ni Ernest dahil dun. Inirapan naman nila kami. "Ang gago niyo pala eh. Kontra kayo sa katwiran namin tapos nung may konklusiyon inaaway niyo pa rin kami!" reklamo ni Alyssa.
Napakamot nalang ako sa batok ko. Kasi naman eh kahit nakakahinala ang pinaggagawa ni Chiles, alam naman naming barkada niya na mahal niya ang girlfriend niyang si Jamie. Hindi kami magkakamali sa fact na iyon dahil nakikita namin kung gaano siya kasaya kasama yung girlfriend niya.
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Подростковая литератураIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14