Kasalukuyan akong nagtatago ngayon sa may library. Hindi naman sa takot ako pero parang ganun na nga eh.
Wala naman kasi akong kaklase na pupunta rito sa library ngayon. Pumupunta lang sila dito kapag may assignment kami at wala pa namang assignment na naibigay sa amin eh.
Grabe naman kasi yung guro namin. Nag walk out pa talaga. Pwede naman na magbigay ako ng explanation kung bakit natulog ako eh o bigyan niya ako ng parusa gaya ng pa detention ako o ipaglinis pero hindi, lahat pa talaga kami dinamay niya.
Hays ano kaya ang pwede kong magawa as sorry sa mga kaklase ko. Tingin ako ng tingin ngayon, wala lang praning ako dahil baka makita ko classmate ko o isang guro.
Nang matantiya ko na the coast is clear ay sakto namang sa pagtalikod ko ay may tao pala sa likod ko.
"Aish naman!" sambit ko at napag alaman na si Klara pala ang nandun.
"Klara!" pabulong kong sambit. "Ba't ka ba nandiyan at nanggugulat ha?" tanong ko sa kanya at napasapo sa mukha ko.
Wala naman siyang imik at patuloy lang na tinutukan ako. Grabe. Parang judgement day ngayon ah at binibilang na ang mga kasalanan ko.
Ayun, nagtutukan lang kami.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Oo ang tagal ng oras na nagtutukan kami. Kaasar ano. -_-
"Oi Klara. Kung wala ka namang sasabihin sakin pwede umalis ka nalang? Eto kasi, nagtatago ako dahil nga-"
"Natulog ka sa klase at na zero tayong lahat sa activity. Alam ko"
Napakurap ako. "Ahh okay alam mo HAHAHAHA kaya pinagtataguan ko pa kasi sila-"
"Nandito ako dahil galit ako sayo" putol niya sa sinabi ko.
"Ahh, sige kung galit ka una nalang ako hahaha" awkward kong sambit sabay lakad palayo. Oo nga pala kaklase ko siya. Kasali siya sa dapat pagtaguan ko.
"Teka lang" biglang sambit niya kaya napahinto ako. Patay na.
~•~
"Uhmm...Klara? Alam ko naman na naiinis ka sakin at lahat pero...." napakagat ako sa labi ko dahil sa kaba.
"HINDI MO NAMAN KASI KAILANGANG E LOCK AKO SA ISANG CLASSROOM EH!"
Napasigaw ako ng di oras. Grabe naman kasi itong si Klara kung magalit. Hindi ko naman inasahan na bigla niya nalang akong hinila palabas ng library at parang tinapon sa loob ng isang classroom tsaka ni-lock.
Sa kababae niyang tao bakit ang lakas lakas niya?
"Diyan ka lang" sabi niya mula sa ibang end ng pinto. Siguro nakaharap din siya sa pinto kagaya ko. "Ayaw kitang kausapin naiirita ako sa mukha mo" dagdag pa niya. Ako rin naman eh iritang irita na rin sa pinaggagawa niya.
"Eh kasi naman Klara. Pwede naman kasi natin itong idaan sa maayos na usapan. Ba't kailangan na nakalock ako? Hindi naman naayon ito sa human rights ko" sabi ko sa kanya sabay katok sa pinto upang sana naman marindi siya at palabasin na ako.
"Na zero tayo sa exam"
"Oo na alam ko kaya nga nagsosorry ako eh"
"Dahil natulog ka sa klase"
"Alam ko rin. Pinagsisihan ko naman ginawa ko eh. Pwedeng palabasin mo na ako para di tayo malate sa-"
"Anong napanaginipan mo?"
Napahinto naman ako sa pagkakatok at pagsasalita ko. "Ba't mo alam na-"
"Sagutin mo nalang ako" putol niya. Ang lamig ng boses niya. Parang dinadalaw ako ng mga kaluluwa dahil walang ka emosyon ang boses niya at di ko na alam kung galit nga ba siya o nang-aasar lang.
"Eh kasi. Nanaginip lang ako ng maganda-"
"Ganyan ba kaganda ang panaginip mo para ibalewala ang klase natin sa pinaka striktong guro natin?"
Okay. Para nga talagang galit siya sakin. Napakadelikadong sitwasiyon na ito. Kailangan ko na ng excuse.
"Eh kasi naman... nanaginip ako patungkol sa sports car na sobrang ganda like kumikinang siya-"
"Huwag kang magsinungaling"
"Hindi ako nagsisinungaling no"
"Alam ko kung ano ang katotohanan sa kasinungalingan. Kung gusto mong makalabas dito eh sabihin mo na ang totoo"
"Eh kasi naman eh" napakamot ako sa batok ko.
"Talaga bang hindi mo kayang sabihin yan? Sige isusumbong ko sa mga kaklase natin na nandito ka"
Napaurong ako bigla at nanlaki ang mga mata ko. "Uy! Huwag naman ganyan!"
"Sabihin mo na sa akin ang totoo"
"Eh kasi nga patungkol sa crush ko ang panaginip ko. Alam mo naman eh kapag in love yung tao ganu-"
"So in love ka?"
"Oo, akala ko halata. Di mo napansin-"
"Wala kang pake kung napansin ko man o hindi. Ang gusto kong malaman ay kung in love ka nga ba talaga"
"..."
"Sagutin mo ko-"
"Kung puputulin mo lang naman pala mga sasabihin ko eh huwag mo nalang kaya akong kausapin. Seryoso Klara nakakainis na"
Natahimik ng ilang segundo. Napabuntong hininga naman ako. Ibang klase rin itong si Klara eh masyadong bossy.
"So ayun nga. In love ako sa isang kaklase natin at siya yung napanaginipan ko. Ngayong alam mo na Klara pwede mo na ba akong palabasin?" tanong ko sa kanya sabay katok ulit sa pinto.
Ano ba. Feeling ko ang tagal ko na rito sa loob. Nagkakaroon na ako ng masamang kutob eh. Baka ayaw na talaga akong palabasin dito.
"Last questions" sabi niya. Napareklamo naman ako. Naman eh pwede naman talagang mag usap kami pero sa hindi ganitong sitwasiyon.
"Si Neisha ang napanaginipan mo no?"
Ayun. Ilang beses na ba talaga ako napapaurong ng babaeng ito. Parang lahat nalang ng nasa isip ko ay alam niya.
"Paano mo nalaman yan?" tanong ko.
"Totoo nga" sabi niya at narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga. Ako naman ay natulala pa rin. Bakit alam niya? Paanong alam niya eh wala naman talagang nakakaalam? Obvious ba ako? Eh si Ernest lang naman ang alam kong may alam sa gusto ko eh.
"Damien." naputol ang mga iniisip ko ng biglang nagsalita siya ulit.
"Kung sakaling may magtatapat sayo tungkol sa nararamdaman nila. Anong gagawin mo?"
Weird naman ng question niya. Malayo ito sa anong naging topic namin kanina lang.
"Bakit? Ano naman ang kinalaman niyang sa-"
"Sagutin mo nalang kasi ako huwag na puro kontra" sabi niya in her usual cold tone. Parang wala lang ang pagbitiw niya ng mga salita.
"Siguro pag-iisipan ko muna. Di ko naman kasi aakalain na-"
"Pag-iisipan mo?"
"Oo"
Nagkaroon ulit ng katahimikan sa pagitan namin. Nakatingin parin ako sa may pinto at alam kong siya rin ay nakatingin dito.
"Teka lang bakit tanong ka ng tanong patungkol jan?" tanong ko sa kanya.
"Hindi mo talaga alam?" tanong din ang isinagot niya sa tanong ko. Anong hindi ko alam? Magtatanong pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto at doon bigla nalang may malambot na bagay ang nakadikit sa labi ko.
Klara?
Si Klara pa talaga ang nanghalik sakin?
BINABASA MO ANG
Tones: PINK "The Bravest"
Teen FictionIn which she told him she likes him yet he is confused if he should believe her or not. Cue: She's blunt yet somehow not convincing The First Story Filipino/English Language ©SimplyEuphoric14
