Chapter 3

12 0 0
                                    

Nakarating na kami sa school at medyo marami nang tao. Pumunta naman kami ni Kuya sa assign seats namin dahil 15 minutes nalang ang natitira bago magsimula.

"Woah! Astrid! Ang ganda mo talaga" papuri nila Mamang sa akin.

"Picture nga tayo" kumpleto na pala kaming anim at nag groufie kami.

"Infairness ah. Nagmukha na tayong tao ngayon. Pero mukha nang diyosa si Astrid" ang dami ko nang natatanggap na compliment.

"Ma~ para siyang Barbie" narinig kong sabi ng isang batang babae at tinignan ko siya at nginitian.

Bigla siyang nagulat at tumago sa likod ng nanay niya.

"Pag pasensiyahan mo na tong anak ko ah"

"Naku, okay lang po" umalis na sila umupo dun sa mga bakanteng upuan.

"Uuuyy~ Barbie. Ganda talaga eh" sabi ni Ate Andrea.

"Dahil lang to sa light brown hair at big blue eyes ko Ate no. Tayong lahat ang maganda" nag picture na muna kaming mga girls.

"Huy! Ano ba yang pinaggagawa mo Vaughn?" sumingit kasi siya sa amin at pati narin si Kuya Rain at ayun. Parang mga bakla dahil ginagaya kami pero nag enjoy naman kami.

"Okay. Requesting all the recitalist to please go to your seats because we are about to start the program" sabi nung emcee na Ate ni Kuya Vaughn na si Ate Vanessa. May tatlong kapatid palang babae si Kuya at siya lang ang only boy at ang bunso. Ang panganay sa kanila ay si Ate Vanessa na teacher dito sa school namin tapos sumunod naman si Ate Veronica na nasa Canada at si Ate Venus naman yung pangatlo na nasa Japan.

"Kinakabahan na ako Kuya" tabi pala kami ni Kuya pero mas nauna nga lang ako. Nilalamig na ang kamay ko.

Bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko at nginitian ako.

"Kaya mo yan. Ikaw pa? Ang galing mo kaya. Tsaka makakaya natin to" nakaramdam ako ng assurance sa sinabi niya with matching smile pa, ang cute talaga ng dimples niya at ang lalim pa.

"Sana nga" hindi parin niya binibitawan ang kamay ko at medyo nawawala na ang kaba ko at nagsimula narin ang recital.

Tapos nang mag perform sina Ate Shane at Ate Drea, Kuya Rain at si Mamang at ako na ang susunod.

"God bless" ngayon pa binitawan ni Kuya ang kamay ko pagkatapos ng isa't kalahating oras. Pumunta na ako sa stage at pumwesto sa piano. Huminga muna ako ng malalim at nagsimula nang tumugtog ng March from the Nutcracker.

Hindi ko pinansin ang mga tao sa paligid ko na parang kaming dalawa lang sa piano ang nandito.

Pagkatapos kong tumugtog ay hiningal ako at pumalpak ang mga tao. Nag bow muna ako at nakita ko si Kuya Andrew, sila Ate, Sila Mama na nag standing ovation. Pagkababa ko ay niyakap ko agad sila Mamang at umupo para kumalma ako.

"That was amazing Astrid" papuri nung Teacher ko.

"Thank you po" naibsan ang kaba ko at si Kuya na ang sunod. Ang lahat ay nakatanaw sa kanya dahil kilala to sa school na magaling mag piano.

Ang gwapo talaga niya kahit saang anggulo. Nagsimula na siyang tumugtog ng Flight of the Bumblebee, ang hirap ng piece na to at ang galing niya talaga. Wala pa akong naririnig na mali, piano prodigy yan eh at isa yan sa mga nagustuhan ko sa kanya. At marami ring babae ang humahanga sa kanya. Campus crush yan eh. Tsaka ang sabi ng iba, perfect daw siya. Hahahaha, eh wala namang perpekto sa mundo eh.

Pero masasabi kong almost perfect siya. Gwapo, matalino, mayaman, magaling mag piano at marunong ring mag gitara, magaling ring mag frisbee at basketball, marunong rin siyang mag drawing, at maganda rin ang boses niyan. Pero may mga flaw rin siya no, gaya nalang ng late sa klase, hindi siya marunong sumayaw, hindi siya marunong lumangoy, takot yan sa ipis at palaka, at marami pang flaw pero mahal ko yan.

Pagkatapos niyang tumugtog ay maraming nag standing ovation sa kanya. Kami rin kaya. Agad siyang bumaba pagkatapos niyang mag bow at sinalubong ko siya ng yakap.

"Ang galing mo talaga Kuya" sabi ko sa kanya at niyakap rin ako.

"Ikaw rin" kumalas na siya sa pagkakayakap at nakipag hand shake sa kanya ang piano teacher namin.

"You guys are so amazing. Nalagpasan niyo ang expectations ko. Good job" sabi nang teacher namin sa aming mga estudyante niya.

"Thank you Sir" umupo na kami at kumain muna ng snack na bigay sa amin. Parang naubos yung enerhiya ko kanina.

"Nakakagutom mag piano" reklamo niya pero kumain lang ako.

Nag text si Ate Drea na lumabas daw kami. Tinignan ko siya. Sumenyas siya na lalabas daw.

"Kuya. Labas daw tayo sabi ni Ate Drea"

"Okay" nauna siyang tumayo at naglakad at sumunod lang ako sa kanya.

Nandun na sila lobby dala ang instruments nila at kami nalang ang hinihintay.

"Ano nga palang gagawin natin?" tanong ko sa kanila.

"Mag photoshoot. Tara, naghihintay na yung Papa mo sa set" wow! Kanina pang umaga tong si Papa.

Sinundan ko lang si sila at papunta kami sa Garden.

"Anong kababalaghan to Pa?" sabi ko agad sa kanya pagdating namin doon at hinalikan lang ako sa noo.

"No questions my darling. Just do what i say"

"Okay"

"So let's start. Okay, dito ka Andrea and dito ka Mitzi. Sa likod ka naman Shane at tabi kayo ni Rain. Tapos dito ka Astrid at Vaughn" ang ganda ng arrangement ah. Tsaka may mga upuan pa. Kami ni Kuya ay naka upo habang sila naman ay nakatayo. Basta maganda ang formation namin.

"Project guys. Good. Nice one. Another pose. Love it" yan ang kadalasang sinasabi ni Papa.Iba iba ang emotions na pinapakita namin at iba iba rin ng formation. My individual shots pa kami at may duo rin. Kaming lahat ay may duo shots at last kami ni Kuya.

"Hawakan mo ngang bewang niya Vaughn" automatic namang humawak si Kuya.

"Okay. Closer at tingin sa isa't-isa" nagtinginan kami at hindi ko mapagilang mapangiti.

"Mukha ka ngang tao ngayon Kuya" sabi ko sa kanya.

"Aray naman" nag iba na naman kami ng mga pose at voila! Tapos na.

"Grabe talaga si Tito no? Parang may magazine cover tayong ginagawa" sabi ni Kuya Rain.

"Thank you po pala Tito Dean" nagpasalamat sila Ate kay Papa.

"Walang anuman. Basta kayo" bumalik na kami sa loob ng hall.

Pagkatapos ng recital ay diretso agad kami sa bahay para mag salo-salo. Nandito rin ang parents nila Ate Drea at ang dami namin dito ngayon. Ganito talaga kami every recital.

Kumain na muna kami at nagkwentuhan. Close rin kasi ang mga parents namin.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa kwarto ko para mag movie marathon. Nakaugalian na namin tong anim.

Dalawang movie lang ang tinapos namin dahil umuwi na sila pero nandito parin si Kuya.

"Labas na muna tayo" sabi niya sa akin.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Saan pa? Edi sa tambayan natin. Tara na" bigla nalang niya akong hinablot.

"Teka lang. Mag bibihis na muna ako" naka jersey short lang kaya ako at t-shirt.

"O sige. Magbibihis nalang din ako. Hintayin mo ko ha" umalis na siya at nagbihis agad ako ng pedal short at t-shirt tapos nag sneakers at nag ponytail. Tinanggal ko narin ang make-up ko at lumabas ng bahay.

Sabay lang din kaming nakalabas ng gate ni Kuya at naglakad na papuntang tambayan.

***********

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon