Chapter 33

9 1 0
                                    

"Astrid oh, lahat ng animé ko andito na" inabot niya naman sa akin ang flash drive ko.

"Ayown, thanks Migs" kaklase ko siya na sobrang addict sa animé pero may brains. Si Kuya din naman otaku din yun pero hindi ko alam kung hanggang ngayon pa ba. Dati kasi ay siya ang nag iintroduce sa akin ng mga bago at sa kanya galing ang mga yun. Tamad akong mag download eh.

Na open ko na file at ang dami nga, na miss kong mag binge watching ng animé every sunday.

Laking pasalamat ko rin na tapos na ang paghahanap namin ng RRL. Konting edit nalang ay ready to print na siya, bukas narin kasi ang deadline eh. Medyo nakaka stress na ang buhay namin ngayon pero keri pa naman.

Mag eedit na sana ako ng may problemang hindi ko inaasahan.

"Fudge fudge no!" na corrupt kasi yung mga file ko at nawawala na ang RRL na gawa ko. Shit pano 'to?! Bukas na ang deadline.

Pumunta nalang ako kela Kuya, kakapalan ko na ang mukha ko at magpapatulong sa kanya. Eh kasi bukas na ang deadline malalagot ako nito.

"Oh Astrid? May kailangan ka?" Si Ate Van ang nag bukas sa akin ng pinto. Ngayon na naman ulit ako makakapasok sa bahay nila. Todo tanggi kasi ako pag iniinvite ako ni Ate Van.

"An-ano kasi Ate eh nagkaproblema ako. Na corrupt yung file ng RRL ko kaya magpapatulong sana ako kay Kuya kung okay lang sa kanya"

"Tutulungan ka nun huwag kang mag alala. Puntahan mo lang sa kwarto niya" pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Well all i can say is ang laki ng pinagbago.

"Oh andito pala si Vaughn" nakita namin siya sa kusina naglalagay ng gatas sa isang baso... i know what he's doing. Gawain namin yun dati eh.

"Milk and oreo" sabi ko sa sarili ko. Well some things never change. Napangiti nalang ako.

Nagulat siya nung nakita ako at medyo natapon pa ang gatas.

"Huy sayang ang gatas" sabi naman ni Ate Van sa kanya. He composed himself at tinignan ako.

"Ah Kuya pwede bang magpatulong. Nagkaproblema kasi ako sa RRL ko eh. Unfortunately na corrupt yung mga files ko at nasama pa dun ang RRL ko" sana naman ay tutulungan niya ako Lord. Please! Please! Please!

Napakamot muna siya sa batok habang nakayuko. Alam kong mannerism niyang ganyan. Medyo na sstress na yan.

"Sige sige tutulungan kita" napa yes nalang ako. Kinuha na niya ang kanyang gatas at ang isang platito ng oreo.

"Tara sa kwarto" sabi niya at sumunod nalang ako. Tumingin muna ako kay Ate Van and i mouthed 'Thank you' to her.

Pagkapasok ko ng room niya ay bumungad sa akin ang digital piano niya at gitara. His room is still the same since the last time that i saw it but when i looked at the picture frames. Wala ako dun kahit isang picture man lang. Masakit siya pero wala naman na akong magagawa pa sa pag alis ko dati.

"Lahat ba talaga ng RRL mo nawala?" Medyo stress niyang sabi at nakakunot na ang noo niya.

"Uumm an-ano Kuya yung final na file ko talaga. Pero yung reference tsaka yung nakuha natin galing sa library ay buhay pa naman but hindi pa siya na eedit" umupo na muna ako sa kama niya kasi dun siya sa study niya nakaupo eh.

"Bigay mo sa akin yung galing sa library" agad kong binuksan ang aking laptop, shet ba't ang tagal mag start. Na aawkward tuloy ako ngayon sa ambiance namin. Tahimik lang kasi kami at walang ginagawa. Nakita ko namang nagsuot siya ng salamin. Oo nga pala, medyo malabo pala ang mga mata niya nung nag grade 9 na kami.

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon