Chapter 37

15 1 0
                                    

Dalawang araw na akong nagkukulong lang sa kwarto. Hiyang hiya parin ako sa ginawa ko kay Kuya.

Nag youyoutube lang ako nung biglang tumawag sa messenger ko si Ate Van.

"Hello Ate?"

"Astrid, may favor lang sana ako sayo eh. Si Vaughn kasi may sakit, kahapon pa nilalagnat nung tinawagan ko siya. Pwede bang ikaw na muna ang mag alaga sa kanya Astrid? Promise may pasalubong ako sayo. Kawawa naman kasi si bunso eh" halatang alalang ala si Ate Van para kay Kuya. Ako rin naman eh tsaka siya lang kaya ang mag-isa sa bahay nila.

"Sure Ate, huwag ka nang magalala ako nang bahala kay Kuya" agad naman akong nag luto ng sopas para may makain naman si Kuya.

Pumasok na ako sa gate nila pero naka lock ang bahay.

"Kuya! Tao po! Kuya" pinagbuksan niya ako ng pinto at ang gulo gulo ng buhok niya at ang tamlay tamlay niya. Pumunta naman siya agad sa sofa at dun humiga. May unan dun at kumot so dun lang ba siya natutulog?

Dumiretso naman ako sa kusina at nakita kong hindi niya pa nahuhugasan ang mga pinggang pinagkainan niya. May mga cup noodles din dito na walang laman.

"Kuya kumain ka muna, nag luto ako ng sopas" nilagay ko sa isang mangkok ang sopas at nag labas ng gamot. Hindi niya ako pinapansin at nakahiga parin siya dun kaya't ako na ang lumapit.

"Kuya?" nakapikit lang siya. Hinipo ko naman ang noo niya. Grabe ang init, hindi pa siguro 'to nakakainom ng gamot.

"Kuya bumangon ka muna para makakain ka at makainom ng gamot" dahan dahan naman niyang minulat ang mga kanyang mata at inalalayan ko siya sa pag bangon. Buti nalang ay kumakain na siya ng dahan dahan kaya't bumalik na muna ako sa kusina para mag hiwa ng apple at nag dala rin ako ng maaligamgam na tubig.

"Ayoko na" konti lang ang kinain niya at hindi pwede 'to.

"Pano ka gagaling Kuya kung konti lang ang kakainin mo. Sige na ubusan mo na yan" ayaw niya parin kaya't kinuha ko nalang ang sopas at ako nalang ang magpapakain sa kanya.

"Konti nalang Kuya oh hindi mo pa uubusin. Sarap kaya nito" buti nalang ay kinain niya naman ang nasa kutsara at akmang kukunin yun mula sa akin.

"Nope" naubos niya ang sopas kaya't nakainom narin siya ng gamot at kumain lang ng konting apple.

"Kuya huwag ka dyan matulog. Tara sa kwarto mo" alam kong nahihilo siya pero mas makakapagpahinga siya ng maayos sa kwarto niya. Inalalayan ko nalang siya sa paglalakad pataas hanggang sa makarating kami sa kwarto niya at agad naman siyang humiga.

"Maglilinis na muna ako sa kusina Kuya ah. Pahinga ka muna dyan" umalis na ako sa kwarto niya at hinuhugasan ko lang ang mga pinggan.

Bumalik na ako sa kwarto ni Kuya na may dalang medyo malamig na tubig at bimpo. Ang himbing na ng tulog niya. Alas dos na ng hapon kaya't medyo inaantok na ako. Nilagyan ko nalang muna ng bimpo ang noo niya tsaka ako humiga dun sa sofa niya dito sa kwarto at nakatulog din ako.

Naalimpungatan ako nung naramdaman kong may bumuhat sa akin, dahan dahan ko namang minulat ang mata ko at nakitang si Kuya pala ang nagbuhat sa akin at napabalikwas ako. Oh no! Wrong move! Natumba kami sa bed at napaibabaw siya sa akin. Aatakihin ata ako sa puso nito dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko kasi ang lapit lapit ng mga mukha namin. Walang gumagalaw sa amin at nagtitigan lang kami. Naramdaman ko namang may parang nakaumbok sa may ano ko... shet ngayon ko lang na realize na yung ano niya rin pala yun kaya't naitulak ko siya at agad akong tumayo tapos tumapat sa aircon.

Grabe ang init! Ang init init ng mukha ko. Pinagpapawisan rin ako ngayon kahit na nakatapat na sa akin ang aircon. Ang bilis parin ng tibok ng puso ko kaya't nag inhale exhale nalang ako.

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon