Hindi parin nagpapansinan si Vaughn at Fleur, nagtataka na nga sila Mitzi eh kasi naman dalawang linggo na silang walang kibuan pag nakatambay lang kami. Like back to zero silang dalawa.
But it's a good thing for Fleur, at least makakapag move on narin siya. Kasi ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para i divert ang sarili niya mula kay Vaughn.
"Uy pre si Astrid oh" tinuro naman ni Kyle si Astrid na naglalakad mag-isa paalis ng senior high building. San naman kaya pupunta yun? Nakatambay lang kami ngayon sa room namin at ang room naman nila Astrid ay nasa dulo kaya't makikita talaga namin ang taga ABM Joy pag papunta sila sa room nila or pabalik.
"Ganda niya talaga pre"
"May gusto ka sa kanya no?" Tanong pa ng isang kaklase ko sa kanya.
"Sinong hindi magkakagusto dun? Maganda, matalino, at ang ganda pa ng boses"
"So anong plano mo?"
"Plano ko ngang ligawan yun eh" pumintig agad ang tenga ko dahil dun.
"Bawal mo siyang ligawan" seryoso kong sabi kaya't napatingin din sila sa akin.
"Ay eto.. Bakit naman bawal Gelo? Ikaw ba may planong manligaw sa kanya?" tae inaasar pa ako.
"Wa-wala no.. gago talaga kayo hahaha. Tsaka kung manliligaw ka man sa kanya Kyle, basted ka agad nun. May mahal na yun no"
"Ikaw ba ang mahal niya?" Mapang asar na sabi Howell at nagulat ako dun.
"Baka ikaw nga, palagi mo kasi siyang kasama eh tsaka ang close close niyo pa" hindi ko agad nasagot na hindi ako ang mahal ni Fleur kasi sumapaw naman si Braddy.
"Uy uy si Astrid oh. Tatawagin ko nga" sinubukan kong pigilan si Howell.
"Astrid! Astrid! May itatanong lang kami sayo" lumapit naman siya sa may bintana namin.
"Ano yun?" bumili pala siya cornetto at kinakain na niya ito ngayon.
"Pasok ka muna dito sa room" pumasok naman siya at nagtama na ang tingin namin. Tae kinakabahan ako sa gagawin ng mga mokong na 'to.
"Ano kasi itong si Kyle crush ka.. tapos sabi naman ni Gelo na bawal ka raw ligawan at may mahal ka nang iba. So yung mahal mo na yun si Gelo? What's the real score between you too?" Sarap itapon sa bangin nitong si Braddy eh. Sarap putulin ng dilar
"What? Si Gelo? Mahal ko? Hindi no tsaka wala kaming something. We're just friends. Diba Anjo?" takte parang may tumusok sa puso ko. Medyo mashakit siya dahil sa sinabi niya.
"Ah o-oo we're just friends" ngumiti nalang ako sa kanya.
"Ano okay na tayo? Balik na ako sa room ah" tumayo na siya at nagsimula nang maglakad palabas.
"Bye Astrid" paalam nila sa kanya.
"Bye" at nakalabas na nga siya ng room.
Nag usap usap lang sila ulit tungkol sa beauty ni Fleur pero nakatulala lang ako. Iniisip ko kung anong ginagawa ko sa sarili ko, ba't ko ba hinahayaang mahulog ako sa kanya? Arg!
*********
Astrid's POV
Three weeks. Three weeks na kaming nag iiwasan ni Kuya at medyo nakakalimutan ko narin ang nangyari nung gabing yun. Isang linggo naring nagsasalitan kami sa panglilibre ni Anjo at kahit saan saan kami nag fofood trip para makalimutan ko talaga ang nangyari. Mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa at sobrang kumportable na ako sa kanya pero hindi parin nawawala ang mga asaran.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...