"Kuya naman! Huwag ka munang mang iwan oh. Hindi ko kayang mawala ka!" nakikita ko si Kuya na naliligo sa sarili niyang dugo.
"Kuya! Kuya!" hindi ko kayang tingnan si Kuya na nababalot ng dugo.
"Pssst Astrid. Astrid wake up" may naramdaman akong humahaplos sa mukha ko kaya't minulat ko ang aking mga mata.
"K-kuya!" niyakap ko siya.
"Akala ko naaksidente ka. Akala ko iiwan mo na ako" hindi ko na napigilang umiyak. Hindi ko kaya na iiwan ako ni Kuya.
"Ssshh~ ssshh~ nandito lang si Kuya. Bangungot lang yun. Hindi mangyayari yun sa akin" niyakap niya rin ako pabalik at mahigpit. Pero umiiyak pa rin ako at bigla siyang kumalas.
"Iyakin ka na naman eh" pinunasan niya ang mga luha ko at hinawakan ang mukha ko.
"Bangungot lang yun okay?" tumango tango lang ako at bigla niya akong niyakap tapos tahimik lang kami. Kumalas na siya sa pagkakayakap.
"Tara na. Naghihintay na sila" bigla na namang naging cold ang tono ng pananalita niya. Hindi katulad kanina na parang bumalik siya sa dating Vaughn na kilala ko. Ngayon nag iba na naman. Bipolar ba to?
Bumaba na ako at pumunta na kami sa loob ng mall.
Nauna ako sa paglalakad at nakita ko na sila Megan pero may kasama pa silang isang lalake. Sino yun?
WHAT?!
"U-unggoy?"
"Surprise! Pero grabe ka naman kung makatawag na unggoy. Mukha ba akong unggoy? Shane oh tinawag akong unggoy" nagtawanan nalang sila at natawa nalang din ako.
"Ehem! Ehem! Bawal pa magharutan oy oy! Hahaha kawawa kaming mga single" tinignan ko naman sila Kuya at Megan. Ang sweet nga nila. Si Megan nakayakap sa likod ni Kuya at nakahawak lang si Kuya sa kamay ni Megan. Sinasaksak na naman ang puso ko.
"Barbie!" bigla akong tinawag ni unggoy.
"Bakit ba unggoy?" lumapit naman si unggoy sa akin.
"May muta ka pa" may tinanggal siya sa mata ko.
"Huwag mo nga akong tawaging barbie. Kadiri kaya tsaka may pangalan ako. Astrid Fleur" ayoko talaga na tinatawag akong barbie.
"Astig ng pangalan mo Fleur ah"
"How dare you to call me Fleur?"
**********
Andrea's POV
Naks! Nagka pov narin ako!!
"How dare you to call me Fleur?"
"Oh no nabuksan niya ang pandora's box" sabi ni Rain. Nagagalit kasi si Astrid pag tinatawag siyang Fleur.
"Tama na! Tama na! Libre mo nalang si Astrid ng ice cream sa baskin'robins Angelo" sabi ni Mamang. Yan, pampakalma niya ang ice cream.
"Okay pero tatawagin ko parin siyang Fleur--Aray!" ayan! Nasapak ka talaga dahil sa ginawa mo.
"Bunso kalma" hinawakan siya ni Rain at putok labi na si Angelo. Malakas manapak yang si Astrid.
"Tara diretso na tayong baskin'robins! Nagkakainitan na dito eh" sabi ni Shane at pumunta na kami dun.
"Aaahh! Wala pa nga tayo sa baskin'robins nilalanggam na ako" sabi ni Mamang at napatingin kami sa love birds.
"Nakakainggit naman" dun ako dumaan sa gitna nilang dalawa at naghiwalay ang kamay nila pero automatic parin na bumalik sa pagka intertwine. At natawa lang silang dalawa.
"Kaawaan kaming mga single. Sana'y bigyan kami ng makaka mingle" parang nagriritual si Mamang hahaha.
"Aaahh! Ice cream!" parang naging bata ulit si Astrid. Siya ang pinakamatagkad sa aming mga babae pero parang lumiit siya tingnan nung nakakita ng ice cream.
Tinignan ko si Vaughn. Medyo napangiti siya habang nakatingin kay Astrid. Kelan ka ba babalik sa dati Vaughn?
Pumasok na agad si Astrid at naunang pumila tapos nabigla kami sa ginawa niya.
"Halika dito unggoy" hinawakan niya ang kamay ni Angelo at pinatabi sa kanya.
"Libre mo ako" hinawakan niya lang talaga ang kamay ni Angelo.
"Oh ba't may pahawak ng kamay? Crush mo talaga ako eh" mag aaway na naman ang dalawang 'to.
"Hindi kita crush at kung bakit ko hinahawakan ang kamay mo? Para 'di ka umalis. Ililibre mo pa ako eh" ang cute naman talaga. Magkahawak lang din talaga sila ng kamay. Parang mag jowa naman talaga oh.
"Tingnan niyo ang dalawa to oh" bulong ko kela Mamang.
Pinicturan ni Rain silang dalawa at ngumiti ng nakakaloko.
"Bagay sila no?" sabi ni Shane.
"Akala ko ba crush mo si Angelo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ah hahaha nagagwapuhan lang ako sa kanya. Pero nung nakita ko silang dalawa ni Astrid na tumugtog. Nababagayan ako sa kanila. Push kaya natin ang dalawang to?" ngumiti kaming apat ng masama hahaha. Agree din naman kasi kami na bagay sila eh.
Silang dalawa na ang nag oorder at pinipicturan lang talaga namin sila. Nasa likod lang naman kasi namin sila eh. Tsaka sumunod narin kami.
Umupo na kami at kumakain na si Astrid. Tatlong ice cream talaga ang sa kanya.
Ang bilis kumain ng batang to.
Magkatabi sila ni Angelo at napapatingin siya kay Astrid. Para siyang batang first time pa nakakain ng ice cream.
"Sarap talaga" ang cute niya hahaha.
"Ang dungis mo na. Kadiri"
"Wala akong pake" hahaha ang cute nilang tingnan. Ang cute din pag inaasar ni Angelo si Astrid.
"1 down 2 more to go" nilantak niya na agad at natawa nalang kami. Wala na tayong magagawa kasi paborito niya eh.
Natapos na agad ni Astrid ang pangalawang ice cream niya. Bigla namang pinahiran ni Angelo ang gilid ng labi niya ng tissue.
"May natirang ice cream ka" napatigil kasi si Astrid eh.
*crack* na crack ang kutsara ni Vaughn at napatingin kami sa kanya at kinuha ang kutsara sa isang baso ni Astrid. Magkaharap kasi sila.
*burp*
"Ang lakas nun hahaha" tinawanan lang ni Angelo si Astrid at natawa nalang din kami. Parang hindi babae tong si Astrid.
Tapos na kaming kumain lahat at papaalis na dun.
"San tayo ngayon?" tanong ni bunso.
"Sine tayo?"suggest ni Megan.
"Sige sige! Ano bang magandang movie ngayon?" namiss ko yung energy na bunso na ganyan. Pero may kulang eh pero at least.
"Oh ba't nakangiti ka diyan Drea?" tinanong ako ni Rain.
"Namiss ko lang yung ganung aura ni bunso" napatingin naman sila kay bunso. Pati si Vaughn.
"What if mag horror tayo? Or comedy? Ano bang mga movie ngayon?"
"Ang kulit eh hahaha" sabi ni Rain.
Nandoon na pala kami sa cinema. Tumingin muna kami sa mga showing na movie.
"Gusto kong mag horror" sabi ni bunso at tumango tango naman kami.
"Hindi ba pwedeng mag comedy nalang?" si Angelo lang ang nag object ah.
"Bakit? Takot ka bang mag horror?" mapang asar na sabi ni bunso.
"Sige mag horror tayo" nag bayad na kami tsaka pumili ng seat. Bumili narin kami ng popcorn tsaka inumin.
**********
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...