So ayun nga, pagkatapos na pagkatapos ng last subject at nag memeeting na kami kung sino ang sa cooking contest, kung sino ang leader ng songs and yells, at kung ano ano pa. Ngayon ay nagnonominate na sila kung sino ang sa poster making, dalawa daw kasi dapat eh.
"I nominate Vaughn and Megan" sabi ni Pat, di naman masheket.
"I nominate Vaughn and Astrid. I guarantee you guys na sobrang galing ni Astrid" napatingin kami ni Kuya sa kanya at nag wink pa si Meg sa akin. Anong gusto mong mangyari Meg? May plano ka ba?
"Sino pa?" Na close na ang nomination at nag nagbobotohan na sila.
Medyo konti lang ang nag vote kela Megan kaya't nung kaming dalawa na ni Kuya, ayun majority sa kanila ang bumoto kaya kinabahan na naman ako ng todo todo.
"Yes!" Napalakas ang yes ni Megan at di ko alam kung bakit.
Natapos na ang meeting namin at di na ako mapakali na kaming dalawa ni Kuya ang sa poster making.
"Oy pinagpapawisan ka bunso ah" sabi agad ni Mamang at pinunasan ko agad yung pawis ko. Putek kinakabahan talaga ako para sa poster making.
"Maghanap ka na ng ideas para sa poster natin" malamig na sabi ni Kuya tsaka tumayo at umalis.
"Bye guys" paalam ni Megan sa amin at nag wave naman kami sa kanila tsaka sabay silang naglakad palabas ng room.
Nagsiuwian narin kami pagkatapos mag ligpit ng mga gamit.
************
At ito na nga ang pinakatatakutan ko as of now. Ang poster making, kanina pa ako dito sa room at naka handa narin ang mga gamit ko. Nasan na ba si Kuya?
"Astrid wala pa ba si Vaughn?" Tanong nung facilitator namin.
"Wala pa po eh" si Kuya nalang talaga ang hinihintay namin para mag start na sa poster making.
Tinawagan ko si Megan pero sabi niya di daw sila magkasama at di rin daw macontact si Kuya.
May tumawag naman sa faci namin at sinabing kailangan na naming mag start kahit wala pa si Kuya or pag wala parin siya after 15 minutes ay hahanap nalang ng kapalit niya.
Actually nag usap na kami ni Kuya kung ano ang magiging concept namin at may blueprint narin kami.
Nagsimula nalang din ako kasi wala akong choice.
***********
Rain's POV
Kanina pa aligaga si Andrea kasi 2 minutes nalang ang natitira para kay Vaughn. Nasan na ba kasi ang mokong nayun? Wala pa namang pwede ipalit sa kanya.
"Meg 'di parin ba ma contact?" stress na talaga si Andrea, siya naman kasi ang Vice President sa room namin eh.
"Hindi parin eh. Love nasan ka na ba?" Wala talagang pwedeng ipalit sa kanya kasi kami ang may pinaka konting bilang ng estudyante no. Tapos by section pa kami ngayon. Maya maya naman ay may healthy marathon kami at lahat ng classmates ko ay may sinalihan ding ibang contest, as in kaming lahat may ginagawa.
"Sorry love i'm late" hingal na sabi ni Vaughn na biglang dumating.
"Hindi ka sa akin dapat nag sosorry. Kay Astrid kaya't pumunta ka na dun dahil kanina pa siya naghihintay sayo" medyo masungit na sabi ni Megan.
"San ka ba galing?" binatukan ko nalang siya ng mahina.
"Gago ka talaga"sabi niya at tumakbo na papunta dun sa room kung saan ginaganap ang poster making.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...