Chapter 11

19 0 0
                                    

Pauwi na kami ngayon at nasa fron seat parin ako nakaupo. Naka earphones lang si Kuya sa likod habang natutulog.

Hawak hawak ko parin pala ang panyo ni unggoy.

"Oh, ba't nagkapanyo ka ata bigla" nakita pa ni Ate Van oh. Tsk tsk tsk.

"Sobrang pinagpawisan kasi ako kanina ate after tumugtog kaya binigay ni Kuya Rain yung panyo niya"

"Aahh" tahimik lang kami buong biyahe at na feel ko na ang pagod pero hindi ako inaantok.

"Paki gising nga si Vaughn Atsrid. Siya kasi ang magbubukas ng gate eh" malapit na kasi kaming makarating sa bahay.

"S-sige Ate" kinakabahan ako.

"K-kuya. Kuya gising na daw sabi ni Ate Van" hindi parin siya nagigising.

"Puntahan mo sa likod" Ate Van naman oh. Pinapahirapan ang buhay ko. Naka stiletto ako at naka dress tapos pupunta ako sa likod? Pero sige na nga!

Tinanggal ko yung earphones niya tapos bumulong.

"Kuya gising na" napabalikwas naman agad siya at nagtataka kung ba't ako napunta dun.

Pero tinitigan niya lang ako at sinuri ang buong mukha ko. Pero mas tinitigan niya ang mga mata ko.

"Mas lalong gumanda si Astrid no?" biglang tanong ni Ate Van at bumalik naman siya sa katinuan.

Umayos nalang ako sa pag upo.

"Nandito na tayo" agad akong bumaba at kinuha ang violin sa compartment.

"Han---Astrid" lumabas si Kuya tapos inabot sa akin ang panyo ni unggoy at agad na umalis tapos binuksan ang gate nila.

Tama ba narinig ko kanina? Muntikan niya na akong tawaging Hana? Pero at least narinig ko ulit na tinawag niya pangalan ko. Masaya na ako dun. Sana mag sunod sunod na tong mga interaction namin. Baka sakaling bumalik kami sa dati.

"I'm home!" natutulog na ata si Mommy.

"Si Mama po Manang?" tanong ko dun sa katulong namin.

"Nandun na sa kwarto niya Astrid" pagpunta ko dun ay nakatingin lang siya sa computer niya.

"Mama~" niyakap ko si Mama para mapawi ang pagod.

Tinignan ko yung computer niya.

"Ha?" naghahanap na si Mama ng mga design ng debut gown ko.

"Ang aga naman Ma"

"Syempre kailangan nating paghandaan yan. Isang napaka importaneng part yan ng buhay mo kaya't habang maaga pa maghahanda na tayo. Okay?" tumango nalang ako.

Nag good night na ako kay Mama tsaka pumunta sa kwarto.

Nag tanggal agad ako ng makeup tapos nag hilamos.

Humiga na ako at napapaisip sa mga nangyari ngayong araw.

Andami pala naming interaction ni Kuya today. Sana talaga mag tuloy tuloy na to.

Tinignan ko phone ko. 10:45 na pala pero hindi man lang ako tinatamaan ng antok.

I need some fresh air. Punta na nga muna ako sa terrace.

Paglabas ko ay sakto namang kakalabas lang din ni Kuya sa terrace niya at nag tama ang tingin namin.

*dug*dug*dug*dug* hinawakan ko ang puso ko at grabe ang pagtibok nito.

Nakatitig parin siya sa akin at may nakita ako sa kamay niya pero agad niyang tinago yun sa likod niya tapos pumasok na sa kwarto.

Ano na naman yun?

Arg!!! Mababaliw na ako kakaisip sa mga nangyayari!!

Kalma Astrid kalma.

Bumaba na muna ako para uminom ng chamomile tea para kumalma at sana makatulog narin.

Habang nainom ako ay tinitignan ko muna ang messenger ko kung sino pa yung mga gising.

Gising pa si Megan tsaka si Kuya. Baka magkausap sila ngayon.

Biglang may nag chat sa akin at nagulat ako na si Megan pala yun.

"Gala tayo ngayong Sunday. Wala pa naman tayong mga assignments eh tsaka free time naman. Hindi kasi ako available bukas kaya't sa Sunday nalang ah. Nasabihan ko narin sila Mitzi kaya't gora karin ah. See you on Sunday Astrid" sana kasama niya si Kuya.

Umakyat na ako tapos medyo tinatamaan na ako ng antok.

Nagpatugtog nalang ako ng Run to you ng Pentatonix. Favorite pampatulog ko to eh tsaka naiyak ako nung unang rinig ko nito. Si Kuya kasi eh. Pero tama na ang pagiisip sa kanya. Let my brain rest.

*********

Sunday na at naghahanda na ako para sa gala namin. Nagbibihis na ako tapos nagsuklay ng buhok ko then nag apply ng lip tint para hindi ako maputlang tingnan. Hindi na ako nag kilay kasi makapal narin kilay ko eh. Para akong si Cara Delivigne kaso sakto lang naman ang kapal ng kilay ko.

Naka jeans tsaka plain v neck tshirt lang ako at high cut na sapatos na converse. Ganto lang naman kasi talaga ang mga casual ko eh.

"Alis na ako Ma" nag wave naman si Mommy na nandun sa pool area. Nagdidilig ng mga halaman.

Paglabas ko ay nakita ko din si Kuya na kakalabas lang din sa gate kasama si Ate Van. Pero hindi siya naka bihis.

"Astrid!" tinawag ako ni Ate Van at napatingin din si Kuya sa akin.

"Sabay ka na kay Vaughn. Diba may gala kayo nila Megan?" pugay naman Ate Van oh.

"Ah oo Ate may gala kami pero mag cocommute nalang ako" nakakahiya kayang sumabay sa kanya.

"Hindi na. Sumabay ka na kay Vaughn" sumama naman ang tingin ni Kuya kay Ate Van.

"Sinabi niya na ate na mag cocommute daw siya"

"Huwag kang mag inarte. Kotse ko ang gamit mo at nakikihiram ka lang" takot nga pala si Kuya sa mga Ate niya.

"Sige na Astrid. Sumabay ka na kay Vaughn. Baka ano pang mangyari sayo pag nag commute ka" naglakad nalang ako papunta dun sa kotse.

"Hoy Vaughn. Ingatan mo tong kotse ko ah. Malalagot ka talaga sa akin pag nabangga mo to" panenermon ni Ate Van kay Kuya. Hahaha, kawawa.

"Sige na Astrid. Sumakay ka na"

"Salamat Ate ah" nag wink lang siya sa akin at sumakay na ako sa likod.

Umalis na kami at ang awkward na naman. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Nabobored ako tapos naiwan pala yung earphones ko sa bahay.

"K-kuya. Pwede bang magpatugtog?" kinapalan ko na ang mukha ko para lang makinig ng music.

"Sige" tipid niyang sagot at naka connect na ako sa bluetooth. Nagpatugtog lang ako ng mga Pentatonix. Favorite ko talaga sila.

Safe driver naman pala si Kuya at napawi naman kahit papano ang awkwardness dahil sa music.

Tinamaan ako ng antok nung Run to you na ang tugtog. Sige nga iidlip muna ako.

***********

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon