Chapter 50

8 0 0
                                    

Days have passed at medyo iniiwasan na ako ni Kuya. Nung nakaraan kasi ay narinig kong nag uusap si Megan at Kuya sa room namin nang silang dalawa lang. Oo nag eavesdrop ako sa kanila kasi narinig ko ang pangalan ko sa usapan.

Flashback

"Love mag tapat ka nga sa akin. May gusto ka ba kay Astrid?" yan agad ang narinig ko nung palapit na ako sa pinto ng room namin. Buti 'di ko pa nabubuksan ang pinto.

"H-huh? Ano bang pinagsasabi mo? W-wala akong gusto sa kanya. Ba-bakit mo natanong yan?" okay.. na confirm ko na talaga na wala siyang gusto sa akin. Alam ko naman yun sa simula pa lang eh.

"Eh kasi pag lumalapit ang pinsan ko sa kanya ay parang bang nag iiba ang aura mo. Minsan nga nakakalimutan mong kasama mo ako eh. You're acting like a jealous boyfriend to her"

"No.. love i'm just being a... protective Kuya to her. A-alam mo naman diba na tinuturing ko talagang kapatid yun. I'm sorry love" umalis nalang ako kasi nasasaktan na naman ako eh.

End of Flashback

Nakatunganga lang ako dito sa bahay kasi Sunday naman eh. Hapon na pero hindi parin ako naliligo dahil tintamad akong bumangon.

*tok*tok*tok* baka si Mama lang or si Manang Ester.

"Pasok" nakapikit kong sabi at agad ko namang narinig na pumasok na siya at tumabi sa akin. Si Mama 'to kaya't humarap na ako sa kanya.

"A-anjo?!" Putek ang lapit lapit pa ng mukha ko sa kanya. Ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko kaya't naitulak ko siya at nahulog sa bed.

"Shit" napamura tuloy ako sa ginawa ko. Agad naman akong bumangon para tulungan siya.

"Huy sorry. Nagulat kasi talaga ako eh, akala ko din kasi na ikaw si Mama" nakatayo na kami pero nagulat ako ng bigla siyang umiwas ng tingin nung tinignan ang buong katawan ko.

"Ma-magbihis ka na ka-kaya muna" parang aakyat na ata lahat ng dugo ko sa mukha. Ngayon ko lang na realize na naka sando lang ako ng mainipis at wala pa akong bra and puti pa ang kulay nito. Shit bakat na bakat talaga yung boobs ko.

"Mag-maghihintay nalang ak-ako sa baba" agad naman siyang lumabas ng kwarto ko at dumiretso sa cr para maligo. Grabe ang awkward nun.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako at kumain na kami ng hapunan.

"Anak diba may ibibigay ka rin sa kanya?" Ay oo nga pala. Bumalik muna ako sa kwarto para kunin yun.

"Oh" inabot ko sa kanya ang kinuha ko sa kwarto. Muntikan ko pang hindi maibigay sa kanya yun dahil sa nangyari kanina.

"Ay wow naman oh. Magiging legal na siya" binuksan niya naman ang debut invitation ko.

"Okay lang ba sayo kung ikaw ang magiging escort ko?" agad niya naman akong tinignan at napangiti.

"It's my pleasure to be your escort madame" napangiti din ako sa sinabi niya. Ang saya saya ko lang kasi pumayag siya na maging escort ko sa debut.

Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan at chikahan nila Mama.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na si Mama sa kwarto kasi mag iimpake pa siya ng gamit. Dadalawin niya ulit si Kuya Andrew sa States kasi mag bibirthday na din si Kuya eh. Sayang hindi ako makakapunta kasi marami pang aasikasuhin sa school.

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon