Chapter 27

9 0 0
                                    

Dalawang linggo ang lumipas mula nung sa tagos inicident ko. Actually medyo nawawala na siya sa isip sa tulong ni Angela. Eh kasi palagi ko na siyang kasama at nilalayuan na naman ako ni Kuya which is a good thing or bad thing? Eh kasi pag lumayo siya sa akin, mawawala na ba talaga ang feelings ko para sa kanya totally? Parang mas lalo lang kasing malabong babalik kami sa dating kami na magkapatid at magiging malala lang ang sitwasyon. Ang hirap naman kasi eh, yung feeling na nasayang yung friendship niyo at gusto mong ibalik sa dati pero mahal mo parin siya at kailangan mong mag move on kaya't kailangan mo munang lumayo layo. Putek ang hirap!!

"Astrid okay na yung minus one mo" umalis na akong ssc office kasi hinatid ko lang ang flash drive na may lamang minus one ko para bukas vocal solo. Oo bukas na ang vocal solo kaya't kinakabahan na ako ng todo todo.

"Oy Fleur ang tamlay mo" walang gana akong tumingin kay Angela.

"Wala. San ka ba galing?"

"Ah galing ako sa labas may binili lang para sa lab namin mamaya sa chem" tumango tango lang ako sa sagot niya. Nawawalan talaga ako ng gana dahil sa inisip kong mahirap ibalik ang friendship namin ni Kuya hangga't hindi pa ako nakakapag move on sa kanya.

"Oh napapatulala ka na naman. Ano bang iniisip mo? Tara nga sa rooftop" pumunta muna siya sa room nila at nilagay muna dun ang mga binili niya sa labas at pumunta na kami sa rooftop. Tutal medyo late naman daw naman yung teacher namin ngayon.

"Ano may plano ka pa bang sabihin ang problema mo?" Mga 10 minutes na kasi kami dito pero hindi ko parin sinasabi sa kanya ang problema ko.

"Ano kasi, yung sa amin ni Kuya. Gusto ko kasing ibalik ang dati naming samahan yung magkapatid talaga pero kailangan ko din namang mag move on. Sa tuwing nagkakaroon naman kami ng interaction ay bumabalik din ang feelings ko. Ang hirap hirap Anjo!!" Napasigaw na talaga ako sa frustration.

"An-anong tawag mo sa akin? Anjo?" Napatigil ako sa pag sisigaw sa tanong niya.

"Bakit ano bang meron sa Anjo?" Bigla nalang kasi siyang napatigil.

"Y-yan din kasi ang tawag sa akin ni Caitlyn sa akin" yung ex niya?

"Ano naman ngayon?" Natigilan talaga siya bigla. Anyare sa kanya?

***********

Angelo's POV

"Ano naman ngayon?" hindi ko inaasahan na tatawagin niya akong Anjo. Humingi kasi ako ng sign sa Panginoon na kung sino ang susunod na tatawag sa akin na Anjo ay baka siya na ang para sa akin. Eh kasi si Caitlyn lang naman ang tumatawag sa akin ng Anjo eh. Lahat naman sila ang tawag sa akin ay Angelo ang tawag o kaya naman Gelo para mas maikli. Pero kasi yung Anjo, san nakuha yun ni Fleur?

"Oy Anjo tulala ka" nakabalik naman ako sa wisyo dahil nag snap siya sa harapan ko.

"U-uum wala. Naalala ko lang si Caitlyn" medyo kumunot naman noo niya. Magkapatid nga sila ni Vaughn.

"Bakit naman?"

"Eh kasi Anjo rin tawag niya sa akin. San mo nakuha ang Anjo nayan ha?"

"Ano lang diniretso ko lang ang umpisa mong pangalan na Ang sa O na last letter kaya Anjo. Mas maikli no tsaka ako lang din ang tatawag niyan sayo ah para alam mong ako ang tumatawag sayo" shet! Ba't ganun? Yun din kasi ang sabi ni Caitlyn sa akin eh na siya lang daw ang tatawag ng Anjo sa akin para malaman ko daw agad na siya ang tumatawag nun sa akin.

Pero hindi ko naman ma imagine ang sarili ko no na in a relationship with Fleur. Palagi lang talaga kaming mag-aaway.

"Hoy Anjo 'di ka pa bababa?"

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon