Chapter 58

6 0 0
                                    

Angelo's POV

"Fleur! Fleur!" walang sumasagot sa kabilang linya at ang narinig ko lang ay may bumagsak. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Kinakabahan na tuloy ako.

Hindi ako mapakali kaya't tinawagan ko si Tita Alice.

"He-hello Tita?" naririnig kong nagkakagulo sila.

"Angelo, si Astrid inaatake ngayon at papunta pa kaming ospital ngayon" umiiyak na si Tita Alice at tama ang kutob kong may nangyaring masama sa kanya.

Nag end naman ang tawag at gusto ko na siyang puntahan ngayon. Umiiyak narin ako kasi naalala ko ang sinabi niyang baka wala na siyang natitirang oras. Nangangamba ako na baka ngayon na mangyayari yun.

Agad kong kinuha ang car keys at nagmadaling umalis ng bahay. Naririnig ko pang may sinasabi sila Papa sa akin pero wala akong maintindihan kasi ang iniisip ko lang ngayon ay ang puntahan si Fleur.

Tinext sa akin ni Tita Alice kung saang ospital sila kaya't nagmadali akong mag drive papunt dun. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha pero patuloy parin ako sa pag drive. Tumatawag naman sa akin si Andrea at sasagutin ko na sana kaso nahulog pa ang phone ko sa may paanan at sinusubukan kong kunin yun pero mahirap kunin.

Nagulat nalang ako ng may bumusina sa aking sasakyan na papunta sa akin direksyon. Am i going to survive this? Kailangan ko pang makita si Fleur.

**********

Vaughn's POV

Naka recieve ako ng text galing kay Andrea na isinugod na daw sa ospital si Hana.

Ako ang dahilan kung bakit siya inaatake ngayon! Ayokong mawala si Hana. Hindi ko kayang iwanan na niya ako ng tuluyan!

Nagmadali akong umalis ng bahay dala ang isang pirasong papel. Naglakad lang ako palabas ng subdivision namin pero hindi ko alam kung saang ospital siya dinala. Nagpatuloy parin ako sa paglalakad habang ginagamit ang aking cellphone para i contact sila Mamang. Kailangan kong makita si Hana ngayon. Kailangan kong sabihin ang totoong nararamdaman ko sa kanya. Kailangan ko pang mag sorry sa kanya. Kailangan niyang lumaban kasi hindi ko makakayang mawala siya.

Tumatakbo ako ng hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko lang ay kailangan ko siyang mapuntahan at makita. Hindi siya pwedeng mawala. Hindi ko na kakayanin ang sakit.

"Hana! Hana" tawag tawag ko ang pangalan niya habang tumatakbo ng umiiyak. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin pag nawala siya.

May bumusina naman sa akin habang patawid ako pero anlabo na talaga ng mata ko dahil sa luha. Ito na ba ang katapusan ko? Hindi pa pwede! Kailangan ko pang isalba si Hana!

***********

15 years later

Third person's POV

Kakarating lang ng isang pamilya sa sementeryo para bisitahin ang isang napakalapit nilang kaibigan.

Bumili sila ng bulaklak at inilagay sa puntod nito.

"Mommy why do we have to go here every year?" tanong ng panganay nilang anak na lalake na nasa anim na taong gulang.

Nagtinginan naman silang mag-asawa dahil sa naitanong ng anak.

"Wanna know why? Because he is the one who saved Mommy's life" yumuko ang asawa nito para makalebel ang anak.

"Is it true Mommy?" inosenteng tanong ng kanyang anak.

"Yes it's true, that's why we will pay him a visit every year for saving my life" may tumulo namang luha na kanina pa nagbabayang tumulo.

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon