Buti nalang ay natapos rin namin ang RRL ko at napasa namin siya on time. Si Kuya naman ay medyo namamansin na sa akin. May one time nga na sabay kaming nanood nang anime nung wala kaming teacher. Nabigla nga rin sila Mamang na medyo nagiging close ulit kami ni Kuya. And yung update tungkol sa puso ko? Ganun parin, mahal ko parin siya pero uni unting na akong nasasanay sa sakit sa tuwing nakikita ko sila ni Megan. Si Anjo naman naging busy narin kaya't hindi na kami madalas nagkakasama. Minsan na ngalang din kami sabay na naglulunch eh kasi ang dami na naming ginagawa. Tsaka hindi na kami everyday na sabay kung umuuwi.
"Uy mga pre" speaking of the devil. Tapos na kase ang lahat ng klase namin at nandito lang kami sa canteen.
"Uy Gelo" bati naman nila sa kanya.
"Anong plano niyo sa sem break?" Tanong niya sa amin at kinuha pa ang banana cue ko. Wala na akong nagawa, kakapagod rin kasing awayin ang isang 'to eh.
"Tambay lang sa bahay. Sa december pa kasi kami pupuntang Japan nila Mommy eh" sabi ni Ate Drea.
"Ako sa bahay lang rin, alam niyo naman busy sila Mama at Papa kaya sa bahay lang ko" Ate Shane
"Same team bahay din ako or pa gala gala sa mga bahay bahay niyo" Kuya Rain
"Mga team bahay pala tayo nito eh" Mamang
Si Anjo naman ay napatingin sa akin.
"Me... well i don't know. Maybe babalik kaming States"
"Noooo!!" nagulat ako nung sumigaw silang lahat. Lalo na si Kuya. Napatingin tuloy ang mga estudyante sa amin.
"Te-teka hindi pa naman sure eh. Tsaka babalik naman ako if pupunta kami dun. Bibisita lang kami kay Kuya Andrew that's all"
"Huy siguraduhin mong babalik ka ah kung sakali man. Babatukan ka namin pag hindi ka bumalik" nanggigil na sabi ni Mamang. Si Kuya naman ay napayuko nalang. Baka na trauma siya nung iniwan ko siya dati.
"Babalik ako syempre. Susulitin ko ang oras ko habang nandito pa ako no" napakunot naman ang noo nila.
"Huy ba't ka nagsasabi ng ganyan. Parang may masamang mangyayari sayo, mamamatay ka na ba ha?.. Aray naman" binatukan kasi siya ni Mamang.
"Yang bibig mo Shane ah. Anong mamatay si bunso?"
"Eh kasi naman Mamang parang nagpapaalam siya eh na para bang may masamang mangyayari sa kanya" alalang sabi ni Ate Shane kaya't inakbayan ko nalang siya.
"Hay nako, kayo talaga. Hindi ko naman kayo iiwan eh"
"Alam niyo balik nga tayo sa sem break na usapan... May plano ka ba Angelo?" Hay buti nalang ay tinantanan na nila ako. Thank you Ate Drea! Savior kita ngayon.
"Gusto ko kasi kayong i invite sa rest house namin eh"
"Kakaiba talaga pag mayaman namin na friend eh" pang aasar pa ni Kuya Rain sa kanya.
"Luh hindi kami mayaman no"
"Asuuu pa humble ka talaga Gelo pero sure, game ako dyan" Game na si Ate Shane.
"Kayo?"
"Game" sabay sabay na sabi namin nila Mamang.
"Ikaw insan at Vaughn? Last sem break na natin 'to sa high school" medyo excited niyang sabi.
"Tara go, matagal na akong hindi nakakabalik dun insan eh. Tara love punta ka din, i guarantee you guys na sobrang ganda dun. May white sand na beach tapos may malaking pool pa, basta ang ganda dun" nakangiting sabi pa ni Megan. Halatang sobrang excited siyang makabalik dun.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...