Today is Thursday at sobrang nakakatamad ng araw na to. Medyo maulan kasi kaya nakakatamad.
Hindi ako nakinig sa teacher namin and i'm just drawing something. Hindi ko alam kung anong ginuguhit ko basta sinusunod ko nalang ang galaw ng kamay ko.
Natapos na ang class namin ng wala akong natutunan hahahaha. Charot lang! Personal development lang naman na subject eh.
"Hello Astrid!" masiglang bati ni Megan na ikinagulat ko kaya't medyo napunit ang papel na ginuhitan ko.
"Ooops. Sorry about that"
"Okay lang Megan" kumuha siya nang tape tapos inayos yung papel.
"Si Vaughn pala tong sketch mo oh" tinignan ko yung papel at dun lang nag sink in sa akin na si Kuya pala ang naguhit ko.
"Love ang galing parin ni Astrid" pinakita niya kay Kuya ang drawing ko at medyo nakakunot ang noo niya.
Bigla namang tinupi ni Megan ang papel at nilagay sa notebook ni Kuya.
"You better keep that because it's nice" tapos humarap siya sa akin.
"And this is for you. Invitation yan sa debut ko bukas and be sure na pupunta ka Astrid ah. Thank you"
"Ah ah s-sige" pupunta ba talaga ako?
"Wait may nakalimutan ako. Ikaw pala ang magiging violinist ko bukas sa 18 roses. Beautiful girl by Jose Marie Chan yung kanta then pag amin na ni Love ay Perfect ni Ed Sheeran. Kering keri mo na yan Astrid. Thank you ulit ah" hindi ako naka react. Shet! Kakayanin ko kaya bukas? Makikita ko silang nagsasayaw?
"S-sige" napangiti ako ng mapait.
"Huwag mong tanggapin ang offer kung napipilitan ka lang" biglang nagsalita si Kuya na may masamang tingin sa akin.
Napatingin din sila Mamang sa amin.
"Love--"
"Halatang napipilitan ka lang eh" nasasaktan ako sa mga sinabi niya.
"Hi-hindi Kuya. Hindi ako napipilitan. Tsaka na miss ko kayang tumugtog sa mga ganung gig. Parang hindi pa ako sanay" yan kasi ang raket namin dati ni Kuya. Siya pianist tapos ako ang violinist.
"Hindi naman pala siya napipilitan eh. Ba't mo nasabi yun love?" nag walk out na naman siya bigla at sinundan agad siya ni Megan.
Napabuntong hininga nalang ako at naiyak na naman ako.
Pagod na ako kakaiyak dahil sa kanya.
"Hay naku. Pinaiyak ka ni Vaughn" sabi ni Kuya Rainier.
"Ibang iba na talaga siya Mamang" niyakap ako ni Mamang habang tuloy tuloy lang sa pag tulo ang mga luha ko.
"Tanggapin nalang natin na ganun na talaga siya" sabi ni Mamang. Tama naman eh, wala na akong magagawa kundi tanggapin na ganun na talaga siya.
"Huwag ka nang umiyak" sabi ni Ate Drea at pinainom ako ng tubig.
Maya maya pa ay dumating silang dalawa at halata sa mukha nila na nag away sila.
Dumating narin ang teacher namin at start na ng class.
************
Buti nalang half day kami ngayon at may enough time pa kami para mag prepare sa debut ni Megan.
Sabi ni Megan na aagahan ko nalang daw sa venue para makapag practice pa kami ng pianist.
Nag makeup muna ako and yes~ marunong na akong mag makeup. Like full face makeup talaga. Simple glam look lang ako ngayon then naka black long dress ako na may lace long sleeve tapos naka high messy bun ang buhok ko.
"Mama alis na po ako" nandun lang kasi si mommy sa may garden.
"Sige anak. Mag ingat ka ah. Text mo lang si manong pag magpapasundo ka na mamaya"
"Opo" tapos lumabas na ako ng gate.
"Astrid!" tawag sa akin ni Ate Vanessa. Yung panganay na kapatid ni Kuya.
"Ate Vanessa!" ngayon lang din kasi nagkita ulit.
"Tita isasabay ko nalang po si Astrid!" sigaw ni Ate.
"Sige lang Van!" mag bungangera talaga hahahaha.
"Tara Astrid!"
"Huh?" pupunta rin ba si Ate sa debut?
"Sabay na tayo papunta sa debut ni Megan. Halika na" nilagay ko muna violin sa compartment at dali daling sumakay sa passenger's seat at nandun pala si Kuya. At ang gwapo niya sa suot niya.
"Sa harap nalang pala ako sasakay" shet ang awkward nun.
Dun nalang ako sa front seat umupo at nag chikahan kami ni Ate Van. Alam niya kasi yung reason kung bakit ako nag stay sa America.
Natahimik na kami ni Ate Van at focus nalang siya sa pagmamaneho.
Nag earphones at nakinig sa tutogtugin ko mamamaya tsaka umidlip.
Nagising ako ng may tumapik tapik sa pisngi ko.
"Gising na Astrid. Nandito na tayo" ginigising pala ako ni Ate Van tapos lumabas sa kotse.
Nabigla naman ako nung inabot sa akin ni Kuya ang violin ko pero hindi siya tumitingin sa akin.
"Th-thank you" hindi niya lang ako pinansin at naglakad papunta sa loob.
"Hello. Are you Astrid Martinez?" tanong nung isang staff.
"Yes po"
"Sabi po ni Miss Megan na punta nalang daw po kayo dun sa may grand piano. Naghihintay na po dun ang pianist niyo then may piece naman po dun" buti nalang may piece. Kundi magkakalat talaga ako mamaya.
"Sige po thank you" dumiretso naman ako dun sa grand piano pero wala namang tao. Nasan kaya yung pianist ko?
May isang music stand dun at nakita ko yung violin piece. Buti nalang hindi ganun ka hirap. Keri namang i sight read.
Tinotono ko lang yung violin then nag practice na ako sa piyesa.
Nakita ko si Kuya na umupo dun sa isang upuan na may round table at malapit sa akin tapos nakaharap pa siya sa akin.
Nadidistract tuloy ako pero kailangang mapasadahan ko yung mga piyesa.
"Ikaw pala ang violinist na sinasabi ni Megan"
"Anak ng tokwa naman!" nagulat ako nung may narinig akong nagsalita sa likod ko.
"Ikaw!?" andito na naman tong annoying monkey na to.
"Oo nga ako. Ako ang accompanist mo"
"H-huh? P-pano? Ikaw?" maasahan ba tong tao to.
"Eh kasi naman first cousin ko si Megan kaya niyaya niya akong maging pianist niya" aaahh kaya naman pala.
"O-okay" yun nalang ang naisagot ko.
"Start na tayo?"
"Himala ka ata ngayon ah. Nagpapakabait ka ata" nabwebwesit kasi talaga ako sa kanya eh..
"Mabait naman talaga ako eh. Start na nga tayo" tinignan ko naman si Kuya at nakatitig lang siya ng masama sa amin.
Magaling din pala tong unggoy na to ah. Hindi naman kami masyadong naghirap sa piyesa.
Nakita ko si Kuya na umalis pero tuloy tuloy lang kami sa pag papractice.
*********
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...